kabanata 15: SELOS.

10 2 0
                                    

Madilim na ang kalangitan maski ang daan nang makarating siya sa probinsya nila. Natanaw niya ang tatlong tao nag-uusap sa labas ng bahay. Sa malayo pa lamang rinig niya ang palahaw ng sanggol tanging ang sanggol ang bumabasak sa katahimikan sa paligid.

Nagmadali siyang lumabas sa kalesa. Nakumpirma niya ang tatlong tao nag-uusap ang doktor ng kanilang pamilya at ang kaniyang magulang.

Bumagal ang lakad niya nang marinig ang usapan ng tatlong matatanda sa kondisyon ni Isabel.

“Tanging ngayon lamang ako naka-diskobre ng ganyang klaseng pagluluwal ng sanggol. Hindi ako sigurado kung maari pa natin maagapan ang pagpanaw ng inyong anak. Sa nakikita ko ang mismong katawan ni binibining Isabel ang bumigay na. . .” labis ang lungkot ng doktor sa pahayag.

Umiiyak si Donya Imelda sa bisig ni Doñ Basco. “Hindi maari. . .hindi maari.” paulit-ulit niyang sambit sa diyos.

Habang si Doñ Basco, pinigilan wag maluha at patuloy na pinapatahan.

“Kaya isang himala ang nangyari na nabuhay ang sanggol. Nakaraos naman ang sanggol kahit papaano'y naging maganda ang resulta sa kinalabasan.” patuloy ng doktor.

“Ano ang iyong ibig sabihin?” sambit ni Ava na lumingon ang tatlong matatanda.

“Anak, Ava. . .” lumuluhang sambit ni donya sa anak. Puno ng luha ang mukha ng donya, nawala ang pagiging istrikta at napalitan ng malambot na mukha.

Sa pagkakataon na iyon, alam na ni Ava ang nagyayari sa paligid. Nag-uunahan ang luha at lakad ni Ava para sa kapatid. Nanlalamig ang buong katawan niya sa takot at iniisip. Nagmadali siyang pinuntahan ang kapatid sa loob ng bahay.

Una niyang tiningnan ang maputla at duguan na katawan ni Isabel katabi ang sanggol na umiiyak. Kahit masama ang loob niya sa kapatid niya, umiyak pa rin siya at nanalangin na magising agad ang kanyang kapatid.

Nilapitan niya agad ang mag-ina. Atubiling binuhat niya ang sanggol habang hinehele sa bisig niya.

“Tahan na. . . . magiging okay lang ang lahat.” pagaalo niya sa sarili pati sa sanggol kahit alam niya ang magyayari.

Tumahan ang sanggol habang nakatitig sa kanya. Napatitig din siya sa sanggol. Lumambot ang puso niya nang ngumiti sa kanya.

“Ikaw ang kalakasan ng iyong ina kaya ngumiti ka hanggang gusto mo, aking pamangkin.” kinakausap niya ang bata gamit ang malambing niyang tono.

Puno ng kadiliman at tahimik ang paligid, bumuhos ang malakas na ulan. Binaba ng katulong ang bintana. Pumasok sa loob sina Donya Imelda at Doñ Basco ngunit hindi na nila kasama ang doktor.

“Nagiwan lamang siya ng isang paalala.” saad ni doñ Basco sa nagtatanong na tingin ni Ava.

Dahan-dahan pumihit ang mga mata ni Ava at tumingin kay Isabel na nagkakaroon ng pagbabago ng kulay ang kanyang labi. Nagkukulay ubi na. Dahan-dahan din nawawala ang paghinga.

Tanging nagawa ni Donya Imelda yakapin ang kaniyang anak sa bisig habang lumuluha. Lumuluha na din si Ava habang nagsisimula na humikab ang sanggol at pikit-mata na matutulog na.

Napuno ng kalungkutan at iyak ang buong bahay kahit ang paligid. Ang mga tao sa bahay-bahay at tindahan naki-karamay at dala-dala ang ihahandog sa pamilya habang nakikisilong sa payong na kanilang dala.

Hingal na hingal dumating si Diego sa bahay. Lumipad ang mga mata nito sa sanggol na buhat ni Ava. Nilapitan nito si Ava. Nagulat si Ava nang may kumuha na sanggol sa bisig niya. Gumuhit ang lungkot sa mukha niya habang pinagmamasdan niya kung paano tumingin si Diego sa sanggol ganu'n din kay Isabel.

Iniwas niya ang tingin. Gumapang siya sa kanyang kapatid. “Kung nandito ka lamang, sana'y nakita mo ang iyong mag-ama na masaya.” saad niya sa isip.

Pinatakan niya ng halik sa noo ang kapatid niya. Tumayo siya. Pagharap niya nakita niya pinapanood ni Celina silang dalawa.

