Chapter 44: Katahimikan

42.3K 1.2K 233
                                    

Chapter 44 PART 1

Katahimikan

 

 

Ilang buwan na ang nakalipas. It’s summer now. I’m not eating much naman pero tingin ko talaga ay nagkakalaman na ako.

Nasa bahay ako ngayon ni Muyiki. Naka-leave siya sa work niya dahil nagkasakit ang anak niyang si Miru. Nanganak siya noong December at masasabi ko naman na hindi nagmana ang anak niya sakanya dahil di hamak na malayo ang iginanda ni Miru sakanya. 

“Okay na si Miru pero ayaw ko lang talagnga pumasok sa work kasi nag-aalala pa rin ako.”

“Ah.” Kinuha ko ang cake na ipinatong niya sa coffee table.

“Akala ko ba concerned ka kay Miru kaya ka nandito pero hindi ka naman yata interested! Kain ka nang kain.”

“Sinasabi mo bang tumataba na ako?” Ipinatong kong muli ang cake sa mesa at humalukipkip.

“Wala akong sinabing ganyan.” Natataranta niyang sagot saakin. “But hey, alam ba ng boyfriend mong nandito ka na? Nasabi mo bang mag-aaral ka ulit? Baka magulat yun bigla ka nalang nawala doon.”

 “Hindi at wala akong balak sabihin. Alam mo kasi lately, naiinis talaga ako sakanya kahit wala siyang ginagawa saka isa pa, gusto kitang makita. Weird nga, e.”

 “Weird pa ang gusto. Anyway, kawawa naman yung tao sayo.”

 “Ako ba hindi? Nakikita ko palang siya naiinis na ako. Akalain mong ayaw niyang isuot yung bright pink niyang pants at polka dots niyang damit! Ang ganda pa naman tapos ayaw niyang isuot? Inis talaga ako.” Tuloy-tuloy kong sabi bago sumubo ng cake. Pangatlong kuha ko na nga yata ito.

 “Kelan mo pa ba siya sinagot talaga?” Inagaw ko ang cake nang kukunin ito ni Miyuki. The cake’s mine witch. “Iyo na. Grabe ‘to mauubos mo ba yan?”

 “November at oo mauubos ko ito.” Sagot ko. Napansin ko naman na titig na titig saakin si Miyuki. Nawiwirduhan na ako sakanya.

 “Nahihilo ka ba minsan, o kaya stomach cramps?” Tumango ako pero tuloy lang ako sa pagkain. “Ihi ka nang ihi?” Tumango pa rin ako. “May nangyari na sainyo?” This time ay napatigil na ako sa pagtango at napatingin sakanya.

 “Gross! Huwag ka nga magtanong ng ganyan.”

 “Huwag kang pa-virgin JL, ah! Para ka kasing buntis kung umasta, e. Plus tango ka nang tango sa mga tinatanong ko, magpatingin ka kaya o kaya PT.” Ibinaba ko ulit ang platitong may laman na cake, ininom ang juice ng straight, umayos ako ng upo at tinitigan kong mabuti si Miyuki. “Saka isa pa, medyo yung tiyan mo kasi talaga... distracting.”

 Huminga ako nang malalim at iniisip ko lahat ng sinabi niya. Ang tahimik. Halos mga ibon nalang sa labas ang naririnig ko at dahil sa katahimikan na ito ay bigla kong naaalala ang mga pangyayari nang gabing iyon. Shit!

 “Miyuki...” Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingin lang sakanya. “Buntis nga yata ako?”

***

A/N: Maiksing update lang. Pambwisit lang wahahahahahhaa.

I'm so eviiiil! >:))))

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon