Chapter 36

9K 323 40
                                    

REBECCA'S POV

I'm here at the mall kasama si Sheila. Messiah will arrive later dahil hindi pwedeng makita siya ng mga guards or worse ay si Steven sa bahay namin kaya dito nalang kami sa mall magkikita.

As the stare that we're getting ay naglibot-libot lang kami ni Sheila dito sa loob ng mall while we're waiting for Messiah na may board meeting pa sa kompanya nila. Sabado ngayon kaya wala akong pasok.

"Buti at hindi nakabuntot sa'yo 'yung tisoy mong fiancé na nanggulo pa sa school natin?" Sabi ni Sheila habang sinasamahan ko siyang mamili ng mga dresses and shoes na bibilhin niya dito sa boutique shop.

"I'm glad that he's busy kaya hindi niya ako mababantayan ngayon." Sabi ko naman.

Pagkatapos makapili ni Sheila at mabayaran sa counter ang mga pinamili niya ay lumabas na rin kami sa loob ng boutique shop.

"Ikaw na talaga ang maganda, te! Nilahat mo na ang gwapong nilalang sa mundo at in the end ay nababaliw silang lahat sa'yo. Kaya ang hirap maging maganda, e. Buti nalang sakto lang 'tong beauty ko para kabaliwan ni Earl." Tumatawang sabi ni Sheila kaya napatawa na rin ako.

"Rebecca?"

Lumingon naman kami sa nagsalita sa harapan namin at nagulat ako nang makita ko si John kasama si Mildred. Medyo nanibago ako sa ayos ngayon ni John dahil ang porma ng itsura niya ngayon. He's wearing a white shirt na nakapaloob sa suot niyang jacket at jeans. Nakabrush up rin ang buhok nito na mas bumagay sa kanya. He's naturally handsome with his complexion, too.

"John? Mildred?" Nakangiting banggit ko.

Ngumiti si Mildred sa akin at bigla niyang siniko si John na nakangiti pa rin sa akin habang nakatitig.

"Nagyaya kasi 'tong si Kuya na mamasyal daw kami dito sa Maynila. Alam lang naming sa Pasay ka nakatira dahil binanggit mo daw iyon sa kanya. Gusto ka niyang madalaw dito e, pero hindi namin alam kung saan ang exact location mo. Mabuti nalang at nakita ka namin dito sa mall. Hindi ka daw niya macontact. Bakit?" Tanong ni Mildred.

Napakamot naman ako sa ulo. "Nawala ko kasi 'yung unang phone ko doon sa Palawan then ngayon nagpalit na rin ako ng phone at number. I'm sorry for that, John." Paumanhin ko kay John na nakangiti pa rin sa akin.

"Wala 'yon, Rebecca. Ang mahalaga ay nagkita tayo ngayon dito." Sabi ni John.

"Ehem!"

Napatingin naman ako sa tumikhim na si Sheila at mukhang wala nga itong ideya kung bakit kilala ko si John kaya ipinakilala ko siya sa magkapatid.

"Ah, Sheila si John at Mildred nga pala. Mga bagong friends ko na nakilala ko sa Palawan." Pagpapakilala ko sa kanilang tatlo.

Kumaway naman si Sheila sa kanila at nakita ko pa na nagningning ang mga mata niya nang sinulyapan nito si John. Basta't gwapo talaga ay nabubuhayan nalang bigla itong bestfriend ko hays.

"Hello! I'm Sheila. Ang magandang bestfriend ni Rebecca. It's nice to meet you." Nakangiting bati ni Sheila.

Ngumiti naman sina Mildred at John sa kanila at nagpakilala rin.

"Babyloves, I'm sorry I'm late. I have a lots of stuff to finished earlier."

Hindi ko namalayan na dumating na pala si Messiah at kaagad niya akong hinapit sa bewang at hinalikan sa pisngi. Hindi pa niya napapansin si John na nakatingin lang sa kanya habang si Mildred naman ay tila natulala nang makita si Messiah.

Nang sandaling humarap si Messiah kina John at Mildred ay nakita ko bigla ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Mas lalo niyang hinapit ang bewang ko sa braso niya habang nakatingin ito ng mariin kay John.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now