Chapter 16

12.5K 408 42
                                    

REBECCA'S POV

Tuluyan na ngang nagalit si Kuya Rodney kay Aiden kaya hindi na nagpupunta dito si Aiden sa bahay kapag nandito si kuya. Talagang malaki ang galit ng kapatid ko sa kanya dahil pati ako ay hindi na rin niya pinapansin.

Ano na ba itong gagawin ko? Gusto kong parehong magkasundo na ulit si kuya at Aiden pero sa paanong paraan? Wala akong makampihan sa kanilang dalawa dahil pareho ko silang mahal. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip.

Ikwinento ko kay Sheila ang lahat ng mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Nasa mall kami ngayon at Sabado na. Magaling na rin ako at sa lunes ay pwede na akong pumasok.

Aiden is busy right now managing their business at hindi ko muna siya inabala pa. It's only 10am in the morning but I decided to meet Sheila dahil minsanan nalang kaming makapag-usap at magkasama.

"I didn't know na magagawa sa'yo 'yan ng mga kabanda nila Isaac at Earl. I know they admire you but sa puntong muntik ka na nilang marape? Their desire to get you is too strong, best." Sabi ni Sheila.

Ngumiti naman ako ng mapait. "I'm still doubting kung ipapakulong ko ba talaga sila ng matagal. Hindi naman nila naituloy ang balak nila sa akin kaya.."

"Girl? Okay ka lang? Kung hindi ka pa nailigtas ni Fafa Messiah out of nowhere e, baka najuntis ka na ng tatlong manyakis na 'yon! They deserve to be in jail." Humalukipkip si Sheila at umiiling.

I just sighed. Umiiral na naman itong pagkamabait ko kaya siguro madali akong mapaniwala at maloko dahil sa personalidad kong ito. Malayong-malayo kami ng pag-iisip ni Kuya Rodney.

"And speaking of your handsome brother, hindi naman siguro magsisinungaling sa'yo ang kuya mo at itutulak ka kay Messiah if wala siyang basehan sa sinabi niya na nakita niyang inalipusta ni Aiden ang isang beggar sa daan?" Tanong ni Sheila.

"Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko, Sheila. Boyfriend ko si Aiden and he said that it's not true. I trust him too, like my brother." Walang lakas kong sabi.

Hinagod naman ni Sheila ang balikat ko. "I know, Rebecca. I know Aiden too, he's kind pero sobrang tahimik nga lang. Mas kilala mo rin ang kuya mo. You're torn between the two special person in your life but you need to seek the truth and you need to accept whoever is lying." She said.

I nodded on what Sheila said. Kailangan ko ulit makausap si Kuya Rodney and I need to measure all of he was going to stay. He's my brother and we need to talk personally.

"Do you still love Messiah?" Sheila suddenly ask na ikinatahimik ko pero di kalaunan ay umiling lang ako.

"I-I don't love him, anymore."

"Good because it's unfair to Aiden na boyfriend mo nga siya pero mahal mo pa rin 'yang first love mo." Sheila took a sip from her milkshake while looking at me.

Napabuntong-hininga nalang ulit ako.

After we eat in the restaurant ay naglakad-lakad lang kami sa mall. I'm wearing a red crop top dress with faded fitted jeans while Sheila is wearing a color beige dress with her high heels on. Pinagtitinginan na naman kami dito sa mall like what we're getting kapag nagpupunta kami sa public places at sanay na sanay na kami doon.

"Feeling ko talaga sobrang ganda ko kapag kasama kita, girl. Ang Dyosa mo ba naman kasi. Pang Olivia Hussey lang ang peg!" Tumatawang sabi ni Sheila.

"You're beautiful naman, Sheila kaya nga nagkagusto rin sa'yo si Earl, e." I said while smiling at her.

"I know pero 'yung kind ng beauty ko ay pwede pang matabunan nang kahit sino pero 'yung sa'yo? Ewan ko nalang kung may makatapat ka pang mas gaganda sa'yo. Pang Liza Soberano rin kaya ang aura ng beauty mo, best!"

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now