FLESH: Chapter Nine

18.8K 648 71
                                    

CHAPTER NINE

NAGHILAMOS muna si Russel bago siya lumabas ng bahay upang bumili ng gamot para kay Vanessa. Nagpahatid siya sa isang tricycle driver sa pinakamalapit na drugstore. Tinanong niya sa pharmacist na naroon kung ano ba ang gamot sa sugat upang hindi masyadong maramdaman ang gamot. Binigyan naman siya ng angkop na gamot. Dumaan na rin siya sa isang fast food restaurant upang bumili ng pagkain. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom. Hindi na nga pala siya nakapagtanghalian at hapunan.

Muli siyang sumakay ng tricycle nang pauwi na siya.

Habang sakay ng tricycle ay hindi napigilan ni Russel ang mga ginawa ni Vanessa sa sarili nito at hindi rin niya napigilan ang hindi mapaiyak. Nag-init ang gilid ng kanyang mga mata hanggang sa lumaglag na ang mga luha. Mahal na mahal niya si Vanessa kaya siya naiiyak ngayon. Hindi niya matanggap na may ganoong disorder at sakit ang babaeng minamahal.

At nang pagkakataon na iyon ay bumalik sa alaala ni Russel ang araw kung kailan niya winasak ang puso ni Vanessa…

-----***-----

YUMAKAP si Vanessa sa kanya matapos ang kanilang pagtatalik. Katulad ng nauna ay sa isang motel sila naroon upang magkaroon ng pribadong oras. Hindi kasi sila pwede sa mall o restaurant magkita dahil baka makita sila ng mga kakilala niya at isumbong pa sila sa ina niya. Tutol kasi ito sa relasyon nila. Ayon dito ay hindi nito gusto si Vanessa para sa kanya dahil mahirap lang ito, pera lang daw ang gusto nito sa kanya. Pero hindi siya naniniwala doon. Alam niya at nararamdaman niya na mahal din siya ni Vanessa.

Ngunit ang pagkikita nilang ito ay iba sa mga nauna nilang pagkikita. Dahil ito na ang huli…

Kahapon kasi ay kinausap siya ng mommy niya at sinabi nito na itatakwil siya niyo at tatanggalan ng mana kapag ipinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon kay Vanessa. Ayaw niyang mangyari iyon, lalo na at wala pa naman siyang trabaho. Paano kapag tinanggalan siya ng mana? Aaminin niya, magpapakatotoo na siya, ayaw niyang maghirap lalo na at kasama niyang maghihirap si Vanessa. Paano na lang ang pangako niya dito na bibigyan niya ito ng marangyang buhay kapag mag-asawa na sila?

Tinanggal niya ang pagkakayakap sa kanya ni Vanessa. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama habang nakatuon sa gilid niya ang mga kamay. Nakatingin si Russel sa kawalan at nagtatahi siya ng mga salitang sasabihin sa nobya.

“May problema ba, Russel?” Umupo si Vanessa sa tabi niya at ginagap ang kamay niya pero iniiwas niya ang kanyang kamay.

“Vanessa, nakikipaghiwalay na ako sa’yo. Tapusin na natin ito,” diretsong sabi niya. Walang gatol.

Nang gabing iyonay nagmakaawa sa kanya si Vanessa. Umiyak ito nang umiyak. Hanggang sa lumuhod ito sa harapan niya. Ngunit tinigasan ni Russel ang kanyang puso at tiniis niya na huwag maawa dito. Hindi rin niya sinabi kay Vanessa ang dahilan kung bakit tinatapos na niya ang relasyon nilang dalawa. Dahil ang gusto niya ay magalit sa kanya si Vanessa at kasuklaman siya nito.

Walang nagawa ang pagmamakaawa ni Vanessa sa kanya. Tuluyan na siyang nakipaghiwalay dito. Iniwan siya itong wasak ang puso…

-----***-----

SISIGOK-SIGOK si Russel dahil sa pinipigilan niya ang kanyang paghagulhol nang maalala niya ang parteng iyon ng buhay niya. Siya talaga ang may kasalanan sa lahat ng dinaranas ni Vanessa. At ngayon, gagawin niya ang lahat para gumaling si Vanessa, para maging normal na ulit ang buhay nito.

Huminto na ang tricycle sa tapat ng bahay nila. Nagbayad siya at naglakad papasok. Bukod sa gamot at pagkain ay dala-dala niya ang pag-asa na magiging okey na ulit ang lahat.

-----***-----

ISANG maliit na piraso ng basag na salamin ang kinuha ni Vanessa at walang pag-aalinlangan na ibinaon niya iyon sa kanyang palad. Napangiwi siya sa sakit pero tiniis na lang niya. Gusto niya ang sakit, ang hapdi! Kumuha pa siya ng isa at sa kaliwang braso naman niya ibinaon. Hindi tumigil si Vanessa hanggang sa halos mapuno na ng maliliit na piraso ng salamin ang isang braso niya. Namamangha na tiningna niya iyon. Kahit puro dugo na ang braso niya ay natutuwa siya na makita iyon.

Ngunit hindi pa siya kuntento. Kumuha pa siya ng ilang piraso ng basag na salamin at sa mukha naman niya iyon ibinaon o itinusok. Napapasigaw siya sa sakit kapag medyo napapalalim ang pagkakabaon niya pero tatawa lang siya matapos dahil pakiramdam niya ay nagtagumpay siya sa isang bagay. Ilang sandali lang ay parang naghilamos sa dugo si Vanessa.

Tumawa siya nang tumawa hanggang sa mapagod at humihingal na napahiga siya sa sahig.

“Siguro nga ay wala na akong magagawa para mapigilan pa ang sakit kong ito,” sabi ni Vanessa habang nakatingin siya sa kisame. “Alam ko naman, eh, nahihirapan na si Russel sa akin at isa na lang akong pabigat sa kanya. Siguro… mas makakabuti kung tapusin ko na ang lahat ng ito.”

Biglang bumangon si Vanessa at muling tiningnan ang basag na salamin. Kinuha niya ang pinakamalaking piraso ng salamin at tiningnan niya ang sariling repleksiyon doon. Kahit siya ay hindi pa rin makapaniwala na nagagawa niya iyon. Pinadaanan niya ng kanyang hintuturo ang gilid ng salamin para malaman niya kung matalas ngang talaga iyon. Nahiwa ang kanyang daliri at hinayaan niyang dumugo iyon.

“Patawarin mo ako, Russel, pero mas makakabuti na mamatay na lang ako kesa habangbuhay akong maging pabigat sa buhay mo!” umiiyak na turan ni Vanessa at dinala niya ang malaking piraso ng basag na salamin sa kanyang leeg.

Anumang oras ay handa na siyang laslasin ang kanyang leeg upang kitilin ang kanyang buhay!

TO BE CONTINUED...

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon