Chapter 33

7.2K 205 55
                                    

You

Needless to say, I agreed. Hindi ko pwedeng ipagkait sa kanya 'yon lalo na't ito ang unang kaarawan niya kasama ang anak ko. While he invited me as well, I'd like to think that I will be going along just because my son needs me there.

Buong araw nakasimangot si Papa kinabukasan. I explained to him why I agreed to live in Julius' penthouse. Wala akong ibang rason kundi para samahan lang ang anak ko. At the back of my mind, I am so thrilled. But if I am being rational, I am just there to accompany my son. Ilang taon ang nawala sa kanila kaya naiintindihan ko kung sabik si Julius sa oras kasama ang anak ko.

Pero sino ba ang niloloko ko? Deep inside me, I feel so thrilled! Kaya nga hindi na ako mapakali nang bumukas na ang elevator at bumungad ang living room niya.

"Wow! New house!" nagtatalon si Javion papasok.

Tumawa si Julius at sinundan siya dahil nagtatakbo na kung saan. Narito na ang mga gamit namin dahil pinadala niya sa mga tauhan niya. Tumingala ako at pinasadahan ng tingin ang kanyang tirahan. The interiors was manly. The color palette played with gray, black, and white. Wala masyadong mga gamit at mga dekorasyon. Malinis at maaliwalas pa ring tignan kahit ganoon ang mga kulay.

Tumingala ako sa high ceiling. Tanaw doon ang second floor kung nasaan ng kwarto niya. May balkonahe rin at kitang-kita ang kalakhan ng siyudad. I gasped when I realized this is real. We are living here! Hindi naman permanente. But I wonder how long? Will he ever get satisfied with his time with Javion? When are we going to move out?

Nilingon ako ni Julius. He smiled at me.

"Your clothes are already in my closet. Your things are also in my bathroom now-"

"Akala ko ba sa guestroom ako matutulog?"

Ngumuso siya. "Oh. Right."

My heart pounded.

"Hindi kakasya ang mga damit mo sa closet sa guestroom kaya pwede ka namang pumasok na lang-"

"Why? Gaano ba karaming damit ang ipinagayak mo at hindi magkakasya? Hindi naman kami rito titira! Pansamantala lang gayung alam kong sabik ka sa anak mo."

His lips twisted, amused.

"You have no plans going back to Australia for a while, right? You can... stay here for as long as you like..."

"I can afford my own place, thank you very much. Pumayag lang akong dito muna kami titira dahil naiintindihan kong ilang taon ang nawala sa inyo ni Jav. That's all."

Kumunot ang noo ko nang nagpigil muli siya ng ngiti.

"Alright, then..." mabagal niyang sinabi.

"Mama, look! Papa has real guns displayed, too!" turo ni Jav sa mga baril sa dingding.

Ngumiti ako at lumapit sa anak ko. Nakatingala siya sa mga baril kaya binuhat ko siya. His eyes widened in awe. Nilingon niya ang Papa niyang nakapamewang na nanunuod sa amin sa likod, may multo ng ngiti ang labi at nakatagilid ang ulo.

"This is your house, Papa?"

"Yes, big boy. You like it?"

Tumango ang anak ko. Inakbay niya ang kanyang braso sa aking leeg.

"You live alone here, Papa?"

"Yes," ngumuso siya.

"Mama, Papa lives alone here. Let's just live here..." bulong ng anak kong dinig naman ng ama niya.

Nagkatinginan kami ni Julius.

"W-We're going to stay here for a while, Jav," hilaw kong ngiti.

"Really? We'll live here now?"

Dulling Glisters of the Diamond (Casa Fuego Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon