CHAPTER 6

8 4 2
                                    

“Ako ang bahala sa ‘yo! Hindi tayo mapapahamak!” pag-aalo ni Cullen sa babaeng nagtutulak ng kaniyang wheelchair.

Pakiramdam niya kasi, nanginginig ang dalaga sa kaniyang likuran. Ang bagal pa ng paraan ng pagtulak nito sa kaniya na parang punong-puno ng pag-aalinlangan ang sistema nito.

“S-Sir, h’wag mo ako i-isusumbong kay Lolo Pat, ah.” Rinig ni Cullen na bumuntong hininga ang babae. “Ayokong masesante . . . kailangan ko ng p-pera.”

Natawa siya sa ‘tinuran ng dalaga. “Magtiwala ka sa ‘kin, Nette. Magkakampi tayo.”

Hindi na tumugon sa sinabi niya ang babae. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ni Cullen habang inililibot ang paningin sa bus stop. Napakaraming mga tao. Yakap-yakap ang kaniyang brown envelope na naglalaman ng kaniyang requirements, isang malawak na ngiti ang pumaskil sa kaniyang mukha.

Ngayon lamang siya ulit nakalabas nang ganito mula sa nakakainis niyang kulungan. Alam naman niyang malaki ang bahay nila, ngunit para sa kaniya, napakasikip pa rin nito. Gusto kasi ni Cullen na makita ang mundo. Kung paano magtawanan ang mga tao . . . kung paano kalkalin ng guards ang bag ng kung sino-sino gamit ang hawak nitong stick . . . at kung paano magtawag ng pasahero ang mga estrangherong kundoktor.

Basta gutom na gutom siyang makita ang totoong mundo. Mundo sa likod ng pader ng kanilang bahay.

Mahina na rin kasi ang Lolo Pat niya kaya halos isang beses lang sa isang buwan siya nitong nailalabas ng bahay. Tapos kung ilalabas man siya nito, palagi namang sa Rizal Park lang siya dinadala. Nagsasawa na siya. Gustuhin man niyang humiling ng Baguio o Tagaytay, busy naman ang matanda sa pagbabantay ng kanilang tindahan.

“Ayon, Nette!” Magiliw na itinuro ni Cullen ang isang bus. “‘Di ba dadaan ‘yon ng Makati?”

“A-ah, oo,” utal na tugon ng dalaga na parang galing ito mula sa malalim na pag-iisip. “T-tara.”

Hindi mapagsidlan ang galak sa dibdib ni Cullen nang tuluyan na silang makasakay ng bus. Tinulungan pa nga sila no’ng isang kundoktor at ilang pasahero para maisakay siya sa bus, e.

Parang hindi naman siya naniniwala sa sinabi ng kaniyang lolo na punong-puno raw ng masasamang tao rito sa labas. Ang babait kaya nila!

Tiningala niya ang katabing babae na nakatayo sa b’yahe dahil puno na ang mga upuan. Nangunot ang noo ni Cullen dahil sa mapanglaw na mukha ng dalaga.

“Nette,” pukaw niya rito.

Lumingon ito sa kaniya at nagtaas ng kilay na parang tinatanong siya kung ano ang kaniyang kailangan.

“O-okay ka lang?” Napalunok si Cullen sa kaniyang ‘tinuran.

“Ha?” anas ni Nette na punong-puno ng pagtataka, ngunit hindi pa rin nawawala ang malamya nitong mga mata. “A-ako?” turo nito sa sarili. “Oo naman! Sanay naman ako na nakatayo sa b’yahe.” Peke itong tumawa.

“Okay.” Nagkibit-balikat siya sa sinabi ng dalaga. “Parang ang lungkot mo kasi.”

Kita ni Cullen sa periperal niyang paningin na gulat siyang nilingon ng babae, ngunit nanatili na lamang siyang tahimik.

Paano kaya ako natatagalan nitong si Nette? Ano pang klase ng pambu-bully kailangan kong gawin para mag-resign na siya?

Nang makababa na sila sa Makati ay napuno ng galak ang dibdib ni Cullen nang dampian ng maalansingang sikat ng araw ang kaniyang balat. Itinuro niya kay Nette ang kanto na dapat nilang pasukan upang marating ang gusali na kailangang puntahan. Masigla pa nga niyang itinuturo sa dalaga ang mga matataas na buildings na kanilang nadadaanan na para bang wala noon sa kanila.

A Step To Her HeartWhere stories live. Discover now