Chapter 38

9.4K 288 56
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang ay kanina pa patay si Messiah dahil sa mga tingin na ipinupukol sa kanya ng kanyang kapatid na si Isaac. Katabi nito ang traydor niyang kaibigan na si Steven na kanina pa walang imik.

Kaharap ngayon ng mga magulang ni Messiah ang mga magulang ni Rebecca at nalaman na nga nitong buntis ang nobya niya at kaagad na silang nagpakasal sa korte.

Muntik na nga siyang nasuntok kanina ng ama ni Rebecca na si Daniel dahil sa pananamantala 'daw' na ginawa niya kay Rebecca at sa agarang pagpapakasal nito sa kanya na hindi nila alam.

"Bilib na talaga ako sa pamilya niyo, Josiah. Your son get pregnant my daughter at nagpakasal sila nang hindi man lang namin alam ni Naomi? Mga baliw nga talaga ang lahi niyo!" Nakangising sabi ng ama ni Rebecca na si Daniel pero mababakasan pa rin ng inis sa mukha nito dahil sa mga nalaman niya.

"It's you and Naomi's fault, Daniel. Why do you need to force Rebecca to marry Timoteo's son? Rebecca loves Messiah and as you can see, she have no doubts to marry my son." Kalmado namang sabi ni Josiah na mas lalo lang ikinainit ng ulo ni Daniel.

"Daniel, calm down please? Let's accept na nagpakasal na sila at magkakaapo na rin tayo. We can't do something about Rebecca's situation right now." Sabi naman ni Naomi na pilit pinapakalma ang kanina pang galit na galit na asawa.

Bumuntong-hininga nalang si Daniel bilang pagsuko.

Mas matindi pa ang galit na nararamdaman niya ngayon kaysa nung bastedin siya noon ng nililigawan niyang si Trinity. Dahil sa pangyayaring iyon at mas pinili nito ang kaibigan niyang si Jaden ay kabi-kabilang babae ang nakarelasyon niya para lang makalimutan si Trinity. Aksidente pa niyang nabuntis si Almira na isa sa mga fuck buddy niya na ina ngayon ng anak niyang si Jackson. Kung hindi pa sila nagkabalikan ng una niyang minahal na si Naomi ay mananatiling miserable pa rin ang buhay niya at magiging bigo nalang habambuhay.

Sinamaan nalang ng tingin ni Daniel si Messiah. "Pasalamat ka at mahal ko ang anak ko at ang magiging apo ko kundi hindi ko talaga tatanggapin ang relasyon niyo." Madiing sabi ni Daniel kay Messiah.

"Don't worry, Tito, I will take care of Rebecca and our child. I will do everything to protect and love them." Seryoso namang sabi ni Messiah na ikinailing lang ni Daniel at sabay na nagwalk out na ito.

Pagkaalis ni Daniel ay bigla namang tumawa sila Andy, Jonas at Ysmael na kanina pa nakikinig sa kanila.

"True love is real kaya hindi 'yan mapipigilan ni Daniel." Nakangising sabi ni Andy.

"Sigurista rin 'tong si Messiah, e. Nagmana talaga sa Tatay." Sabi naman ni Jonas na tinawanan lang ni Ysmael.

"Mr. Steven Almarez, baka pwede ka nang umalis? Nakita mo namang nagkasundo na kami at ang parents ni Rebecca dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Messiah? Magkakapamilya na sila so wala ka nang ambag dito." Pagkausap ni Ysmael kay Steven na sinamaan naman siya ng tingin.

"My father is right, baliw kayong lahat dahil nagpakasal kayo sa iisang babae. Both selfish, greedy and forceful. No wonder kung saan nagmana si Messiah." Sarkastikong sabi ni Steven.

Tumawa lang si Ysmael sa sinabi niya. "Hindi ko naman itatanggi 'yan, Steven. We are now in a Polyandry relationship but at least we're happy at kasama pa namin ang babaeng mahal namin. How about you? Ni hindi ka nga nagustuhan ni Rebecca tapos trinaydor mo pa ang kaibigan mong si Messiah? Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo? Are you that insecure to Messiah dahil alam mo sa sarili mo na mas gwapo, mas habulin ng babae, mas successful at mas kapansin-pansin siya kaysa sa'yo?" Ngumisi si Ysmael nang makita ang inis sa mukha ni Steven at para bang gusto na siya nitong sugurin.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon