CHAPTER 14

11 4 0
                                    

Napatitig si Nette sa mga papel na inilapag sa mesa ng kaharap nilang lalaki. Nakaupo silang magkakabanda nang pahilera habang nakatingala sa mamang may singkit na mga mata at maputing kutis.

“Ito kanta n’yong kakanta. Kayo aralin na ito para ayos kanta n’yo, okay?”

Kahit na nagtugunan na sina Gin, Aaron, Jacob at Maecy sa kaharap nilang hapon, nakapako pa rin ang mga ni Nette sa mga papel. May nakasulat ditong mga nota at liriko. Sa mgkahalong kaba at excitement na tumutupok sa kaniyang sistema, hindi niya mapigilan ang panunubig ng sariling mga mata.

Japan, malapit na ako . . .

“Kayo, isang buwan at half,” iminustra pa ni Mr. Shoyo ang half sa hangin, “bago sama sa akin. Ako bayad kayo, usap na tayo, right?” Itinuon nito sa mesa ang pareho nitong kamay.

“Taong-tabon ba ‘yan?” bulong ni Aaron sa kaniya.

Kinagat ni Nette ang sariling labi upang magpigil ng tawa. Napaka-walanghiya talaga ni Aaron! Parang hindi man lang ito natatakot na baka marinig ito ni Mr. Shoyo!

Nang matapos ang meeting nila sa hapon, kaniya-kaniyang singhapan ang kanilang pinakawalan. Sinilip pa ni Gin ang pintong nilabasan ni Mr. Shoyo upang siguraduhin na malayo na ito — baka kasi marinig sila no’n, e, nakakaintindi pa naman ‘yon ng tagalog.

Shet, mga p’re, ang weird naman ng melody nito.” Kunot-noong nakatitig si Aaron sa hawak na typewriting habang nakapamewang.

“Buti nga kayo pagtugtog lang ang pinoproblema n’yo.”

Mula sa pagtitig sa papel kung saan nakasulat ang chords ng kaniyang tutugtugin, napatingala si Nette kay Maecy.

“Ako nga, pati pronunciation aaralin pa. Ka-stress!” Pinaypay nito sa sarili ang papel.

“Kaya mo ‘yan!” Humagalpak ng tawa si Jacob. Palibhasa kasi ito ang may pinakamaliit na adjustment na gagawin sa kanila kaya nakakatawa nang gano’n. “‘Tingin nga. Ano bang lyrics n’yan?”

Umiwas ng tingin si Nette sa dalawa nang dungawin ni Jacob ang hawak na papel ni Maecy. Hindi niya alam kung bakit naiinis pa rin siya sa paghaharutan ng dalawa gayong naka-move on na naman siya kay Jacob. Siguro nabi-bitter lang siya kasi single pa rin siya hanggang ngayon?

Sagutin ko na kaya si Cullen?

Gustuhin mang matawa ni Nette sa kahibangang pumasok sa isipan, hindi niya magawa. Seryoso naman kasi siya. Mahigit isang buwan na lamang at luluwas na sila ng Japan . . . ayaw na niyang magsayang ng mga araw na kasama si Cullen. Kung mahal na naman niya ang binata, bakit nga naman hindi pa niya ito sagutin? Wala namang pumipigil sa kanila. Todo suporta pa nga si Lolo Pat, e.

“Gago, p’re, may electric guitar,” usal ni Gin na nakatapat sa tainga ang cellphone. Siguro ay nai-search na agad nito ang kanta. “Paano ‘yon? Magre-recruit pa tayo ng mag-e-electric guitar?”

“Sabi ni Mr. Shoyo kanina may nakuha na raw siyang tatao sa electric guitar. Hindi ka nakikinig kanina, ‘no?!”

“H-ha? Sinabi ba?” walang-muwang na tugon ni Gin kay Aaron.

“Tanga!” Binatukan ni Aaron si Gin dahilan upang mahulog ang hawak nitong cellphone.

“Electric guitarist? Makakasama natin sa eroplano?” singit ni Nette sa dalawa. “Ba’t ‘di pa pinapakilala sa atin?”

“Ang pagkakaintindi ko, e, Japanese ‘yon. Taga-Japan daw, e.” Umupo si Jacob sa tabi niya at hinablot ang hawak niyang papel. Tinitigan ng lalaki ang nakasulat doon saka umangil, “Ano ba naman, Nette, ba’t ang dali lang ng chords nito? Unfair sa iba, e!”

A Step To Her HeartWhere stories live. Discover now