“Tila hindi ko nakikita ang iyong pagluluksa para sa iyong malugod na amo.” aniya nang makalapit ng tuluyan kay Celina.

“Hindi lamang ang reaksyon maaring makita ang emosyon kundi ang puso din. Kaya nakikiusap ako sa'yo, Senorita Ava maari---”

Isang lagapak na sampal ang ginagawad ni donya Imelda kay Celina. Nagulat si Ava sa pagsulpot ng kaniyang ina.

“Wala kang galang!” nagsalita si donya Imelda gamit ang ibang lenggwahe. “Sino sa tingin mo para magsalita ka sa mismong anak ko, ha!”

Yumuko si Celina ngunit ang mukha ay kalmado. Nanginginig ni Celina sa pagpipigil ng galit sa kaharap na tao.

Hinila ni donya Imelda palabas si Celina. Pinapanood ni Ava ang kanyang ina kung paano itapon sa kalsada si Celina. Bumibitaw ng masasakit na salita ang donya sa babaeng umiyak sa galit.

Naagaw ng atensyon ni Ava ang pagkanta ni Diego para sa sanggol. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses hanggang matagpuan niya. Dinuduyan ni Diego ang sanggol sa bisig nito. Panay ang tingin ng sanggol sa mukha ni Diego.

Dahan-dahan niya nilapitan ang mag-ama. “Maari ko ba buhatin ang iyong anak?”

“Anak natin.” pagtatama ni Diego saka binigay kay Ava ang sanggol.

Sa simpleng sinabi ni Diego natunaw ang puso ni Ava. Lahat ng nararamdaman at iniisip'y napawi napalitan ng saya.

Maingat niya inaalalayan ang likod at  ulo ng sanggol. Tinitigan ni Ava ang mukha ng sanggol. Isang kurap ng mga mata ng sanggol at humikab na muli.

Hindi niya namalayan na nakatitig siya sa mukha ng sanggol. Naramdaman niya na lumalambot ang puso niya sa tuwing ngumiti ang sanggol.

“Gusto ko ipapangalan sa kanya, Philomena Amari Samillano. Ang kahulugan ng pangalan niya, totoong pag-ibig at swerte ang pangyayari sa kanya.” tumingala siya para makita si Diego.

Nag-tama ang kanilang tingin. Tumaas ang sulok ng labi nito, sa tuwa.

“Ano ang gusto mo masusunod na.” bumalik ang seryosong mukha nito.

Naagaw ang buong atensyon ng lahat ng tao ang pagpahayag ni doñ Basco na ililibing agad sa madaling panahon si Isabel maliban kina Diego at Ava hindi tinatanggal ang tingin.

Hinihila ang mga mata ni Ava kay Diego. Hindi maalis. May nababasa siya na emosyon sa mga mata nito. Gusto niya iwasan ngunit hindi niya kaya.

Naputol ang tinginan nila nang umiyak si Phoemela Amari Samillano. Umiwas ng tingin si Diego nang papadedehin niya ang sanggol.

Nag-init ang pisngi ni Ava sa ginawa niya. Lumabas ng bahay si Diego panay ang bulong sa ibang lenggwahe.

“Swerte ka sa'min ng iyong ama sapagkat unting-unti nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Nawa'y saluhin niya ako nagkataon na hulog na hulog na ako.” kausap niya sa sanggol na natutulog na.

Madaming ginawa ni Shen sa trabaho. Marami pa rin pasyente ang pumunta at nagpapagamot. Minsan taga-check siya sa condition ng pasyente sa bawat wards. Minsan din taga-assistant siya sa mga doctor na mag-perform.

Madaling araw na natapos siya sa trabaho. Panibagong nurse naman ang papalit sa kanya. Dumiretso siya sa table niya, nurse office.

Humilig siya sa likod ng swivel chair. Unting-unti nahulog ang talukap ng mga mata niya hanggang makatulog.

Dala-dala ni Matthew ang isang packed lunch para sa kanila ni Shen. Binalak nito bisitahin si Shen sa nurse office. Sa pagkaalam nito hindi pa nag-out si Shen ayon sa nakapagsabi kay Matthew.

Kakatok sana si Matthew nang natanaw niya na mahimbing ang tulog ni Shen. Marahan si Matthew na pumasok. Kinuha nito ang panyo sa bulsa ng white gown.

Napansin nito ang butil-butil ng pawis sa noo niya. Nakakunot ang noo ni Shen tila masama ang panaginip.

Tinuon nito ang kamay sa table at dahan-dahang inilapit ang panyo sa noo niya. Lumundag ang puso nito nang bumukas ang mga mata nito.

Nabigla si Matthew nang hinawakan ni Shen ang pulsuhan nito.

“Fuc----Matthew!”

12:50 half hour, Nurse✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon