Kabanata 2: KAPALIT.

68 15 1
                                    


MAAGA bumangon si Shen sa higaan, hindi na siya nahirapan gumalaw dahil nasa ibaba siya nakahiga sa double-deck bed. Dumiretso muna siya sa lababo ng banyo, nag-toothbrush bago pumunta sa kusina para maghain ng kakainin.

Cup noodles lang ang hinanda niya dahil iyon lang ang stack sa cabinet nila at walang laman ang ref nila. Hindi pa nakakapamelengke ang kanyang ina.

Mabilis ang ginawa niyang panliligo kahit ang pagbibihis at paglalagay ng skincare sa mukha at lotion sa katawan. Sinuot niya ang flat shoes sa paa. Ang kanyang medyas, kulay puti umabot sa tuhod ang haba. Bago umalis siya ng bahay, nag-check siya sa loob ng bag baka naiiwan pa siya.

Wala naman kahit paano.

Maaga siya dumating sa hospital dahil wala naman traffic sa ganu'n na oras nang umalis siya. Dating-gawi dumiretso siya sa locker bago sa nurse station.

Chi-check niya ang bawat gamot na nilalagay sa e-cart na dinadala sa ER. Critical ang pasyente nila ngayon kaya dapat handa siya.

Nasa mga kamay niya nakakasalalay ang buhay ng mga tao. Isang pagkakamali niya ay maaaring mailagay sa peligro ang buhay ng mga pasyente niya.

Nang pumasok siya sa ER, nakasalubong niya ang mga doctor at co-nurse. Binati niya may sigla ang mga boses.

Natutuwa din siya kapag binabati din siya pabalik at kinakamusta din. Naging masigla siya hanggang tuloy-tuloy ang pag-trabaho niya.

Inaabot na lang niya ang gamit na sasabihin ng doctor sa operasyon. Naging madali lamang sa kanya dahil sinanay niya ang sarili.

“Magkakaroon yata ng malakas na ulan.” puna ng isa sa mga doctor na sumusuri din.

Kanina pa nga napapansin ni Shen ang makukulimlim na kalangitan. Ang pagdilim ng langin, nagbabadya ang napakalakas na ulan. Hanggang matapos ang operasyon ng pasyente. Inatasan siya na mag-check up ng buntis na pasyente kasama niya ang isang doctor din.

Nasa likod siya ng doctor habang pasulyap-sulyap siya sa labas. Sa tuwing tumitingin ang doctor sa kanya ay binabalik niya ang tingin sa baba saka babalik muli ang tingin sa labas.

Nakaapak siya sa wards ng mga buntis. Ang ibang buntis ngayong araw manganganak at yung iba, hindi pa. Yung ibang pasyente, kagagaling sa hospital dahil pumutok ang kanilang panubigan. Yung iba nasa delivery room, nangangak na o cesarean. Lahat ng baby iniluluwal ay dinadala sa nursery room.

Sinalubong niya ng pagbati pero di siya binati. Sa isip-isip niya, masungit ang makakasama niyang doctor.

“Here the chart.” inabot sa kanya ang clip board.

Nakalagay doon ang mga pangalan na pasyente na i-check ang nauubos nilang bag at papalitan ang dextrose. I-check din ang kalagayan ng bawat pasyente kung dadalhin na ba talaga sa emergency room.

Kinuha niya ang chart. Magtatanong pa sana siya nang tinalikuran siya ng doctor para kausapin ang isang pasyente. Sinimulan na niya ang trabaho.

Inabot siya ng kalahating oras sa pag-check sa pasyente. Lahat ng kwento nila sa buhay ay nalaman niya.

“Naku, hindi ako makakauwi nito!” puna ng ginang na nagbabantay sa anak na pasyente.

Tinitingnan ni Shen ang sinusulyap ng ginang sa labas ng bintana. Bumuhos ang malakas na ulan may kasamang pagkidlat. Nagsimula nang mag-bulungan ang mga tao.

Lalakad sana ang doctor papuntang bintana para isarado ang kurtina nang lumitaw ang nakakatakot na kidlat.

Gumuhit ang kidlat sa bawat pader na nag-reflect sa mata ng mga tao at kay Shen. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Unting-unti siya nahihirapan na huminga.

Humawak siya sa dibdib. Ume-echo sa pandinig niya ang bawat boses na nagaalala sa kanya hanggang magdilim ang paningin niya.

Bumagsak siya sa malambot na kama. Nakita niya ang sarili na nakahiga sa lumang kama. Napapalibutan ng kulambo. Sa kama may nakapatong sa ibaba at may apat na kahoy sa magkabilang gilid ng kama nagsisilbing patungan ng bubong ng kama.

Sinulyapan niya ang paligid. Luma na ang lahat ng gamit ngunit may classic. Malinis tingnan ang loob ng kwarto kahit ang bintana, malinis din. Nagtataka siya kung bakit sarado ang bintana sa ganitong oras. Sa ganitong panahon dapat bukas na at naghahanda sa araw na 'to.

Natamaan niya ang isang babae nakatayo sa harap ng salamin. Umiiyak siya. Bumaba ang tingin ni Shen sa hawak ng babae, isang matulis na bagay.

Nagmadaling siya umalis sa kama. Nagtungo sa likuran ng babae.

“Ano ang iyong ginagawa?” mahinahon tanong ni Shen sa babae. Sa oras na mag-panic siya, mas lalong gugulo ang utak ng babae.

Umiling ang babae pero walang sinabi.

“Gusto mo ba tulungan kita?” bulong niya, baka sakaling naririnig siya ng babae.

Kamukha-mukha ni Shen ang babae kahit saan parte ng katawan at mukha. Kung titingnan parang photocopy sila.

“Hindi niya ako mahal simula pala! Pinilit ko lang ang mga magulang niya na paghandaan ang nalalapit naming kasal pero sa nakikita ko ay ayaw niya pumunta sa kasal namin. Anong dapat gawin ko?”

Hinawakan ni Shen ang braso ng babae. Napaatras siya sa gulat para. . . .kinukuryente siya. Hindi niya mahawakan ang babae parang may harang sa pagitan nila.

Isa-isang tumulo ang luha ng babae. Pilit niya sinasambot ang mga luha, nagkalaroon lamang ng liwanag hanggang mawala ang luha.

Tinutok ng babae ang kutsilyo sa leeg. Naka-alarma si Shen sa gagawin ng babae.

“Kailangan mo mabuhay sa gayong makapasok ako sa katawan mo. Hindi ka maari mamatay!” giit niya.

Pinipilit niya hinawakan ang kutsilyo sa kamay ng babae.

“Hindi!” sigaw ni Shen sa tainga ng babae.

Nabitawan ng babae ang kutsilyo sa sobrang gulat.

“Ano. . .” tumingin ang babae sa labas ng bintana hanggang makaramdam siya may nakatingin sa kanya sa harap.

Kahit natatakot ang babae, nagawa niya tumingin sa harap ng salamin.

Sa mata sa mata, ang tinginan nila. Hindi imahinasyon ni Shen na hindi siya nakikita ng babae sapagkat ramdam niya na tunay na nakatingin ang babae sa kanyang mata.

“Ngayon nakikita muna ako. .” nagsalita siya.

Nakita ni Shen ang panginginig ng balikat ng babae sa labis na takot.

“Paano. . .” gulat pa rin ang babae.

Buntong-hininga si Shen parang hirap na hirap magpaliwanag sa taong ganyan ang takbo ng utak.

“Nandito ako sa harapan mo dahil sa ginawa mo ngayon.” walang emosyon ni Shen tinitigan ang babae. “Alam mo na mo na mag-kahawig tayo.”

“Tama ka. .” nandoon ang pagkamangha ng babae sa mukha.

Tinaas ng babae ang kamay. Tinapat niya sa salamin kung nasaan ang mukha ni Shen tipong hinahawakan niya ang mukha ni Shen.

“at ngayon, mapapatunayan ko ang ginawa mo ngayon.” sumilay ang ngiti ni Shen.

Pumikit si Ava. Unti-unting si Shen pumasok sa katawan ni Ava hanggang maging isa silang dalawa. Ang presensya ni Ava, nasa likod lamang ni Shen.

“Kapalit ng pagtulong ko sa'yo ang buhay mo, tandaan mo iyan.” saad ni Shen kay Ava.

Tumango si Ava. “Tara na. .”

Nakangiting lumabas si Shen ng kwarto habang naiwan ang kutsilyo sa sahig.

12:50 half hour, Nurse✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon