Kabanata 9: MAGAGANAP.

17 5 0
                                    

HUMAWAK ng mahigpit ni donya Imelda ang braso ni Isabela. Nanlaki ang dalawang mata ng donya.

“Sino ang ama ng dinadala mo? Simula umpisa pa lang sinabi ko sa'yo na nag-pokus ka sa pag-aaral. Kaya ba gusto ni Ava na dalhin ka sa Quezon dahil alam niya ang kalagayan mo? Paanong. . .” hindi na tinuloy niya ang sasabihin sa dami pumapasok sa utak.

Hindi makatingin si Isabela sa kanyang ina. Natatakot si Isabela sa anumang magyayari lalo sa kaniya anak. Nakahawak si Isabela sa maliit na tiyan.

“Ina, magpapaliwanag ako.” dahan-dahan tumayo si Isabela para harapin ang kaniyang ina.

“Anong ipapaliwanag mo?! Simula umpisa pa lang hindi ka nakikinig sa'kin, ha!”

Sumensya ang donya na umalis ang doktor. Hinatid ni doñ Basco ang doktor palabas ng bahay.

Dumating sina Rosa at Shen. Inaalalayan ni Rosa si Shen para di matumba kung sakaling mahilo.

Sinulyapan ng donya ang dalawang anak. Sa galit ng donya, sinalubong niya ng malakas at mabilis na sampal si Isabela.

“Hindi mo talaga papahalagahan ang sinabi ko sa'yo. Gaganapin ang kasal ni Ava ang iyong kapatid. Ayusin mo ang sarili mo. Sisiguraduhin mo na pupunta si ginoong Diego sa simbahan kung kailangan lumuhod ka para pakasalan ang kapatid mo ay gawin mo. Magmakaawa ka para buhayin ko ang anak mo.”

Tumalikod ang donya. Nakatulala si Isabela sa likod ng donya habang hawak ang pisngi. Tila nabingi si Isabela sa naging sampal.

“Alas-dos ng hapon gaganapin ang kasal mo, maging handa ka. Lahat ng gagamitin mo sa kasal ay inaayos ko na. Maging maganda at hindi kahiya-hiya sa mga tao.” pasimple sinulyapan ng donya si Isabela. “Maiwan na kita.”

Iniwan ng donya ang tatlong anak.

Inaayos ni Isabela ang tindig. “Kung may sasabihin ka ay wala akong oras para marinig iyan.”

Lalampasan sana ni Isabela ang dalawang kapatid niya nang hinawakan ni Shen ang braso ng babae.

“Pasalamat ka sapagka't may anak ka na. Magiging matatag ka kung gusto mo mabuhay ang batang iyan.”

Mabilis niya binitawan ang kamay ni Isabela. Lalampasan sana nila si Isabela nang may naisip siya.

Matunog siya ngumiti. “Pasalamat ka ngayon dahil may anak ka. Sana'y wala kang nasirang pamilya dahil sa ginawa mo.”

Iniwan nila na nagpipigil ng galit si Isabela. Pilit niya pinapakalma ang sarili.

“Hindi ito dapat mangyari sa'kin!” nanggigil niyang sambit habang nakatitig sa pinagpasukan ni Ava.

Inaalalayan ni Rosa makaupo si Shen sa kama.

“Hindi maaring masira ang kasal namin mamaya. Kailangan mo ilayo si Isabela sa kasal namin.”

Nakatitig si Shen sa labas ng bintana.

Masyadong seryoso ang mukha ni Shen upang di mabasa ni Rosa. Nakakapag-isip na din si Rosa.

“Maski si Ina, hindi ko din alam ang desisyon ginawa. Wala din akong alam bakit niya pinagawa iyon kay ate Isabela.” saad ni Rosa.

Kumatok si Celina sa silid. Binuksan ng katulong ang pinto.

“Nakita ninyo po si Señora Isabela?”

“Hindi mo ba nakikita na señora din kami? Waring ang gusto mo lang paglingkuran ang aming nakakatandang kapatid.”

“Paumanhin, mga señora ngunit sinabihan ako ni Doña Imelda na ang paglilingkuran ko lamang si Señora Isabela. Humahanap po si Doña Imelda ng katulong din ninyo.”

Napatingin si Rosa kay Shen.

“Hindi mo yata natatandaan noong niligtas kita. Gusto mo ba ipaalala ko sa'yo? Natatandaan mo ba noong humingi ka ng pabor sa'kin para makaganti sa pamilyang iyon.”

Balik-balik ang tingin ni Rosa sa dalawa. Labis ang pagtataka sa mukha ni Rosa.

“Hindi ko po nakakalimutan ang ginawa ninyo sa'kin. Isang malaking utang na loob ko sa'yo. Naalala ko din ang sinabi ko na gagawin ko ang lahat sa'yo. May isang salita po ako sa'yo.”

“Babantayan mo si ate Isabela buong maghapon. Hindi ka aalis sa tabi kahit anong sabihin o magyayari. Paliwanag ba sayo ang sinabi ko?”

Tumango si Celina saka umalis para hanapin si Isabela. Nakatitig lamang si Rosa ngunit ang utak puno ng katanungan.

Paunti-unting lumulubog ang araw nang natapos sila makapagayos ng sarili.

Dumating ang engrandeng kalesa. May nakakabit sa ulo ng kabayo na puting bulaklak. Pinapalibutan ng puting tela at bulaklak ang kalesa.

Kasama ni Shen sa loob ng kalesa, si donya Imelda puro talak ng talak. Sa pangalawang kalesa sina Rosa, doñ Basco. Sa pang-apat na kalesa sina Celina at Isabela na kanina pa nakatingin sa labas ng bintana.

“May gusto ka po bang sabihin?” binasag ni Celina ang katahimikan.

Nadadaan nila nasa gilid ang maraming tao na kumakaway habang yung ibang tao ay nagkakahagis ng petals ng rosas.

“Pinangako ni Diego na papakasalan niya ako! Hindi maaaring matuloy ang kasal nila! Dapat ako yung nasa kinakatayuan ni Ava! Dapat ako ang masaya! Dapat kami ang bubuo ng pamilya at hindi ako magiging kabit lamang!” puno ng hinanakit ang sinasabi ni Isabela.

“Wala na tayong magagawa d'yan. Mas mabuting palakihin mo na lang po ng mabuti ang iyong anak.” bumuka si Celina ng marahas.

Tahimik na umiiyak si Isabela at hindi na muli kumibo.

Nakarating sila sa malaking simbahan. Lahat ng tao napapatingin kay Shen. Kumikinang siya sa sobrang ganda at sa kanyang suot.

Ang mga batang abay nasa kaliwang pintuan at sa kanan ang mga matatandang abay. Nakalinya silang lahat habang nakatayo si Shen sa malaking pintuan at hawak ang kumpol na bulaklak.

Pagkalampag ng kampana na bumukas ang magkabilang pinto. Dahan-dahan siya pumikit habang binibitawan ang salita sa utak.

Kailanman, hindi ko magugustuhan ang ganitong set-up. Inaasahan ko na magbabago ang lahat. Ang isang katulad hindi nababagay na matali sa katulad niyang manloloko.”

Pag-bukas ng dalwang mata ni Shen Mariel Ramos nasa katawan ni Ava. Direkta siya tumingin sa dulo. Inaasahan na niya makakarating si Diego.

Walang emosyon ang mukha ni Diego nakatitig kay Shen. Nakamulsa si Diego nakatayo, tamad na tamad.

Nagkapalit na sina Shen at Ava. Sobrang saya nararamdaman ni Ava habang nakatitig kay Diego.

Kumikinang ang mga mata ni Ava. “Ang asawa ko. . .” emosyonal niyang sinambit. Umiwas ng tingin si Diego.

May binulong si Don Almario kay Diego. Tumawa ang don habang pangiti-ngiti si Diego na sinisiko ni Don Almario para tuksuhin.

Nakabalik na si Shen sa panahon niya. Nanlaki ang mga mata niya nang napatingin sa katabi. Sinilip niya ang katawan sa loob ng katawan.

“Fuck. .it.” mura niya nang kumirot ang ulo niya dahil sa alak.

Bumalik ang alaala ni Shen mula sa nagkakayaan ang buong batch nila. Nauwi sa inuman hanggang naglapat ang kanilang labi.

“We are fuck.” nagmadaling tumayo siya sa kama. Paika-ika niya pinulot ang lahat ng damit. Madalian din ang pagbibihis niya.

Pagkapihit ng doorknob niya. Napatalon siya nang nakaramdam siya may mainit na yumapos galing sa likuran niya. Nakapulot ang braso ni Matthew sa bewang ni Shen.

“Where you're going, hmm?” paos ang boses nito.

Nagtataasan ang balahibo ni Shen sa pagtama ng hininga nito.

12:50 half hour, Nurse✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang