Kabanata 20: Digmaan.

20 1 0
                                    

Maingay ang mga boses ng mga tao sinabayan pa ng mga kalesa. Punong-puno ngayon ang mga kalesa na maaaring ihatid sa patutunguhan. Maraming tao ang bumalik sa bayan ng Batangas galing sa trabaho, negosyo at bakasyon katulad nina Ava, Diego at Phoemela Amari Samillano.

Limang taon gulang na ang batang si Amari. Nagagawa na niya ang lahat, umakyat, tumalon, magsalita, maglakad, kumain at marami pa. Buhat siya ng kanyang ama si Diego. Inaayos ni Ava ang panaklob sa ulo ng bata na ginawa niyang sulsi.

Tumigil ang isang kalesa na pagmamay-ari ng pamilya ni Diego. Inalalayan muna ng kutsero si Ava bago ipasok ang tampipi sa loob ng kalesa. Sinakay muna ni Diego ang bata bago siya bale nasa gitna ang bata nilang dalawa.

Ganyan ang karaniwang araw para kina Diego at Ava. Pabalik-balik lamang sila manila at Batangas upang ayusin ang pamamahala ng negosyo. Saka lamang sila babalik sa Manila kapag nakatanggap ng isang lihim sa namamahala sa negosyo nila. Babalik din sila kapag nagsimula na muli ang unang pasukan.

Sa pribadong eskwelahan pinapasok ang bata sa kagustuhan ni Diego at Ava.

Kalagitnaan ng gabi. Naabala sila sa pagtulog nang marinig nila ang sigaw ng mga tao sa labas ng bahay.

“Tumakas na kayo!” sigaw ng matandang babae sa mga anak.

Nagmadali sinuot nina Ava at Diego ang sapit sa paa. Binuhat agad ni Diego ang mahimbing na natutulog na bata. Dinunguw nila ang labas ng bintana. Ang ibang bahay ay nasusunog na. Napaatras sila nang kumalampag ang pintuan nila.

“Lumabas kayo kung ayaw ninyo matulad sa kanila.” saad ng isang turisan na patuloy kinakalampag ang pinto.

Sumensya si Diego na magtungo sila sa pangatlong pintuan. Nagmadaling silang nagtungo sa kusina. Ramdam nila ang hingal at tibok ng puso. Pinasa ni Diego ang bata kay Shen. Inalis ni Diego ang harang na daan patungo sa ibang daan. Labas na 'to sa tabing ilog may bangka sa gilid.

Pinauna ni Diego ang dalawang babae habang nakaalaalay si Diego sa likod nila. Saktong pagsarado nila ng malapad na kahoy nagiging harang sa daan, sakto din nagbukas ang pinto. Nagmadali silang kumilos at nagtungo sa ilog.

Mabilis nila nakita ang bangka sa tabi ng ilog. Pinuntahan nila agad. Naririnig nila ang putok ng baril kahit nasa malayo. Nakayuko ang ulo nila habang naglalakad. Sa malayo nakikita nila ang mataas na antas sa lipunan hawak sila ng mga rebelde.

Pinauna ni Diego paupuin ang dalawang babae sa bangka. Tinulak nito ang bangka sa tubig saka sumampa.

Sinasagwan nito hanggang mapalayo. Papunta ang daan sa pantalan ng barko. May sasalubong na isang tao na magbibigay ng babala kung saan hindi sila maaring pumunta at kung ano lamang ang pwede nila puntahan.

Bumuhos ang napakalakas na ulan. Madilim na ang langit at paligid ngunit rinig pa rin ang putukan at sigaw ng mga taong humihingi ng saklolo. Itinigil nito ang bangka sa tabi.

Hinubad ni Diego ang coat at pinandong sa ulo nina Amari at Ava. Nagkatinginan silang dalawa nina Ava at Diego. Uminit ang pisngi ni Ava nang pumungay ang mga mata nito. Tumaas ang sulok ng labi nito, kakapigil ngumiti.

Tila hibang kung makatingin si Ava sa kanyang asawa. Wala siyang pinalampas na titigan sa parte ng mukha ni Diego. Ang dating pinangarap niya naging totoo na. Ang dating batang puso niya ay hindi pa rin nagbabago sa pagtibok ng puso niya.

Habang pinagmamasdan niya si Diego, tumagos sa paningin niya ang kanyang asawa nang napansin siya mga tao at isang bagay. Nanlamig ang mga kamay niya.

Parang tumigil ang ikot ng mundo niya nang papalapit ang isang bagay na tatama kay Diego. Nagmadali siyang binigay ang bata kay Diego saka niyakap patalikod si Diego.

Gulat pa rin si Diego. “Anong. . .”

Tumiyad ang likod ng katawan ni Ava nang tumama ang bala ng baril sa likod niya. “Bilis na. .” kahit naghihina si Ava ay nagagawa pa rin niya magsalita.

Dinala ni Ava ang kanyang palad sa tainga ng bata nang isang putok sa kawalan ang pinakawalan ng mga rebelde. Ang namumuno sa kanila sumisigaw na sundan sila.

Lumuluha si Diego na nagsasagwan. Wala nagawa si Diego kundi intindihin ang bangka kaysa naghihingalo na si Ava. “Wag kang bibitaw. Kaya natin to. Dadalhin agad kita sa pagamutan. Konting tiis na lamang.” pag-uulit anito.

Maraming dugo na ang nawala kay Ava. Pilit niya niyayakap si Diego dahil ito na ang huling beses na mayayakap at makakasama ng matagal sina Amari at Diego.

“Pakiusap, sumagot ka naman.” may himig na tao ang boses nito.

Tanging hmm ang sagot niya. Kaya nakaluwag ng paghinga si Diego.

Maputla na ang labi ni Ava. Wala nang kulay ang mga kuko sa kamay niya. Sumikat ang bukangliwayway. Tumigil ang ulan. Lumuwag sa pagkakayakap si Ava. Unting-unti pinikit niya ang mga mata tanging nasabi niya, ‘pasensya na kung hindi ko na kaya lumaban.’

Umiyak na din si Amari. “Mama. . .Papa. . .dugo.” may bahid na dugo ang mga kamay niya. Sinalo ni Diego ang katawan niya.

Niyakap ni Diego ang bata upang itago ang luha at sakit. Nasa bisig ni Diego si Ava na walang buhay.

“Alam ko. . .” garalgal anito. Hindi pa rin nito matanggap. Ang sakit dumaan sa mga mata nito.

Nakakapanghinayang. . .

Gugustuhin man nito balikan ang mga araw na magkasama sila. Kung kailan hindi nito pinagtabuyan ang taong mahal nito.

Ngayon. . . . hindi nito masabi ang tunay nitong hangarin para sa babaeng mahal niya. Para sa asawa nito.

Unting-unti nito tinitigan ang maputlang mukha ni Ava habang dumadampi ang sinag ng araw. “Mahal kita balang araw malalaman mo kung gaano kita kamahal.”

Pinikit nito ang mga mata habang binibitawan sa hangin ang salita iyon. Balang araw maririnig ni Ava ang nilalaman ng puso nito.

Kinuha nito ang panyo sa bulsa. Kulay-rosas at may halong kulay pulang ang panyo. Itinali nito sa mga mata ni Ava.

“Nagpapahiwatig ang pagmamahal ko sa'yo ang pula para sa pag-ibig ko sa'yo at rosas kasing tulad mo, namumukadkad ang magandang at malinis na puso.” dinampian nito ng halik sa pisngi si Ava. “Sa muling pagkikita natin. Mi amor I love you, marami man salita ang mahal kita ngunit iisa lamang ang kahulugan.”

Dahan-dahan nito binuhat si Ava. Nakasunod ang bata nang tumigil sila sa gilid ng bangka.

“Maglakbay ka hanggang mahanap kita. Paalam, mahal ko.” hinulog nito ang katawan ni Ava sa tubig.

Pinanood nila na lumubog sa ilalim ng tubig at mawala sa paningin nila. Pumatak ang luha ni Diego sa tubig habang inosenteng pinapanood si Amari si Ava na mawala sa paningin ngunit kung gaano katalino siya ay alam ni Amari ang lahat ng nagyayari sa paligid.

Alam ni Amari na wala na siyang ina. .  .

At ngayong nagluluksa ang puso at luha nila sa pagkawala ng isang tao na ngayon lamang pinahalagahan. . .

"Habang nakatingin sa labas at umuulan ng napakalakas"
By: Little pau. pauline_little

Ang ulap ay sadyang napakaganda sa mata,
Lumuluha ka,
Habang siya,
Nakikisabay sa hangin na kayganda,
Na hihilingin mo na lang na kumalma.

Habang tinitignan ang kalangitan,
na mukha siyang malungkot pero maaliwalas naman,
Ibig bang sabihin nakangiti siyang umiiyak habang tinitignan,
Ang bawat karagatan,
Na umaagos ng napakalakas parang sumasabay sa pagiging luhaan.

Subalit may ulan man na napakalakas,
At lumuluha ka ng wagas,
Wag kang susuko sa pagiging wasak,
Dadating rin ang pahanon na ito'y magwawakas,
May darating na bukas,
Hindi ito ang wakas.

Ginagawa lang niya ito kapag ayaw niya mawala ang isang tao.
Ngayon wala na siya.
Magkakaroon ba ng wakas sa buhay niya kapag wala ng magandang tadhana niya.

12:50 half hour, Nurse✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon