Chapter 6

14.3K 461 49
                                    

REBECCA'S POV

Nandito kami ngayon ni Sheila sa field at pinagmamasdan naming magperform sila Isaac at ang banda niya sa stage. Kilig na kilig naman ang bestfriend ko dahil sa boyfriend nitong si Earl habang ako naman ay nagtatakang nakatingin lang kay Isaac na mula pa kahapon ay hindi ako pinapansin.

I know there's something wrong with him at hindi mapanatag ang loob ko sa kung anuman ang problema niya.

"Ang gwapo-gwapo talaga ng magkakaibigan na 'yan, no? Gwapo naman si boyfriend ko pero napapansin kong mas lalo pang gumagwapo si Demi. Inspired siguro?" Kinikilig na sabi ni Sheila habang nakatingin ito kay Demi na busy sa pagtugtog sa electric guitar na hawak niya. Nasasabayan naman ito ng vocalist nilang si Colt na may maganda talagang boses.

Napatingin ako kay Demi. Talaga ngang gwapo ito kahit may pagka badboy ang itsura. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit marami na itong naging girlfriends. Pero ang mas bumabagabag lang sa akin ay ang malaman niyang close na kami ni Aiden.

Hindi kaya't sinabi na ni Demi kay Isaac iyon? Mas lalo akong kinabahan dahil posibleng ngang alam na ni Isaac iyon.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nagsumbong na ang manyakis na ito kay Isaac!

"Don't envy that guy, Sheila. May boyfriend ka na." Sabi ko kay Sheila na ngumuso nalang.

Pagkatapos magperform ng banda nila Isaac at nagsialisan na rin ang mga estudyanteng audience ay kaagad nila kaming nilapitan.

Tahimik na lumapit sa akin si Isaac na kaagad pinulupot ang braso niya sa bewang ko. Napansin ko pa kanina na wala si Aiden? Nasaan na kaya iyon?

"If you're looking for Aiden, he already quit in our band." Biglang sinabi ni Isaac na ikinagulat ko.

"But why?" He raise his one eyebrow to me.

"Bakit? Namimiss mo na agad?" He sarcastically said.

Natahimik ako dun at lumingon kay Sheila na nagulat rin sa inasta sa akin ni Isaac.

"Why looking for Aiden kung may Isaac ka naman, Rebecca?" Nakangisi namang sabi ni Demi na pinandilatan ng mata ni Earl.

Bigla ay hinila nalang ako ni Isaac hanggang sa hindi na ako nakapagpaalam pa kay Sheila. Nakarating na kami sa Parking Lot nitong school at isinakay niya ako sa loob ng kotse niya.

Halos mapatalon na ako sa gulat nang bigla niyang hinampas ng malakas ang steering wheel ng kotse niya at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Bakit kayo magkasama ni Aiden sa parke? At sabay pa raw kayong nagjogging?" Madiin niyang tanong na ikinagulat ko.

So he knew it.

"Isaac..." Halos nanginginig na ako sa takot dahil sa kanya.

"Answer me, Rebecca!" Napapikit naman ako dahil sa pagsigaw niya. Unti-unti na rin'g tumulo ang mga luha ko.

"N-Nagkasabay lang naman kami nung araw na 'yon. Since he's your friend kaya wala naman sigurong masama kung- aray, Isaac, nasasaktan ako!" Daing ko nang hinawakan niya nang mahigpit ang isang braso ko.

"I already said to you na 'wag kang masyadong makikipaglapit sa mga kabanda ko. Hindi malabong hindi ka nila magustuhan kung magiging close ka sa kanila. Ilang beses ko nang itinatak sa kukote mo na ako lang ang pwede mong lapitan at bigyan ng atensyon!" Galit na galit niyang sabi.

Napahikbi na ako dahil sa matinding takot at kaba ko kay Isaac. Alam kong sobra itong nagagalit at nagseselos ngayon but he's too much. Nakakasakal na siya. Sila ni Eli and I think I need to stop them from courting me.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now