Chapter 5

536 11 0
                                    

Chapter 5

"Ang ganda naman ng anak ko. May date ba ulit kayo ni James?" puri sa kanya ng Mama niya nang pumasok ito sa silid niya.



"Talaga bang maganda ako Ma? O sinasabi niyo lang na maganda ako kasi anak niyo ako?"

Nilapitan siya ng Mama niya at hinawakan ang buhok niya.

"Maganda ka Anak. Totoo yun at hindi dahil anak kita. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo."

"Thank you Ma"

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magawang sabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa engagement nila ni James. Ayaw niyang masaktan ang mga magulang niya. Kahit na sooner or later masasaktan din naman ang mga ito, eh di gawin na lang later.


"Ilugay natin ang buhok mo Anak. Mas bagay iyon sayo" Kulot kulot ang buhok niya kaya hindi siya mahilig maglugay dahil pakiramdam niya magmumukha siyang Ita.



"Ma naman eh. Alam mong sabog ang buhok ko." Nailing na sabi niya. Kahit na gustuhin man niya ay alam niyang imposible yun.

"Madaling solusyunan iyan Anak. Hindi mo yata naitatanong dating Beauty Queen ang Mama nung nag-aaral pa ako. Akong bahala sayo."

Hinayaan nalang ni Akira ang kanyang ina sa kung anong balak gawin nito sa buhok niya. Hindi naman siya pababayaan ng Mama niya eh. Kung ano-ano ang ginawa nito sa buhok niya. Minake-up-an din siya nito. Hindi siya nito hinayaang tumingin sa salamin hanggat hindi ito tapos sa ginagawa nito sa kanya.

Nang iharap siya ng Mama niya sa salamin ay halos hindi niya makilala ang sarili.

Ang ganda ko!

"Ako ba talaga ito Ma?" di makapaniwalang tanong niya sa Mama niya.



"Oo naman Anak. Ang ganda mo diba? Mana ka kay Mama" proud na sabi nito sa kanya.



"Anong sayo nagmana? Sa akin kaya nagmana iyang anak ko" mula sa pinto ay sumungaw ang Daddy niya.

"Papa! Ang ganda ko diba? Ang galing ni Mama"



"Sus! Paano ba hindi gagaling ang Mama mo eh laman ng Parlor iyan eh" biro ng Papa niya dito.



"Oy! Hindi naman masyado" nakasimangot na sagot ng Mama niya.



Sabay sabay pa silang nagtawanang tatlo. Natigil sila sa pagtatawanan ng may marinig silang busina ng sasakyan.

"Nandyan na yata ang sundo mo Anak. Naku siguradong lalong maiinlove sayo si James" nakangiting sabi ng Mama niya.

Napangiti na lang din si Akira. Ayaw niyang bigyan pa ng alalahanin ang mga magulang niya.



Sana nga totoo.



Pagbaba nila ng Salas ay naabutan nilang naghihintay si James. Tumayo ito at sinalubong sila.

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon