FLY: Chapter Seven

23K 818 199
                                    


AUTHOR'S NOTE: Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng "SICK". Kung mapapansin niyo po, mabilis ang mga pangyayari sa SICK. Pasensiya na po. Talagang 10 chapters per story lang po talaga ito. Ayun, sana po ay suportahan niyo pa rin ito hanggang sa huli... Salamat ng severe, #SickPeople <3


—-***—-


CHAPTER SEVEN



NAPANGITI si Koring nang biglang magmulat ng mata si Tomas matapos niyang ipakain dito ang dalang puso ng tao ng babae. Ngunit nanatili pa rin itong nakahiga. Walang mababakas na emosyon sa mukha. Matapos niyang makuha ang puso dito ay umalis na agad ito. Napansin niya na tila naiiyak ito ngunit pinipigilan lang na maluha. Alam niya na nahihirapan ito sa nangyayari pero nararapat lang naman ang lahat ng ito dito!


"Sa wakas! Unti-unti ka nang bumabalik, anak ko!" masiyang turan pa niya.


Dinama niya ang dibdib nito. Walang tibok ng puso at hindi pa rin ito humihinga. Marahil sa ikatlong puso na makakain nito ay magkakaroon na ito niyon. Hindi siya nagsisisi na muli niyang binalikan ang pagsamba niya sa Diablo.


Maya maya ay napatingin si Koring sa bintanang nakabukas. Mula sa langit ay unti-unting bumabagsak ang ulan. Lumapit siya sa bintana at tiningnan naman ang kalangitan. Madilim... Mukhang uulan ng malakas.


Bumalik na siya sa tabi ni Tomas. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa dito bago dumating ang babae. Pinunasan niya ng basang tela ang braso ng kanyang anak. Ngunit naantala ang kanyang ginagawa nang may kumatok sa pintuan ng kanyang bahay.


—-***—-


"ANO at bumalik ka dito?" Iyon agad ang tanong na bumungad kay Chynna nang pagbuksan siya ng pinto ng matanda.


"M-malakas ang ulan. D-dito muna ako." Hindi iyon isang pakiusap para sa kanya. Medyo basa na rin siya dahil sa ulan.


Kanina, hindi pa man siya nakakalayo sa bahay ng matanda ay biglang umulan. Ayaw naman niyang maabutan ng malakas na ulan sa kalye dahil wala na siyang mahihingian ng tulong. Wala man siyang maalala, sigurado si Chynna na patay na si Mike at iyon ay dahil sa kanya.


Tuluyang binuksan ng matanda ang pintuan. "Sumasamba ako sa diablo ngunit hindi ibig sabihin niyon ay masamang tao na ako. Hindi mo ako katulad. Sige, tumuloy ka!" anito.


Inirapan ito ni Chynna at pumasok na siya sa loob nang hindi man lang nag-abalang magpasalamat dito.


Pumwesto siya sa isang sulok na malayo sa bangkay ng lalaki. Kinikilabutan siyang makita iyon lalo na at dilat ang mga mata nito. Umupo siya sa sahig habang yakap ang dalawang tuhod.


Bigla niyang naisip ang lahat ng nangyari. Ang nangyari kay Peter at Mike ay iisa lang. Isang langaw ang pumasok sa kanyang bibig at pagkatapos no'n ay wala na siyang maalala. Tila magigising na lang siya sa mahabang pagkakatulog na may hawak na puso ng tao dito sa bahay na ito. Naniniwala na siya sa sinasabi ng matandang babae. Gumaganti ito sa kanya dahil hindi niya ito tinulungan noon.

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon