AUCTION: Chapter Four

30.4K 1K 159
                                    

CHAPTER FOUR

DINALA si Ruth ni Cecilla sa isang silid kung saan sinabi nito na maghahanda siya para sa gaganaping auction mamayang gabi-siya bilang item. Katatapos lang nilang mag-usap ni Mr. Black at nakapirma na siya sa kontrata nila. Nakalagay doon na ang kapalit sa pag-atras niya sa naturang Human Auction ay kanyang kamatayan. Pumirma na siya, tutal ay buhok lang ang mawawala sa kanya. Wala siyang sakit na mararamdaman.

Sa ngayon ay wala na siyang pakialam kung hindi siya magkakaroon ng milyones sa auction na ito katulad ng kaibigan niyang si Cheska. Hindi niya kasi nagustuhan ang kalakaran nina Mr. Black. Labis ang kilabot niya nang mapanood niya ang video na pinanood nito kanina. Nakakadiri. Hindi masyadong makatao. At sa tingin niya ay hindi niya kayang gawin iyon.

Ayaw pa naman niyang mamatay kaya hindi na lang siya umatras. Mukhang hindi kasi nagbibiro si Mr. Black na papatayin siya kapag umatras pa siya. Kaya umisip siya ng parte ng katawan niya na kapag inalis sa kanya ay hindi siya masasaktan-at ang buhok niya iyon.

Lihim pa nga siyang napangiti kanina nang maisip iyon. Pakiramdam niya kasi ay naisahan niya si Mr. Black. Hiling na lang niya ay may tangang tao na mag-bi-bid ng malaki-laking halaga para sulit naman kung sakaling makalbo siya.

"This is your room habang hinihintay natin ang event tonight. May pagkain sa refrigerator, pwedeng kang kumain," ani Cecilla sa kanya. Naglakad ito papunta sa kulay asul na pintuan sa silid na iyon. "Ito naman ang comfort room. At ang bed naman, of course, you can use that kaya nga nakalagay siya diyan."

Tumango-tango lang siya habang nagsasalita si Cecilla.

"And don't forget na ten o'clock in the evening ang auction. Before that time dapat ay ready ka na. May underwears sa closet. Mamili ka ng kung anong kakasya sa iyo."

Nanlaki ang mga mata ni Ruth sa sinabing iyon ng secretary ni Mr. Black. "'Wag mong sabihing..." Ibinitin niya ang sasabihin. Ngumiti si Cecilla sabay tango. Nasapo niya tuloy ang kanyang noo. "Haharap ako sa maraming tao na panty at bra lang ang suot?"

"Yes. Kasama iyon sa contract na pinirmahan mo kanina. Masyado ka yatang nagmamadali sa pagbabasa kaya hindi mo napansin. Iiwan na kita for now. Babalikan na lang kita before ten, okey?" at umalis na nga ito.

Isinara niya ang pintuan at bumuga ng hangin. Hindi niya mawari pero hindi niya maiwasan ang hindi kabahan. Nagpunta siya sa kama at ibinagsak ang sarili doon.

''Wag kang kabahan, Ruth... Buhok lang ang mawawala sa'yo. Buhok lang', kumbinsi niya sa kanyang sarili.

Bumangon siya at nilapitan ang ref. Namangha siya nang buksan iyon dahil punung-puno iyon ng samu't saring pagkain. Juices, softdrinks, prutas, cake, brownies, cupcakes at kung nau-ano pa na hindi na niya alam ang tawag. Lahat ay mukhang masasarap. Kumuha siya ng isang cupcake at dinilaan ang chocolate icing niyon sa ibabaw. Napangiti siya sa sarap ngunit agad din na napalis ang ngiting iyon. Naalala niya kasi ang kanyang Nanay Rita at si Tonton. Hindi pa kasi nakakakain ang mga ito ng ganoong uri ng pagkain. Masyado kasing mahal kaya hindi sila makabili. Tama na sila sa mumurahing tinapay sa bakery malapit sa kanila.

Bumuntung-hininga si Ruth at muling ibinalik ang cupcake sa refrigerator. Hindi niya kayang kumain ng masarap nang hindi kasama ang kanyang pamilya. Kumuha na lang siya ng bottled water at isinara ang ref. Umupo siya sa gilid ng kama at ininom ang tubig. Nang maubos iyon ay muli siyang nag-isip.

Tinantiya niya na kung may bibili ng buhok niya ay hindi siguro iyon lalagpas ng isang milyon. Sinabi kasi ni Mr. Black na ang mga bidder sa Human Auction ay mga mayayamang nakakakuha ng pleasure sa pagkain ng tao. Wala naman sigurong tao ang kakain ng buhok. Kung meron man, hindi lahat. Maaaring isa lang. Eh, paano kung ang unang bid ang fifty thousand lang tapos wala nang mag-bid ng mas mataas? Siguro kung ang atay, mata, kamay, paa o tenga niya ang kanyang ibebenta baka matulad pa siya kay Cheska na milyonarya na ngayon!

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon