CHAPTER 3

199 16 4
                                    

*Expect the Typos and grammar:)*

Transferee.

Basti's POV

I'm still driving papuntang school. Habang yung dalawa sa likod panay ang tawanan, kwentuhan at asaran!

Tss! Hindi ko na sana pinayagan 'tong Ethan na 'to sumabay samin.

Expected ko kasi, dito siya uupo sa passenger seat. Pero ang loko, dumiretso sa backseat at di na ako pinansin. Balimbing!

"Tapos eto pa. HAHAHAHA, sabi ni mom kay Athena hindi daw siya bibilihan ng bagong bag kapag hindi siya pumayag na lagyan ng makapal na bangs! HAHAHA! Like, si twinny?! Mag papa-full bangs?! para lang sa bag na gusto niyang mabili?! HAHAHA di ko pa din makalimutan yon! Ang ending? Edi nag pa-full bangs siya! HAHAHAHA!" Tuwang tuwa eh! "Kaya ngayon si twinny, nasa America hindi na daw siya ulit magi-stay dito sa pinas. Kasi baka daw next time ipakalbo na siya ni mom. HAHAHA!"

Ganyan lang naman ang kwento ng magaling na si Alas Vergara. Eto namang si Lester tuwang-tuwa.

Pewss!

Nagmaneho na lang ako at pinabayaan na silang mag-kwentuhan. Kung tutuusin mas ok 'to. Dahil kahit papano may bagong kaibigan na si Lester. Medyo Makakalimutan na niya yung mga taga probinsya.

In short di siya malulungkot kahit na wala siya doon.

Lester's POV

Kwela din pala kachikahan tong si Ethan eh! Di ka maboboring. Andaming baong jokes at chika!

"Andito na tayo. Bumaba na kayo diyan! Ginawa niyo pa akong driver! Tss!" Sabi ni Basti kaya nahinto kami sa pag-kekwentuhan. "Ay, di ko napansin! HAHA andami ko kasing kinukwento eh!" Si Ethan at bumaba na sa kotse. Hinintay niya muna ako makababa at siya na ang nagsara ng pinto.
Nayswan! Gentleman. Hihi! Kwass na kita!

"Ahm, Lest? Halika't ito-tour na kita dito." Sabi ni Basti at bumaling naman kay Ethan. "Ikaw! Pumasok ka na sa room at bitbitin mo tong mga gamit ko!" Sabi niya at hinagis kay Ethan ang bag niya. "Hoy! Sama ako! Ikaw na magbitbit niyang bag mo! Ano ka? May nakuhang utusan?! Tsaka tignan mo oh! Masakit pa yung sugat ko!" Sabi ni Ethan na tinuturo ang tagiliran niyang may sugat.

Ano kaya nangyari diyan.

"Tss! Sige na nga tara na!" Si Basti yan. Na Halos mabura na yung pagitan ng kilay niya sa sobrang inis.

"LJ! Ako na mag bubuhat ng bag mo." Si Ethan at naka-hawak na sa suot kong bag. "Ay nako, wag na! Di ba masakit yung sugat mo? Baka mapano ka pa niyan eh." Sabi ko habang nag pipigil ng kilig.

Pano ko ba idi-describe si Ethan? Matangkad, medyo may kalakihan ang katawan, feel ko meron siyang six pack! Palaman na lang kulang! may pagka-wavy ang kulay brown na buhok. Sakto lang yung gupit, matangos na ilong, mapupungay at kulay brown na mata, pilik matang mahaba, may makapal na kilay na bumagay sa pula niyang labi at gwapong mukha, at higit sa lahat! Ang maputi at makinis niyang kutis! Sana all! Sa ugali naman? Masasabi kong, may sense of humor, friendly mabait at gentleman. Oh diba? Complete package?!

She's just a BoyishWhere stories live. Discover now