Chapter 34

6.6K 188 70
                                    

Scar

We slept beside our son after that intimate conversation. Hindi na ako nagtaka nang maganda ang gising ko kinabukasan. Tulog pa ang mag-ama ko nang bumangon ako. I smiled when I opened the white curtains and the vibrant view of the beach front welcomed my eyes.

Naligo ako at nagbihis ng yellow spaghetti strap sundress at white strappy sandals. Isang ngiti muli ang sumilay sa aking labi nang sinulyapan ang dalawa na sobrang himbing pa ng tulog. The duvet craddled on Julius' legs while his son's legs were all over his chest. Lumabas ako ng kwarto para tignan kung may nakahanda na bang umagahan.

Mas maaliwalas sa labas dahil tagusan ang sinag ng araw. Naroon na sa kusina si Manang Rosa, nagluluto ng umagahan. Pumasok ako sa kusina. There's really something about this island that makes me feel so raw. Here, I am at my simplest state. I am so carefree.

"O, gising ka na pala! Inaasahan kong matagal pa ang gising niyo dahil late na rin kagabi. Nasaan na ang dalawa?" magiliw na sinabi ni Manang.

"Good morning. Tulog pa po ang mag-ama ko."

Ngumiti si Manang Rosa sa akin. Umupo ako at hinilig ang dalawang siko sa round table nang nilapagan ni Manang ng kape. Malaki ang ngiti niya sa akin.

"Thank you."

"Ngayon ko na lang ulit nakita si Julio na ngumiti nang ganyan. Noong mga nakaraang taon kasi, palaging seryoso. Dati naman pilyo 'yan."

I sipped on my coffee while listening to her. Unsurprisingly, I am so engrossed with any stories about for the past six years.

"Sana magkalinawagan na kayo. Bagay na bagay kayong dalawa. Ngayon ko lang nakitang ganoon si Julio. Babaero ang isang 'yon pero ibang-iba ang titig niya sa 'yo."

Napanguso ako.

"E, ano na ba ang lagay niyong dalawa?" pahisterya siyang humagikhik.

Hindi ako nakasagot. We share the same feelings but I admit that the hesitation is still there. Kung siya, sigurado na at walang pag-aalinlangan. Ako, natatakot pa para sa sarili. Maybe my rough experiences all those years ago made me more careful. I don't think I can ever afford a broken heart again.

"Hay naku! Napakabagal naman ng batang 'yon! Sa bagay, kakapagkita niyo pa lang ulit, hindi ba?"

I nodded. She smiled more.

Nilingon niya ako habang patuloy siya sa pagluto. I glanced at the beach. The pristine waters are calling me for a swim.

"Mag-isa ka bang nagpalaki roon sa bata?"

Napalingon ulit ako kay Manang. "Hindi naman po. Kasama ko po ang pamilya ko. But... of course, motherly care is still different."

"Ang tibay mo palang babae! Ako kaagapay ko na ang asawa ko, hirap na akong palakihin 'yang dalaga ko. Ikaw, wala si Julio sa tabi mo pero kinaya mo. Oo't naroon ang pamilya mo pero iba pa rin kapag 'yong ama ng bata ang kasama! Matibay kang babae!"

I smiled. That feels so rewarding to hear.

"Kahit pa anong sabihin, iba pa rin talaga ang bigat ng responsibilidad ng isang ina. Ang ama, kapag nagtatrabaho nang maayos at nasusustentuhan ang pamilya, mabuting ama na. Ang babae... emosyon, aruga, oras, lahat na! At sasabihan ka pa ring hindi ka mabuting ina."

Naibaba ko ang tasa ng kape ko. I remember one great lesson I've learned from my journey of motherhood. It is that a mother's love is not perfect, but it learns.

I try my best everyday to be a good mother to my son. But there are still times when I feel like I am not doing enough. How much more should a mother, a woman, give to her child to be called a good mother?

Dulling Glisters of the Diamond (Casa Fuego Series #5)Where stories live. Discover now