AUCTION: Chapter Three

34.4K 1.1K 200
                                    

CHAPTER THREE

NAPAILING si Ruth sa tanong ni Cheska. Alangan na ngumiti siya. "J-joke lang iyan, 'di ba?" tanong niya.

"Sana nga, joke lang, Ruth. Pero... hindi. Ito ang dahilan kung bakit may ganito kaming bahay ngayon," anito habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Hindi kasi kapani-paniwala na may mga taong gagastos ng malaking halaga para bumili ng tao at kainin iyon, Cheska. Imposible..."

"Sila ang mayayamang tao na may kakaibang trip sa buhay. Ewan ko, siguro, wala na silang magawa sa pera nila. Ganoon naman ang karamihan sa mga mayayaman-mga walang kaligayahan. Hindi nakukuntento kahit nasa kanila na ang lahat." Hindi na siya nakapagsalita. "Hindi ko naman pinipilit na maniwala ka. Basta, ako, tumutulong lang sa'yo dahil alam kong kailangan mo ng pera."

-----***-----

ISANG phone number ang ibinigay nito sa kanya bago sila maghiwalay. Tawagan daw niya kung nakapagdesisyon na siya. At kahit kalahati ng kanyang utak ang hindi naniniwala ay tinawagan niya pa rin ang naturng numero sa isang payphone. Saglit lang na nag-ring ang telepono at meron na agad doon sumagot.

"Password?" tila boses ng isang robot ang sumagot sa kabilang linya.

'Password...' Oo nga pala, may sinabi si Cheska kapag tatawagan niya ang naturang numero.

"Kapag tumawag ka sa number na 'yan ay hihingan ka niya ng password..." ani Cheska.

"Password?" kunot-noong tanong niya.

"Oo. At ang password ay... I heart flesh!"

Huminga muna ng malalim si Ruth bago sabihin ang password. "I heart flesh!" aniya.

Sanaling katahimikan.

"Ito ang Human Auction. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

"G-gusto kong magbenta!" At biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Ruth nang sabihin niya iyon.

-----***-----

'BUKAS, mag-ayos ka. Sa ganap na ika-walo ng umaga, sa labas ng squatter's area kung saan ka nakatira may makikita kang kulay itim na kotse. Sumakay ka doon at ihahatid ka niya sa akin para makapag-usap tayo ng personal, Ruth...'

Tandang-tanda pa rin ni Ruth ang sinabi sa kanya ng nakausap niyang si Mr. Black. Ayon dito ay ito daw ang may-ari ng nag-iisang human Auction sa buong mundo.

Ito na ang araw na sinabi sa kanya ni Mr. Black. Kahit hindi pa masyadong nakakapagdesisyon ay nag-ayos pa rin siya ng kanyang sarili. Mag-uusap pa lang naman sila ni Mr. Black. Gusto pa rin niyang malaman kung anu-ano ang mangyayari sa naturang human auction. Isinuot niya ang pinakamaayos niyang blouse at pantalon na tinernuhan niya ng nag-iisa niyang flat shoes.

Nang lumabas siya ng kanilang barung-baron ay sumalubong sa kanya ang iba't ibang mukha ng kahirapan. Mga dikit-dikit na bahay, mga nag-aaway na mag-asawa, madudungis na mga bata na madungis at mga lalaki na maagang naglalasing sa harap ng maliliit na tindahan. Matagal nang pangarap ni Ruth na maalis ang nanay at kapatid niya sa lugar na ito. Gusto niya ng kahit maliit ngunit disenteng tirahan para sa mga ito. Hindi butas-butas ang dingding at hindi tumutulo ang bubong kapag umuulan. Kung sakali, ang human auction ang magiging sagot sa kanyang pangarap na iyon.

Halos tatlong minuto lang na naglakad si Ruth at nakalabas na siya ng squatter's area. Gaya ng sinabi ni Mr. Black sa telepono ay may nakita nga siya doon na kotseng kulay itim. Lumapit siya doon at binuksan ang pinto sa may likuran. Agad siyang pumasok doon at nilingon siya ng driver nito na nakasuot ng maskara na parang sa masquerade party.

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon