Chapter 40

11.8K 331 64
                                    

After 2 years...

REBECCA'S POV

First love never dies, I believe in that saying dahil simula palang noong una hanggang ngayon ay kay Messiah Avenido pa rin tumitibok ang puso ko. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa lalakeng iyon na kahit noong mga bata palang kami ay binabaliwala at nilalayuan niya lang ako tapos ay pinapaubaya pa niya ako sa mga kapatid niya?

Siguro dahil sa pagiging misteryoso nito. He's cool for me and at his age, he's very responsible to work on his parents company.

I would never thought na may gusto na rin pala siya sa akin noon. Dahil ayaw niyang makipagkumpitensya kina Isaac at Eli ay hinayaan niya ako sa mga kapatid niya. Ni hindi niya nagawang ipaglaban ang pagmamahal niya sa akin na ikinasakit lang ng damdamin ko.

2 years ago, doon siya bumawi. Simula nung naging boyfriend ko si Aiden Lee ay ginawa na ni Messiah ang lahat para makuha ako. Iniligtas niya rin ako ng ilang beses sa kapahamakan na kahit makapatay siya ng tao ay hindi na niya alintana iyon ang mahalaga lang ay ang kaligtasan ko.

I know he's very violent, nakakapanakit siya sa oras na tuluyan na siyang magalit. May baril rin siya na ilang beses na niyang ginamit sa mga lalakeng nakapaligid sa akin pero alam ko rin na ginagawa niya lang iyon para sa kapakanan ko. He is right, men are predator and I shouldn't trust with them easily.

Nandito kami ngayon ni Messiah sa isa sa mga beach dito sa Oriental Mindoro at nagbabakasyon. I already graduated and I gave birth to our child one year ago and he's a boy, his name is Isaiah Avenido na manang-mana sa pagiging super gwapo at tahimik ng tatay niya.

Nahirapan pa ako sa pagbubuntis kay Isaiah dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko noon. Mabuti nalang at inalagaan ako ng mabuti ni Messiah at ng pamilya namin kaya safe na lumabas sa mundo ang baby boy ko.

Pinagmamasdan ko lang si Messiah na buhat-buhat si Isaiah habang tinatanaw sila Selah at Isaac na nagkukulitan habang nagsi-swimming sa dagat.

Kasama rin namin sila Sheila, Earl, Demi, Harry at Aiden sa bakasyong ito. We're now all friends at masaya ako dahil sinusuportahan at pinapahalagahan rin nila ang relasyon namin ni Messiah.

Alam kong nagkagusto sa akin sila Demi, Harry at Aiden pero sa nakikita ko ay tanggap na nila ang lahat. Naging magkakaibigan pa rin kami sa kabila ng mga nangyari noon at kasundo na rin nila si Messiah.

"Rebecca, swimming na tayo girl!" Sigaw ni Sheila hindi kalayuan sa pwesto nila ni Earl kasama sila Demi, Harry at Aiden.

Natatawa ko namang hinubad ang suot kong robe at ipinatong ito sa beach chair na inuupuan ko. I'm now wearing a red bikini two piece at expose na expose dito ang katawan ko at malalaking dibdib. Pagkatapos kong manganak ay kaagad rin bumalik ang dati kong katawan at sinasabi nga ni Sheila na mukhang hindi naman ako nanganak at walang nagbago sa akin.

Sinenyasan ko si Messiah na lulusong na ako sa dagat and he just nodded at me. Pinayagan na niya akong magswimming ngayon dahil kahapon ko pa ito hindi magawa dahil mahilig magpakarga sa akin si Isaiah at parang ayaw nitong mahiwalay sa akin. Mabuti nalang at hindi tinopak ang anak namin kaya sa tatay na niya ito nagpapakarga.

Lumusong ako sa pwesto nila Sheila at narinig ko pa ang pagsipol ni Demi nang makalapit na ako sa kanila. Titig na titig ang apat na lalake sa katawan ko habang si Sheila naman ay tumatawa-tawa lang.

"Stop staring at Rebecca, nakatitig na ng masama sa inyo si Messiah, oh?" Sabi ni Sheila at itinuro nito si Messiah na nakatitig na nga ng masama sa mga lalakeng ito.

Natawa naman si Demi at napakamot ito ng ulo. "Sorry naman. Ang sexy lang talaga ni Rebecca but we know our limits." Itinaas pa nito ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now