CHAPTER 4

199 15 15
                                    

*Expect the Typos and grammar:)*

Swivel Chair.

Lester's POV

Andito kami ngayon sa computer lab. In fairness! Anlaki ng room na to. Meron daw kasi kaming activity ngayon sa subject na ICT.

Gagamit daw kami ng adobo? Adabe? Basta! Malapit sa salitang yan!

Pinapili na kami ng upuan at pinili ko yung sa likod. Pa-letter 'U' kasi ang ganap ng mga upuan dito. Sumunod naman sakin yung tatlo.pinagitnaan ako ni Lucy at Axl. "Pakopya ako ha! Di ko alam gagawin eh." Si Axl habang nakanguso pa. Ay! Di ka nag-iisa! Di ko din alam gagawin. Tinignan ko yung kambal at seryoso lang silang dalawa. May pag-kakataon na mag-titinginan tapos biglang mag-iirapan. Problema ng mga to?

Habang nangangalikot sa computer, bigla na lang tumaas yung inuupuan kong swivel. Tinignan ko si Axl pero mukha namang seryoso sa ginagawa niya. Binaba ko na lang.

Ise-save ko na yung gawa ko, nang bigla na namang tumaas yung upuan ko. Sinilip ko si Axl, mukhang hindi naman siya, dahil busy sa paglalaro ng dinosaur sa desktop niya.

Di kaya may multo dito?!

Binaba ko na lang ulit at.... Nakakapuno na! Tinignan ko ng masama si Axl. Mukhang napansin naman niya yon at lumingon sakin. "Bakit?" Tanong niya. "Anong bakit?! Kanina mo pa kaya tinataas yung swivel na inuupuan ko!" Tumawa na lang siya at nag-peace sign.

Lumabas yung teacher namin. Kaya ang ending? Wala kaming bantay. Nag-umpisa ng magbangayan yung kambal. Tinignan ko si Axl para sana mag tanong. Pero nag kibit-balikat lang siya. Dineadma ko na lang at pinanuod si Axl kung pano niya paikot-ikutin yung sarili niya sa bilog na swivel chair.

Nainggit naman ako kaya ginaya ko siya. Inikot ko na din yung sarili ko nang biglang tumaas yon at gagi! Tumilapon ako. Una mukha ang sakit!

Tinignan ko ng masama ang walang hiyang Axl pero tinatawanan lang niya ko! "Tulungan mo kaya ako dito?!" Sigaw ko. Pero tuloy pa din siya sa pagtawa. "Bakit mo ba kasi hinahalikan yung sahig? Kunwari ka pang nagpapa-ikot diyan ng upuan pero yung totoo gusto mo lang talagang halikan yung sahig. Halika na nga! Tulungan na kita! HAHAHAHA!" Sabi niya habang inaabot yung kamay ko.

Tinignan ko lang siya ng masama at tumawa na naman! Nagsalamin ako gamit yung screen ng cellphone ko.

Mukhang nabangasan ako ha?!

Namumula na kasi yung nguso ko at may gasgas yung maganda kong mukha. Huhuness! Ang sakit! Mas masakit pa sa break-up!

Kakaltukan ko na sana siya pero biglang bumukas yung pinto. At niluwa ang isang magandang nilalang. Dumiretso siya sa harap at hindi manlang sinarado yung pinto. Yung aircon tumatakas!

Napunta ang atensiyon ng mga kaklase ko doon sa babae. Syempre kasama na ko don. "Good day everyone! Anong section kayo?" Tanong ni ate. Sumenyas na lang yung kaklase namin ng lima sa kamay. "So, hello section 5a! Ako si Beatrice from 1a! Meron lang akong gustong sabihin." Sabi niya at nakangiti pa ng malapad. Pa-cute! "Iimbitahan sana namin kayo na manood ng debate namin. Si Mike Sebastian Arcadia ang sasalang. At 2a naman ang kalaban ng section namin. Sana suportahan niyo si Basti ha. 50% kasi ng scoring eh galing sa audience. Punta kayo ha? Bago mag-lunch yon sa auditorium. Wala naman ng klase dahil may meeting yung mga teacher kaya sana makapunta kayo." Sabi niya at lumabas na.

She's just a BoyishWhere stories live. Discover now