Chapter 33

8.9K 280 27
                                    

REBECCA'S POV

Nasabi ko na kay Messiah ang tungkol sa plano ng mga magulang ko na ipakasal ako kay Steven at inaasahan ko na ngang magagalit siya doon at gusto rin niyang makausap ang mga ito.

Nandito ngayon si Messiah sa loob ng bahay at hinihintay namin ang pag-uwi nina Mom at Dad. Ilang oras rin ang paghihintay namin nang dumating ang mga ito at nabigla ako dahil kasama pa nila si Steven na napatingin kay Messiah na seryosong nakatingin sa kanya.

"Messiah? What are you doing here?" Tanong ni Dad nang lumapit kami sa kanila.

"Girlfriend ko na po si Rebecca." Sabi naman ni Messiah na ikinagulat nina Mom at Dad.

Dad shrugged his shoulders. "I'm sorry, hijo but Rebecca will going to marry Steven."

"Dad, please don't do this. Mahal na mahal ko po si Messiah at siya lang po ang gusto kong pakasalan." I held my Dad's hand pero kaagad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko.

"Messiah, I don't want your family involve to my daughter anymore. Tama na sa aking pinayagan kong ligawan siya ng mga kapatid mong may mga tama yata sa utak. May lahing baliw ang pamilya mo at ayoko nang madamay pa ang anak ko sa inyo." Madiin ang tonong sabi ni Dad.

Napakuyom naman ng kamao doon ni Messiah.

"And then may gana ka pang barilin si Rodney? Delikado ka para sa anak namin kaya tigilan mo na siya." Sabi naman ni Mom habang nakatitig ng masama kay Messiah.

Umiyak na ako ng tuluyan dahil talagang hindi nila gusto si Messiah para sa akin. They know how much I love Messiah since we we're young but what happened now? Bakit nila ako itatali ngayon sa lalakeng hindi ko naman mahal?

"I'm sorry if I did that, Tita. I really love Rebecca and I don't want to lose her." Messiah said with determination.

"I was glad na nailigtas mo ang anak ko mula kay Rodney but you hurt my son, too. Kahit anong mangyari ay anak pa rin namin si Rodney at may dahilan kung paano niya nagawang ilayo sa amin si Rebecca. We can make a move from him pero ikaw tinangka mo pang patayin ang anak ko!" Umiyak na si Mom dahilan para aluin siya ni Dad at tinignan nito ng masama si Messiah.

"We already decided what's Rebecca's future will be. Umalis ka na dito hangga't hindi pa kita sinasaktan, Messiah." Pagbabanta ni Dad.

"Dad-"

"Pumasok ka sa loob ng kwarto mo, Rebecca. Now!" Sigaw ni Dad dahilan para matakot ako.

Nang tinignan ko si Messiah ay nakatungo na ito habang nanatili pa rin'g nakakuyom ang mga kamao niya.

"Steven, dalhin mo si Rebecca sa kwarto niya." Pagkausap ni Dad kay Steven na kanina pa tahimik na nanonood sa amin.

"S-sige po." Sagot naman ni Steven at akmang hihilahin na sana ako paalis nang bigla siyang sinuntok ni Messiah nang malakas dahilan para mapaupo si Steven sa sahig na kaagad ikinadugo ng labi nito.

"You traitor!" Sigaw ni Messiah kay Steven na pinapahidan ang dugo sa labi niya.

Gulat na gulat sina Mom at Dad sa ginawa ni Messiah. Bigla namang kwinelyuhan ni Dad si Messiah at sinuntok ito sa mukha dahilan para mapaatras si Messiah.

"See? Napakabayolente nitong boyfriend mo, Rebecca kaya mas lalo lang niyang pinatunayan kung gaano siya kawalang modo at respeto sa amin. You won't see this guy anymore!" Galit na sabi ni Dad sa akin hanggang sa umalis na rin ito.

Humagulgol na ako ng tuluyan hanggang sa may dumating na mga guards at hinila na papaalis si Messiah sa harapan namin habang nakayuko ito.

Inalalayan naman ni Mom na makatayo si Steven mula sa pagkakaupo nito sa sahig.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon