Kabanata 5: ALAALA.

38 12 1
                                    

DUMATING ang hapon, balita-balita sa buong nayon ang nawawala ng isang babae samantala, abala ang lahat sa pag-aayos ng sariling para sa gaganaping pagpupulong na papangunahan ni Doñ Basco at Doñ Almario.

Isang pasabog ang hindi inaasahan ng lahat maski si Shen.

Inaasahan ni Shen na uuwi ang magiging asawa ni Ava sa tahanan ngunit dumating ang mag-hapon, wala siyang nakita na presensya ng lalaki.

Pagkababa ng pamilyang Legaspi sa bawat kalesa. Bumungad sa kanila ang nagkakasihan na tao at malalakas na tunog ng musika sa loob ng bahay ng Samillano, ang pamilya ni Diego.

Dinatnan ni Doñ Basco si Doñ Almario na nakikisama sa mga matataas na opisyal. Iiwas sana si Doñ Basco ngunit huli na ang lahat sapagkat nakita na siya at tinawag.

Wala siyang nagawa kundi sumama at magpakilala sa bawat makakausap na tao kasama si Doñ Almario.

“Hmm. .” malditang buga ni Donya Imelda nang makita ang asawa na nakikipagsaya na. Mahinhin ang lakad ng donya kaya hindi mahahalata ang pagdadabog na paglalakad papasok sa bahay.

Panay ang malalakas na pagpaypay ng donya sa sarili kasunod ang katulong hawak ang handog sa pamilyang Samillano.

“Halika ka na, Ava!” marahan ang tawag ng donya ngunit may iritasyon ang tono.

Nauna maglakad ang kapatid niya, si Isabela Emilia Legaspi at si Rosalinda Lei Legaspi kasama ang katulong ni Emilia si Celina.

Pinagsawalang-bahala ni Shen ang pakikinig sa usapan ng kapatid ni Ava tungkol sa bagong tampok ng palabas sa teatro. Panigurado maraming kalalakihan ang gugustuhin panoorin iyon kasya humanap ng mapapangasawa.

Sinadya niya na hindi sumama kina Emilia at Rosa at pumunta sa ibang lugar ng bahay. Nagkunwaring siyang maglilibot-libot ang buong lugar pero sa totoo lang, hahanapin niya si Diego.

Hindi niya pinahalata sa ibang tao na umaakyat siya sa pangalawang palapag ng bahay. Tumigil siya sa pinakadulo ng pasilyo, nando'n ang kwarto ni Diego.

Pinihit niya ang doorknob ng pinto, hindi siya nagkakamali sa isang tingin pa lang ay hindi naka-lock.

Tumingin muna si Shen sa tahimik na pasilyo. Naninigurado lamang siya na wala dapat makakita sa kanya na pumasok sa loob ng silid. Pagkapasok niya sa loob; bumungad ang tahimik at malinis na kwarto.

Bubuksan sana niya ang lampara nang may nagtakpan ng bibig niya. Naggaling ang tao sa likod niya.

Hindi siya makalingon ngunit may kutob siya kung sino ang tao 'to.

“Ano ang iyong ginagawa mo dito?” naninindak ang boses ng lalaki.

Naamoy ni Shen ang ginamit ng tao 'to sa katawan nang naligo. “Hinahanap ko ang iyong kabit.”

Tahimik na umalis si Diego sa likuran ni Shen. Plano ni Shen na lumingon ngunit biglang hinawakan ni Diego ang bewang ng dalaga. Walang pag-iingat na pinaharap at pinahiga sa kama habang ang dalawang kamay ni Diego, nakatuon sa pagkabilang gilid ni Shen.

Ramdam ni Shen ang tumutulong tubig sa balat niya galing sa katawan at hibla ng buhok ni Diego.

“Hindi ko na alam ang gagawin sa'yo! Simula umpisa pa lang! Sinabi ko sayo na hindi kita magugustuhan kahit kailan pa o anu man pa.”

“Bakit hindi mo subukan? At malaman mo.”

Pinagapang niya ang daliri sa dibdib ng lalaki.

Pumikit ng mariin si Diego, nagtitimpi kung ano pa ang gawin nito sa babae. Mabilis nito tinaboy ang daliri ni Shen. “Wag mo ako hahawakan!”

12:50 half hour, Nurse✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon