Chapter 31

9.3K 326 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Will you stop your craziness or I'll shoot you right now?"

Nagulat si Rodney nang makita niyang nasa tabi na pala niya si Messiah habang hawak ng mahigpit ang isang braso nito at nakatutok sa sentido niya ang baril na hawak nito.

Hindi niya alam kung papaanong natunton siya ng lalakeng ito. Napangisi na lamang siya dahil inaasahan na niyang makikita siya ni Messiah.

Nalaman nga nito na pinatay niya ang mga kabanda ni Isaac ang matunton pa kaya siya sa Palawan?

"Masyado ka na bang obsess para mabawi mo sa akin si Rebecca?" Kalmadong sabi ni Rodney at ngumiti pa ito. Ni wala itong bahid ng takot na anytime ay baka barilin siya ni Messiah.

Naisip niyang hinding-hindi magagawa ni Messiah iyon dahil kapatid siya ng babaeng pinakamamahal nito.

"Where is she?" Madiing tanong ni Messiah at mas lalo pa nitong itinutok ang hawak niyang baril sa sentido ni Rodney.

"Don't worry Messiah, naglilibang lang siya dito with her new friend." Sagot ni Rodney.

Doon ay napakunot ang noo ni Messiah.

"New friend?"

Tumango naman si Rodney. "As a part of my plan, ayoko namang isipin ng kapatid ko na I already abducted her. Pinalabas kong nagbabakasyon lang kami dito sa Palawan. I let her to be with her new friend para hindi siya makahalata sa plano ko. After I get Rebecca's trust again ay papatayin ko rin ang lalakeng 'yon." Ngumisi si Rodney dahil nakita niyang natigilan doon si Messiah.

Unti-unting binaba ni Messiah ang hawak niyang baril at kaagad siyang nakaramdam ng pagseselos dahil may bago palang kaibigan si Rebecca at isang lalake pa.

Napailing nalang si Rodney at inayos ang sarili niya. "Don't worry, Messiah. Wala pa namang nangyayari sa amin ni Rebecca kaya hindi muna ito ang tamang panahon para magalit ka sa akin at patayin mo ako. Mas magalit ka sa bagong lalake ngayon sa buhay niya." Bulong nito sa tainga ni Messiah.

"Where are they?" Seryosong tanong ni Messiah at napakapit ito ng mahigpit sa hawak niyang baril.

"Nandyan lang sila sa tabi ng dagat. Nag-uusap, you know? Getting to know each other?" Nakangising sabi ni Rodney na tila nanunukso pa.

Kaagad namang naglakad papunta sa tabing dagat si Messiah at sinundan siya ni Rodney na nananatili pa rin'g nakangisi.

Nakita ni Messiah ang tagpong magkausap si Rebecca at ang lalakeng hindi niya kilala. Nagtatawanan pa ang mga ito na mas lalong ikinainit ng ulo niya.

Anong karapatan ni Rebecca na ngumiti at makipag-usap sa ibang lalake? Sa kanya lang dapat ito maging ganon.

Kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Nanlaki bigla ang mga mata ni Rebecca nang makita niya si Messiah na sobrang sama ng tingin kay John na nagtataka lang na nakatingin sa kanila.

Ang mas lalo pa niyang ikinagulat ay may hawak itong baril.

"M-Messiah?" Gulat na tanong ng dalaga.

Nagsalita naman mula sa likuran ni Messiah si Rodney. "Messiah went here earlier, sis. Namiss ka na daw niya kasi kaagad kaya nagpunta na siya dito." Sabi nito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Rebecca. Sa totoo lang ay sobra niyang namiss si Messiah. Ngayon lang ulit niya ito nakita at sobrang gwapo lang nito sa suot na puting v-neck t-shirt at jeans. Nakataas naman ang buhok nito na bagay na hairstyle sa gwapong nilalang na nasa harapan niya.

Pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil may hawak itong baril at laking gulat nalang niya nang tinutukan nito si John na nabigla rin sa ginawa nito.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now