Kabanata 11: HISTORY.

20 2 0
                                    

Apat na taon ang lumipas. . .

Hindi mawari ni Diego ang nararamdaman para sa asawa. Naging asawa nito ngayon ngunit wala siyang nararamdaman. Gusto niyang maghiganti dahil sa pagtakas sa katotohanan.

Galit ang namumuong sa dibdib nito. Hindi pa rin makapaniwala si Diego na magagawa niya. Noong panahon na kailangan nito si Ava biglang nawala lamang parang bula.

Bumubuhos ang ulan noong panahon nu'n. Tumatakbo si Diego habang pasanin ang kapatid nito sa bisig, si Charlotte.

Nanginginig ang balikat at tuhod nito. Malapit na siya bumigay. Lumuluha si Diego habang nanalangin sa buhay ng kanyang kapatid. Giniginaw na si Diego sa lamig. Gusto man nito sumuko pero hindi pwede dahil kapatid nito ang nakasalalay.

Tahimik ang buong paligid tanging ang mabibigat at mabilis na yapag nito sa ulan. Malakas ang hangin sinabayan pa ng malalakas at malalaking patak ng ulan.

Hindi sigurado si Diego sa paghahanap ng bahay. Kababa lang din nila sa pantalan at dito nito inumpisahan hanapin ang bahay ng pamilyang Samillano simula pa noong pahapon.

Hindi siya sigurado sa nilalakaran sapagkat matagal nang panahon noong huling pumunta dito para bisitahin ang matalik na kaibigan, si Ava.

Napaupo na lamang siya sa tapat ng malaking bahay. Ang pamilya ni Diego nasa ibang lugar pa. Inaasikaso ang titulo ng lupa at bahay. Kaya panandalian buma-byahe si Diego ng mag-isa. Nangako ang magulang nila na susunod na lamang kapag natapos ang gagawin.

Pungas-pungas nagising si Diego nang narinig nito ang pag-bukas ng malaking pinto. Ngumingit-ngit ang pinto sa sanhi upang magkaroon ng ingay.

Tumingala nito ang ulo upang makita ang itsura ng mukha ng tao. Lumitaw sa paningin nito ang seryosong mukha ng isang babae. . .na kasambahay.

“Ano ang ipaglilingkod ko sa'yo, ginoo?” bumaba ang tingin ni Celina sa ginoo. Malamig ang tingin ng babae para hindi siya yung tipong babae na pala-kaibigan at pala-ngiti sa lahat.

“Maari ko ba tanungin kung kilala mo ba si binibining Ava Isabela Legaspi? Kailangan ko lang siya kausapin at pakiusap sa isang maliit na pabor.”

Tingnan niya ang batang babae nasa hita nito. “Marahil ikaw ang tinakda papakasalan ni senorita Ava ngunit kasalukuyang wala ngayon si Senorita Ava. Lumuwas siya kasama si Senorita Rosa ang kanyang kapatid para samahan pumili ng eskwelahan at magpapatala na din sa pasukan ngayong taon.”

Gumuho ang mundo ni Diego. Sa isang iglap nawalan siya ng pag-asa na gumaling ang kapatid.

“K-kailangan ko. .siya. Kailangan siya ng k-kapatid ko.” pumiyok ang boses nito sa takot sa kapatid.

Niyakap nito ang kanyang kapatid sa kaniyang bisig. Binaon nito ang mukha sa katawan ng kapatid. Nilabas nito ang luha.

Umalis si Celina at pumasok sa loob. Maya-maya narinig nito ang paparating na kalesa. Bumaba doon si Isabel kasama ang doktor sa kanilang pamilya.

May sinabi si Isabel na ibang lenggwahe. Inuutusan niya ang doktor na suriin ang kapatid ni Diego.

Nahulog ang kamay ng bata sa bisig ni Diego. Natulala lamang si Diego sa kapatid nito habang umaagos ang luha sa mukha.

Sumulyap ang doktor sa malaking relo ng simbahan saka nagpahayag ng kamatayan ng bata. “Oras ng kamatayan ni Charlotte, 12:50 ng gabi.”

Sa oras na pagdadalamhati nito ang pag-usbong ng galit sa puso sa isang tao. Sinisisi nito ang babaeng iyon kung bakit namatay ang kaniyang kapatid sa bisig nito.

Iniwan ni Shen ang pamilyang Legaspi at Samillano. Umatake sa utak niya ang isang memorya. Napatigil siya sa paghakbang habang tulala sa bilugan na buwan.

Noong araw na iyon, hindi ko alam na luluwas pala si Ginoong Diego sa aming bayan. Hindi siya tumugon sa isang sulat ko. Labis ang lungkot ko nang hindi na siya sumulat sa'kin.” saad ni Ava kay Shen. “Akala ko okay lang na samahan ko ang aking kapatid pero hindi ko alam na magyayari na pala.”

Isang butil ang pumatak sa luha sa mukha ni Ava. Parehas silang umiyak.

Hindi ko sinasabi ito para maniwala sa'kin para magkaalam mo, sinasabi ko ito sapagkat nagsasabi ako ng totoo. Nasa iyo ang desisyon kung paano mo ako i-trato o magiging desisyon.”

“Posibleng hindi nakarating sa'yo ang sulat ng iyon dahil may ibang tao nakatanggap iyon.”

Nakarinig sila ng mahinang yapag ng tao paparating sa kanilang pwesto. Umalis si Shen sa katawan ni Ava at bumalik si Ava sa sariling katawan. Nasa isang tabi si Shen habang pinapanood ang dalawa.

“Ginoong Diego. . .” emosyonal niyang tinawag ang kaniyang asawa.

Titig na titig si Diego kay Ava.

“Gusto ko lamang malaman mo na minamahal ko ang iyong kapatid.”

Ngumiti si Ava. “Gusto ko din malaman mo na alam ko ang lahat tungkol sa inyo ng aking kapatid ngunit hindi dahil alam ko maaring masira tayo. Nagkakamali ka kahit ganu'n kampante ako babalik ka pa rin sa'kin.”

Nag-umpisa muli si Ava na maglakad sa kalesa. Pinapanood ni Diego na umalis si Ava hanggang mawala sa kanya paningin.

Umiling si Diego sa kaniyang inisip. “Hindi ko din malaman sa sarili kung babalik pa rin ako sa piling mo.”

Humihip ang malamig na hangin. Tumitig si Shen sa madilim na langit hanggang maalala niya ang isang pangyayari sa kaniyang buhay na hindi niya makakalimutan.

Saka lamang kumilos ang mga paa ni Shen para maglakad palayo. Kahit nahihilo si Matthew nagagawa nito kumilos para magbihis at habulin ang kasintahan.

Hindi alam ni Shen kung saan mag-uumpisa na mag-isip basta ang alam niya na gusto niya lumayo.

“Shen!” sigaw ni Matthew, nando'n ang takot sa boses at sa dibdib.

Hindi tumigil si Shen sa paglalakad. Nang naabutan ni Matthew si Shen ay hinawakan nito sa braso. Nanginginig pa ang kamay nito.

“I can explain ev--------”

“You don't have to.” malamig niyang tugon. “You broke my trust.”

“I know but she mixed my. . . tequila.”

Umiling siya. Umiyak na siya. Frustrated, galit, sakit at marami pang emosyon ang nararamdaman niya. Gusto niya maniwala kay Matthew pero nahihirapan siya paniwalaan ang kasintahan kung mismong nakita niya ayaw niya maniwala.

Nanlalamig ang tiyan ni Matthew katulad ng kamay nito. “Baby. . .” nakaramdam si Matthew ng takot sa tingin at pakikitungo ni Shen.

Parehas silang umiiyak. Nanlambot ang mga tuhod nito at nakaluhod sa likuran niya. “Please, don't leave me.” nagmamakaawa saad nito. Pinulot nito ang kamay sa bewang ni Shen.

Suminghap si Shen, pinipilit kumuha ng lakas. “Hayaan mo na ako kahit ngayon lang.”

Lumingon siya kay Matthew. Masuyo niya hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

“Parehas naubos ang pagmamahal at lakas ko sa'yo kaya hayaan mo na ako hanapin ang sarili ko baka sakaling mahanap ko kung saan ako nagkamali.”

Isa-isa niyang inaalis ang daliri sa bewang hanggang maalis niya ang braso nito.

Hindi nakaimik si Matthew, tulala lamang.

“Wala nang natira para sa'kin dahil naibigay ko na sa'yo lahat. Kahit ngayon lang, palayain mo ako baka sakaling bumalik ako sa piling mo kung sakaling. . .” pinunasan niya ang sariling luha. “pipiliin pa rin kita sa likod ng ginawa mo ngayon.”

Naglakad siya palayo kay Matthew.

12:50 half hour, Nurse✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon