CHAPTER 2

251 19 3
                                    


*Expect the Typos and grammar:)*

Friend Request.

Lester's POV

Nandito na ako ngayon sa harap ng gate ng school. Nagdadalawang isip kung papasok ba ako o uuwi na lang, dahil ayoko pa ring makita si Alex, at baka masapak ko na siya. Pero dahil nandito na ko, papasok na ko.

Pagpasok ko, wala namang pinagbago, ganon pa din. Tinitignan pa din ako ng mga estudyante, at biglang yuyuko. Di ko din naman sila masisisi dahil takot silang lahat sakin. Sino ba namang hindi? eh, ako lang naman ang pinaka saksakan ng gulo at basagulera dito sa school na to.

"Oh, Lester? Bakit ka pa pumasok?" Si Liza, isa sa mga lagi kong kasama dito sa loob ng school. Hindi ko siya kaibigan, dahil alam ko namang di din niya ko tinuturing na ganon. Kungbaga, magkakilala lang kami. "Bakit hindi ako papasok? Ano bang nangyari?" Tanong ko na ipinagtaka niya. "Ha? Eh, di mo ba alam na nagpadala ang guidance ng letter of expulsion sa bahay niyo kahapon?" Taka ko siyang tinignan dahil sa sinabi niyang yon. Ako mae-expelled? Bakit may nagawa ba kong kasalanan?

Sheteeee! Oo nga pala! Yung Yuriko siguro!

"Pero, sige. Dahil nandito ka na, kausapin mo na lang si ma'am Trinidad baka magkalinawan kayong dalawa." Sabi niya. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang guidance office.

Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng office at dire-diretsong binuksan ang pinto at pumasok. Hindi na ako kumatok dahil tinatamad ako, at dahil wala naman akong pakialam kung pagalitan niya ako.

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at tinanong na kagad ang nabalitaan ko. "Ma'am? Ano po yung narinig ko sa labas na expulsion? Bakit niyo pa ako ginagawaran non? