Chapter 2

8.2K 237 54
                                    

Island

Mariin pa rin ang tingin ko habang sinusundan ng tingin si Julio na kinakausap ang dalawa sa kanyang mga tauhan. Iba ang uniporme ng dalawang lalaki kaya tingin ko, mataas din ang ranggo nila. Nang bahagyang sumulyap si Julio sa aking banda ay napaubo ako at napaayos ng upo.

Inalala ko ang mga nangyari kanina. I shivered when I recalled my outburst. I lost my poise in there. I am known as a stoic and silent person, and it is once in a blue moon that I ever lose control like that. Palagi akong walang emosyon, blanko lang ang ekspresyon at malamig ang mga mata. Hindi rin ako palasalita at laging taas-noo kaya ang pagsisigaw ko kanina ay bagong-bago sa aking pakiramdam.

I understand myself, though. I was confused and anxious and terrified all at the same time so my reaction was reasonable. Pero ngayong humupa na ang nararamdaman ko, tuwid na akong nakaupo at walang imik, gaya ng madalas.

Naalala ko ang pagsabog ng nararamdaman ko kanina. I was almost hysterical but I understand myself. And I must admit... that it felt so good. To burst like that felt so good. It felt like I have been trying to keep my feelings all for myself and when I finally let it out, it lightened somehow.

"Kumain na po kayo, Ma'am..."

Pinanuoran ko si Manang Rosa na ilapag ang mga pagkain sa harapan ko. Nang tinignan ko iyon, saka pa lang ako nakaramdam ng gutom. Tanghali na at kanina pa si Julius sa beach front, kung hindi may kausap sa cellphone, kausap naman ang mga tauhan niya.

The mid-40s woman smiled at me. I did not smile back and dropped my eyes on the food. Agad siyang lumapit at umambang lalagyan ako ng pagkain, katulad ng nakagawian ko sa mansion pero nagtaas ako ng kamay.

"I can do it," I said in a cold tone.

Umawang ang kanyang labi at napakurap-kurap. Alam ko na agad kung bakit. They really get surprised with my deep and cold voice.

"Hindi ba sasabay si Julius sa pagkain? O ang mga tauhan?"

Pinanuoran niya akong maglagay ng kakarampot na kanin. I took some grilled pork and sliced it with the fork and knife. Tuwid ang upo ko at ang mga kilos ay pino, malayo sa nagwawalang Grecianna kanina.

"Maya-maya pa ho siguro sila, Ma'am. Maraming tumatawag kay Sir Julio dahil dapat talaga ay nasa Singapore siya ngayon para sa isang business venture."

Natigilan ako sa pagsubo. I glanced at Julio who was still busy on his phone while walking back and forth in the beach front. Nakapamewang siya habang ang isang kamay ay nasa tainga.

"Hmm," tango ko.

"Gusto niyo ho bang ipatawag ko si Sir Julio para sabayan kayo sa pagkain-"

"No need," maagap kong putol.

Tumango siya at bahagyang humakbang paatras. Pumasok siya sa kitchen kaya naiwan akong mag-isa.

The spacious villa looks vibrant and cozy. Kakaunti ang mga dekorasyon, at ang mga furniture ay madalas kawayan. Tagusan din ang hangin at sinag ng araw kaya mas lalong nakakalma, tipong aantukin na sa sarap ng pakiramdam ng mabinhing hanging-dagat. The sound of the waves crashing on the white sand can be heard from here.

We own a resthouse in Davao too but we rarely go there. Wala sa aming pamilya ang mahilig sa beach dahil laki kami sa hacienda. Ngayong narito ako at pinagmamasdan ang tanawin, parang may kung anong kumalma sa kalooban ko. I realized change of environment is good every now and then.

Tahimik akong kumakain. May mga unipormadong lalaki na nasa gilid ng villa, nakatayo lamang at diretso ang tingin sa harap. Ang mga lalaki sa beach front ay iba ang uniporme sa kanila. Naglalakad-lakad pa sa tabing-dagat.

Dulling Glisters of the Diamond (Casa Fuego Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon