kabanata 12: PAGDURUSA

18 3 0
                                    

Dahan-dahan minulat ni Shen Mariel Ramos ang kaniyang mata. Natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa hita ni Lim. Nang naramdaman niya may nakatingin sa kaniya bigla siyang napatingin sa pinto.

Nawala doon ang tao. Narinig niya ang yapak palayo ng tao. Tiningnan niya si Lim. Naka-kruss ang braso habang nakapikit ang mga mata at malalim ang paghinga senyales mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan siyang bumangon para di magising si Lim sa pagkakatulog. Pati ang pagkilos niya para makalabas ay marahan din.

Narinig niya ang tumatakbong tao patungo sa kaniya. Hindi na siya nagtangka na lumingon.

Nakakabigla at nakakagulat ang humataw sa puso ni Shen nang may yumakap sa kanya galing sa likod. Sa amoy pa lang ay alam na niya kung sino iyon.

“Naabutan din kita sa wakas.” hingal na hingal pinakawalan ni Matthew ang pagod sa pagtakbo. “All these years, you have a lot change.”

“Gusto ko lang ipaalam sa'yo na babalik na ako sa abroad upang ipagpatuloy ko ang propesyon ko bilang isang doctor.”

“What this all about?” may iritasyon ang boses ni Shen, nahihimigan ang takot sa tono.

“Nasaktan kita, oo. I admit you don't forgive me anymore. Hindi pala sapat ang pagmamahal ko para patawarin mo ako. Alam ko na nahihirapan ka na harapin ako. . .”

Suminghap si Matthew. Binabaliwala nito ang sinasabi ng damdamin.

Mabilis na humarap si Shen. Binigyan niya ng lagapak na sampal sa pisngi si Matthew. Nakita niya si Leah. Lalapit sana si Leah upang daluhan si Matthew nang hinawakan ni Allison ang braso ni Leah para pigilan.

Pinaghalong galit at sama ng loob ang binuhos ni Shen sa sampal. Ramdam niya ang pamumula at pisngi nito. “Kulang ba iyan sa ginawa mo pagkatapos mo akong iwan at saktan. Kulang na kulang pa iyan.”

Nangingilid ang luha niya sa mata. Determinado ang tingin niya. “Kaya hindi ka maaaring umalis nang ganu'n kadali.”

“What can I do for you, baby.” malambing anito. “to change your mind let me come back here.”

Matalim ang tingin niya kay Matthew. “I'm not done yet of you. Gusto ko saktan ka ng buong-buo at walang labis.”

Tinaas niya ang isang kamay. Napatitig si Shen sa mukha ni Matthew. Pumikit lamang si Matthew. Iniintay nito ang magiging impact at lakas ng sampal ngunit isang minuto, wala nagyayari.

Dahan-dahan nito minulat ang mga mata. “Baby. . .”

Nantindigan ang mga balahibo niya. Kinikilabutan ang buong pagkatao niya sa narinig. Tinuloy niya ang pagsampal sa mukha nito. Matigas ang expression at ayaw makinig sa sasabihin ni Matthew.

Umaawang ang mapulang labi nito.

“Do you know it's hard ease your doing. Sa likod ng ginawa mo. . . pinatawad ka ng puso pero. . .” suminghot siya sa nagbabadyang pagtulo ng sipon at luha. “ayaw ko lang tanggapin.”

Nakawala si Leah sa pagkakahawak ni Allison. Nagmadaling tumabi si Leah kay Matthew.

“How dare you. . .” uumbang sasampalin ni Leah si Shen. Napatigil si Leah sa pagsampal kay Shen biglang hinawakan ni Matthew ang pulsuhan ni Leah.

Madiin at pwersahan ang pagkakahawak nito. Matalim nagbaba ng tingin si Matthew kay Leah. “No one hurt this girl. I gave her my permission to hurts me using her words and slaps.”

Napaatras si Leah sa takot. “Matthew. . . nahihibang ka na tal---”

Napatigil si Leah sa pagsasalita nang dumapo na ang palad ni Shen.

“No one can stop me from what kind I do for him.”

Nagmadali hinila ni Allison si Leah palayo sa dalawa. Ngayon lamang siya nakaramdam ng panginginig ng tuhod kaya napaupo siya sa sahig. Nakakapaghina ang binigay niyang lakas para maging matapang.

Lumuhod ang isang binti ni Matthew sa gayong magpatay ang kanilang tingin. Rinig nila ang bawat isa ang tibok ng puso.

“Habang nasasaktan ako, magdudurusa ka kasama mo ako.” aniya.

Ngumiti si Matthew. “I'm glad to like and heard it come with you until you ready for love me.”

Hinawakan nito ang dalawang binti nito saka inangat para buhatin.

“This is starting my revenge from my painful.” pag-aamin niya.

Humahalakhak lamang si Matthew bilang sagot.

Sa kabilang banta, hindi pa lumilitaw ang araw gising na si Ava Isabel Legaspi naghahanda ng almusal para kanilang dalawa ng kaniyang asawa.

Pagka-uwi niya sa bahay ay sumunod na din si Diego. Hindi niya inaasahan lubos na dadating si Diego sa unang araw na magiging asawa nila. Mabuti na lamang hinanda niya ang kabilang silid sa katabing silid din na tinutulungan niya.

Naging masaya ang araw ni Ava sa paligid at tao. Masigla ang galaw niya at katulad pa rin ng dati, mabuti pa rin ang puso niya sa lahat.

Sinulyapan niya ang kaniyang asawa na nagbabasa ng diyaryo sa hapag habang hinahanda niya ang almusal. Hindi niya pinagalaw ang mga kasambahay maski ang mayordoma sa kaniyang pamamahay.

“May pupuntahan ka ba sa ganitong araw?” marahan na tanong niya nang nakakuha siya ng tyempo para magtagal.

“May nais akong panoorin sa korte na kaso kung kaya sasabihin kita na wag na ako intayin kapag bumaba na ang araw at dumating ang gabi. Isarado mo na lang ng maigi ang mga pinto at bintana.” bilin nito.

Naging bahaw ang ngiti niya na pumasok sa isip “Kasama ba d'yan si ate Isabel sa plano mo?”

“Nandito na ako sa tabi mo. Ano pa ang gusto mong mangyari?!” binaba nito ang diraryo.

“Gusto ko lamang kumprontahin sapagkat araw-araw gusto ko maging miserable ang buhay natin ng bawat isa.” dahan-dahan siyang tumayo ng tuwid. “Ngayon naging akin ka, wala dapat maging masaya sa ating tatlo.”

Hindi makapaniwala nakatitig si Diego sa kaniyang asawa. “Disgrasya, diyos ko!” sambit nito sa ibang lenggwahe.

“Gusto ko din malaman mo na ngayong araw tutungo ang aking kapatid sa probinsya namin. Papalakihin niya ang bata sa kaniyang sinapupunan ngunit hindi magtatagal ibibigay niya ang bata sa'kin.”

Tumalikod siya sa harapan ni Diego.

“Hindi mo maaring gawin sa kanya iyan!” hinampas nito ang mesa sa galit na umusbong sa dibdib. Mabilis ang paghinga nito.

“Ang lahat ng ginawa niya magiging kaparusahan kaya't nararapat na ikaw din kung kaya't ihanda ninyo ang inyong sarili. Gusto ko magsisi ka sapagka't kapag nakuha ko na ang bata, makikipaghiwalay ako sa'yo.”

Wala sa sarili naglakad si Ava palayo kay Diego. Nanlalambot napaupo muli si Diego sa silya.

Nanginginig ang mga kamay nito sa namumuong takot sa dibdib. Napahilamos si Diego ng mukha. “Dios ko!” panalangin nito. “Wag ang anak ko ang magiging kabayaran sa lahat.”

12:50 half hour, Nurse✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon