Chapter 17

12.4K 390 67
                                    

REBECCA'S POV

Desperate to have you

Dinala ako ni Messiah sa condo unit niya at ngayon ay nakaharap ako sa lamesa na punong-puno ng pagkain. Halos lahat ng mga favorite kong dishes ay nandito.

Papaano naman kaya niya nalaman iyon?

"Talaga bang patatabain mo ako?" Tanong ko kay Messiah at tinaasan siya ng kilay.

Umupo naman siya sa bakanteng upuan katabi ng sa akin at nag-umpisa na itong magserve ng pagkain ko.

"That's better." Sabi niya.

Napailing nalang ako. "Hindi ko alam kung anong trip mo, Messiah at dinala mo pa ako dito sa condo unit mo tapos ay pakakainin mo lang ako. I want to go home now at hindi ba doon ka naman talaga nag-iistay sa bahay niyo?" Naiinis ko nang sabi.

Ang alam ko ay may condo unit talaga si Messiah pero bihira lang niya itong uwian dahil mas gusto ni Tita Mirae na doon siya tumira sa kanila. Inuuwian lang ito ni Messiah kapag wala na siyang time para umuwi sa kanila dahil sa work niya. Bilang dakilang patay na patay sa kanya noon ay alam ko ang bagay na iyon pero ngayon ay wala na dapat pa akong pakialam doon.

Pagkatapos niya akong ipaghanda ng pagkain ay tumingin siya sa sa akin ng mariin.

"I just want you to know that I'm also good at cooking. Ayokong may ibang lalakeng ipagluluto ka at magugustuhan mo!" Sumigaw na siya kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

Ano bang nangyayari dito kay Messiah? I can see that he's now slowly changing at palagi ko na rin nakikita na nagagalit siya. Para ba itong nagiging katulad na rin nina Isaac at Eli.

"Ano ba 'yang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Aiden cooked for you, right? Sarap na sarap ka pa nga sa luto niya, e." Sarkastiko niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko.

Ano? Nai-insecure ba siya dahil pinagluto ako ni Aiden nung time na nagpapagaling ako? Kaya ba pinagluto niya ako ngayon?

Si Messiah Avenido ay mai-insecure sa ibang tao?

"Ah, so nakikipagkumpitensya ka sa kanya?" Tanong ko.

Tinitigan niya lang ako ng masama at nagsimula na itong magsalin ng juice sa baso at ininom niya iyon.

Dahil may nakahanda na ngang pagkain sa harapan ko ay kakainin ko nalang ito. Masamang tumanggi sa grasya at nag-effort pa talagang magluto si Messiah ng mga paborito kong pagkain kaya inumpisahan ko na itong kainin.

He's really good at cooking at masarap ang lahat ng mga niluto niya. Mga paborito ko pa iyon. Inalam kaya niya ang mga pagkaing gusto ko o nagkataon lang ito? Iyong cupcakes na binake niya sa akin at maging pati na rin 'yung Wintermelon milktea ay paborito ko rin iyon.

May alam ba talaga siya tungkol sa akin? Pero ayoko namang mag-assume dahil ang isang Messiah Avenido na walang pakialam sa nararamdaman ko noon ay imposibleng alamin ang tungkol sa mga hilig at paborito ko.

"Eat,"

Pilit pang isinusubo sa akin ni Messiah ang kutsara na may lamang kanin at pork adobo.

Umiling ako pero nanatili pa rin iyong nakatapat sa bibig ko kaya no choice ako kundi isubo nalang iyon. Nasundan pa ng ilang beses ang pagpapakain niya sa akin at kahit hiyang-hiya na ako sa ginagawa niya at ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko ay hinayaan ko nalang siya. Ayaw niyang magpapigil at kahit ano pang suway ang gawin kong itigil niya ang ginagawa niya ay hindi naman siya makikinig sa akin.

Pagkatapos niya akong pakainin at ni hindi naman siya kumain ay hinila niya ako papunta sa living room ng condo unit niya at sinabi nitong manood raw kami ng movie. Dahil yata sa wala na akong lakas para makipagtalo sa isang hard headed na katulad niya ay tumango nalang ako at sumandal sa sofa.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now