CHAPTER 13

47 3 0
                                    

A/N: Heto na!!! The long wait is over. Pasensya na po sa sobrang tagal. Busy lang po talaga. Belated Merry Christmas!! Sa mga pwedeng may Christmas. susubukan ko pong dugtungan agad para Po di kayo mabitin ng sobra.

*Expect the typos and grammars:)*

Lola

Lester's POV

Kadarating ko lang sa Bahay ni Lola at naabutan ko Siya sa lagi niyang pinagtatambayan, which is sa tabi ng pinto. Tinawag ko Siya at tumakbo ako palapit sa kanya para mayakap Siya. Namimiss ko na kasi Siya eh.

"Lola! Namiss po kita." Sabi ko, agad naman siyang tumugon sa yakap ko at sinabing "namiss din kita apo." Pag katapos niyang sabihin yun ay nagbitaw na kami sa yakap, at sinabihan niya akong maupo sa tabi niya.

Nahihiya ako sa kanya dahil hindi man lang ako nakabili ng pasalubong sa kaniya dahil walang ibang nasa isip ko kundi yung nangyari kanina sa school. Lutang! Yawa first kiss ko yun!

"Apo, magkwento ka naman ng ganap sa bago mong school. Maganda naman ba doon? Noong pumunta ka kasi Dito ay di ka nagkwento." Sabi ni lola na nagpabalik sakin sa reyalidad. Sasagot na sana ako ng bigla siyang tumayo at nag salita. "Oh, Denden! Nandiyan ka na pala! Halika at ipapakilala kita sa apo ko! Bakit naman hindi ka pumunta last week? Namiss tuloy kita." Sunod-sunod na Tanong at sabi ni lola. "Medyo naging busy lang po. Kamusta po kayo?" Sagot nung tinawag ni lolang Denden.

Teka? Parang pamilyar yung Denden? Parang narinig ko na yun somewhere ha?

"Ayos lang ako apo, Ikaw ba kamusta ka na? Kumain ka na ba? Halika na sa loob at paghahainan kita ng makakain mo, sabay na kayo ng apo ko, Kadadating lang din niya eh." Sabi ni lola at tumayo. Tinignan ko kung sino yung lalaking dumating, nanlamig yung likod ko ng makitang si Wyatt Yun at papalapit. Wala akong ibang nagawa kundi ang yumoko at sana Hindi niya ako makilala.

"L-lester?" Yawa! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

Dahan dahan kong tinaas ang ulo ko at tinignan Siya. "B-bakit?" Tanong ko. "What are you doing here? I mean, Ikaw yung apo ni lola?" Tanong niya pabalik. " 'Di ba obvious?" Tanong ko ulit pabalik sa kanya at nagpamewang. Natawa naman siya sa inasta ko.

Tatarayan ko pa sana Siya pero tinawag na kami ni lola. "Denden! Lester! Hali na kayo nakahanda na Ang mga pagkain niyo!" Kaya naman dali dali akong pumasok sa loob at nag paunang umupo. Sumunod naman si Wyatt at nagmano Kay lola sabay inabot ang bitbit niyang pasalubong.

Buti pa Siya nakabili ng pasalubong para Kay lola. Sana all!

Umupo na si Wyatt sa harapan ko at nginitian ako ng pagkalapad lapad. Inirapan ko na lang Siya dahil mukha siyang manyak sa ngiti niya. Char! Ang gwapo niya talaga sa ngiti niyang Yun, ayoko lang magpahalata dahil alam kong aasarin na naman niya ako. "Kaya pala naagaw ng atensyon ko yung muffin kanina Kasi may pagbibigyan pala ako. Buti na lang at binili ko Yun." Sabi niya dahilan para maglaway ako. Aso lang? "Anong gagawin ko?!" Pagtataray ko, pero deep inside kinikilig ako. Nagpipigil lang dahil mahangin tong kausap ko. Tumawa na lang Siya at tumayo, pumunta siyang lababo at naghugas ng kamay. "Ikaw, di ka ba maghuhugas ng kamay?" Tanong niya, oo nga no, di pa ako nakakapaghugas ng kamay? Dugyot! Lester Dugyot!

Tapos na kaming kumain at nagliligpit na ng pinagkainan, nagprisinta si Wyatt na siya na daw maghuhugas ng pinagkainan namin dahil nakakahiya daw Kay lola. Buti alam mo!

She's just a BoyishWhere stories live. Discover now