AUCTION: Chapter Nine

29.3K 971 89
                                    

CHAPTER NINE


PARANG gulong, paikot-ikot. Pagkatapos mong makarating sa dulo ay mapupunta ka na naman sa simula. Nagising na naman si Ruth sa silid na iyon sa mansion ni Mr. Black at nasa gilid ng kama si Cecilla. Ayon dito ay hindi naman inabot ng tatlong araw ang tulog niya. Halos labindalawang oras lamang daw.


"Gusto kang kausapin ni Mr. Black," turan nito.


"Alam ko..." aniya.


Bumaba na siya ng kama ngunit napapikit siya nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang paa nang ilapat niya iyon sa sahig. Nang tingnan niya iyon ay may benda iyon. Tumingin siya kay Cecilla at walang buhay siya nitong nginitian.


"Hindi pa masyadong naghihilom ang mga sugat mo sa daliri," anito.


Kahit masakit ang maglakad ay pinilit na lang ni Ruth. Parang may pasan na krus na tinungo niya ang pintuan. Kalbaryo—iyon ang tamang tawag sa nangyayri sa kanya ngayon.


Nakasunod sa kanya si Cecilla hanggang sa marating niya ang opisina ni Mr. Black. Tulad ng dati ay siya lang ang pumasok sa loob. Nadatnan niya doon si Mr. Black na nakaupo sa upuan nito habang nagkakape. Humigop muna ito doon at saka tumayo para salubungin siya.


"Are you ready for tonight, Ruth?" agad na tanong nito sa kanya.


Dire-diretso siyang umupo sa upuan na nasa harapan ng table nito dahil parang tinutusok ng ilang libong karayom ang mga sugat niya sa paa.


"Ang pera?" walang gatiol na sagot niya.


"Oh! Atat na atat ka na naman—"


"Ang pera ko, Mr. Black."


"Okey." Itinaas nito ang dalawang kamay. May kinuha ulit itong briefcase sa ilalim ng table nito at nagpunta sa painting na nakasabit sa dingding. Tinanggali nito iyon at muli niyang nakita ang vault na iniimbakan nito ng mga pera. Idinaiti nito ang hinlalaki at bumukas ang vault.


Nakamasid lang dito si Ruth habang kumukuha ito ng pera. Matapos iyon ay lumapit na ito sa kanya at iniabot ang briefcase. "Ten million, five hundred pesos... Kapalit ng sampung kuko sa mga paa mo, Ruth!" nakakalokong sabi pa nito.


Masama ang mga tingin na kinuha niya iyon. "Ang isang kamay ko ang ibebenta ko mamaya."


"Sigurado ka ba?"


"At pagkatapos nito, all-in na ako. SIguro naman ay makakaipon na ako ng sapat na pera para sa pampa-opera ng nanay ko. At Mr. Black, may gusto sana akong ipagawa sa'yo pagkatapos kong mag-all in."


"Ano 'yon? Anything. Basta kaya ko."


"Dahil siguradong mamamatay na ako sa all in, pwede bang kayo na lang ang magbigay ng pera sa nanay ko. Asikasuhin niyo ang operasyon niya pati na ang gamutan ng kapatid ko. Maaari ba?" Hindi iyon isang pakiusap kundi isang utos. Tutal naman ay pinagkakakitaan na rin siya nito ng pera, hindi naman siguro kalabisan na mag-demand siya dito ng ganoon.

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon