Kabanata 6: IBALIK ANG TAMIS.

25 8 2
                                    

BUMALIK si Shen ng buong galak. Nag-pokus siya sa trabaho. Hindi naging madali ang trabaho niya dahil may dumating na maraming bata. Ang sanhi ng kanilang nararamdaman, diarrhea.

Tumulong na din ang ibang station sa kanila. Hindi kinaya nila ang parating ng parating. Ang naisip lamang ni Shen na nagkakaroon ng diarrhea ang isang tao.

“Sirang pagkain or poison.” bulong niya sa kawalan nang nag-observe muli siya sa bagong dating na mga bata.

Ang bagong pasok na pasyente kasunod nu'n si Matthew at Leah. Agaw-pansin silang dalawa.

“Titingnan ko ang dibdib at likod mo, okay ba?” tinapat niya ang stethoscope sa dibdib ng bata habang pinapakinggan ang tibok ng puso.

“Ate nurse, ang sakit po ng tiyan ko.” reklamo ng iilang bata na tiningnan niya.

Pinagbibigyan niya ng mga bata ng gamot. Nang umayos ang pakiramdam ng mga bata, pinauwi na din at yung ibang bata, nanatili sa hospital dahil sa pagtaas ng lagnat at patuloy na pagsusuka.

Iwas na iwas si Shen kay Matthew hanggang matapos ang trabaho. Nakasabay niya sina Matthew at Leah sa lobby.

“I have to go.” pagpapaalam ni Leah kay Matthew.

Hindi na niya narinig ang sagot ng lalaki nang lampasan niya ang dalawa.

Napatigil siya sa isang tabi nang tumunog ang cellphone niya.

Lim my bestfriend calling. . .

Nabasa niya ang pangalan ng matalik na kaibigan. Inayos niya ang boses bago sagutin.

“Napatawag ka?”

[Nasaan ka?] wala pa rin pinag-bago ang boses ni Lim, maangas.

“Bakit?” inikot niya ang paningin sa paligid. Hinahanap niya ang Pajero ng lalaki.

Tumawa si Lim. [Alam mo talaga ang kung paano ako gumalaw, noh!]

Umirap siya sa kawalan. Nahagip niya ang Pajero sa unahan ng parking lot. Nakapatong ang braso nito sa bintana.  Nakasuot ng salamin si Lim sa mata kaya kitang-kita niya kung sino ang tinitigan nito, mata sa mata.

[I fetch you.] direkta si Lim nakatitig sa mata ng dalaga. [My treat.]

“Hindi ko tatanggihan iyan.”

Tumawa silang dalawa. Pinatay ni Shen ang tawag. Pinuntahan na niya ang kaibigan.

Magtatangka pa sana si Lim na pagbuksan ng pinto si Shen nang umiling siya.

“I have a two hands so don't worry.”

Tumawa lamang si Lim na tanggal ang angas.

Nahagip ng mata ni Shen sina Matthew at Leah. Nakapulot ang braso ni Leah kay Matthew samantala madilim ang tingin nito.

Iniwas niya ang tingin saka niyaya umalis si Lim.

Dinala ni Lim si Shen sa paboritong kainan, style karinderya may original ang bawat putahe.

Kilala nila ang may-ari simula noong highschool hanggang college. Malapit lamang ang pinapasukan nila sa karinderya.

“Balita ko naging successful ang operation mo sa Europa. Naging usap-usapan din ang maraming gustong kumuha sa'yo.” inangat niya ang ulo saka sumubo ng pagkain.

“Wala iyon.” tumawa si Lim.

Tumaas ang kilay niya.

“Wag mo ako tingnan ng ganyan baka iisipin ko gusto ako, sige ka.”

Umirap siya sa kawalan bago ipagpatuloy ang pagkain. “Malay mo gusto ka ni Moira.”

“Hindi ko naman siya gusto, e.” titig na titig si Lim sa dalaga.

12:50 half hour, Nurse✅Where stories live. Discover now