AUCTION: Chapter Seven

30.4K 1K 143
                                    

CHAPTER SEVEN

NANLALAKI ang mga mata ni Ruth habang papalapit sa kanya ang lalaki. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib ng oras na iyon. Alam niya, ilang sandali na lang ay mamamaalam na siya sa kanang kamay niya. Wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ito. Para sa kanyang nanay na nasa bingit ng kamatayan.

"Oh, bakit ka natatakot, Ruth?" tanong ng lalaki sa kanya nang nasa tabi na niya ito. Kahit ano palang tago niya sa kanyang takot ay nahalata pa rin nito iyon. "Hindi mo naman kailangang matakot, eh. Wala kang sakit na mararamdaman."

Nakita niya na may inilabas itong panturok sa bulsa nito. Alam niya kung ano iyon-anesthesia. Hinawakan nito ang kanyang braso at itinurok iyon doon. Ramdam niya ang pagbaon ng karayom sa kanyang balat.

"Ano bang napapala niyo sa ganito?" tanong niya matapos. "Bumibili kayo ng parte ng katawan tapos kakainin o paglalaruan niyo?"

"Self-satisfaction! Siguro ang iba, nakakaramdam sila ng saya kapag nakakakain ng laman ng tao. Habang ako naman ay kapag nakakakolekta ng kamay ng iba't ibang tao. Sa paraan ng pananalita mo ay tila nagrereklamo ka, Ruth. Hindi dapat! Malaking halaga ng pera ang kapalit ng lahat ng ito, tandaan mo iyan..."

Ilang sandali lang ay nakaramdam na si Ruth ng pamamanhid sa kanyang kanang braso at kamay.

Ngumiti ang lalaki. "Simulan na natin nang matapos na at may madagdagna naman sa aking koleksiyon!"

Nang hawakan nito ang kamay niya ay hindi na siya pumalag. Tutal naman ay wala siyang mararamdaman na kahit na ano.

Inilapat na ng lalaki ang talim ng lagari sa may itaas ng kanyang pulso. Nang iurong-sulong nito ang talim ng lagari sa kanyang balat ay agad na bumaon iyon t napunit ang kanyang laman. Umagos ang masaganang dugo ngunit wala siyang maramdaman na kahit ano. Nakita niya na nakangiti ang lalaki at tila tuwang-tuwa sa ginagawa nito.

Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa sobrang hindik na nararamdaman niya. Kahit wala siyang nararamdaman na sakit ay nakakakilabot pa rin na panoorin ang pagputol sa sarili mong mga kamay.

Napapikit na lang si Ruth nang tumama na ang lagari sa buto niya sa parteng iyon ng kanyang katawan.

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay hawak na ng lalaki ang putol niyang kamay. Bigla siyang nakaramdam ng panlalambot nang makita niya na marami na palang dugo ang nawawala sa kanya.

"A-ano nang m-mangyayari sa akin?" nahihilo niyang tanong.

"Ibabalik na kita kay Mr. Black..." At isa pang panturok ang inilabas nito at itinurok iyon sa kanyang braso.

Ilang sandali lang ay sinalubong na siya ng kadiliman!

-----***-----

NAKAKABANAAG siya ng liwanag ngunit parang napakabigat pa rin ng talukap ng kanyang mga mata. Pumikit siyang muli bago ulit subukang ibukas ang mga mata.

"Gising ka na pala. Tumayo ka na diyan. Gusto kang makausap ni Mr. Black," boses iyon ni Cecilla.

Tuluyan nang nagising si Ruth. Nang bumangon siya mula sa pagkakahiga ay doon niya naramdaman ang labis na pananakit ng kanyang ulo. Nasapo niya iyon. "Nasa'n ako?" tanong niya. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Cecilla.

"Nasa isa ka sa mga kwarto dito sa mansion ni Mr. Black after kitang gamutin."

Sa sinabing iyon ni Cecilla ay napatingin siya sa kanyang kanang kamay. Tama, hindi isang panaginip ang nangyari. Wala na ang isang kamay niya. Nakabenda na iyon ng maayos.

Iginala ni Ruth ang kanyang mata sa magarang silid na kanyang kinaroroonan. Tumayo siya at hinarap si Cecilla. "Ikaw ang gumamot sa akin?"

Tumango ito. "Oo. Ako nga. Bakit, ayaw mong maniwala? Well, isa iyan sa trabaho ko bukod sa pagiging secretary ni Mr. Black. Bihira siyang magtiwala sa mga tao at maswerte ako na ako lang ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan niya. Kaya kung mapapansin mo, wala siyang ibang tauhan kundi ako lang."

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon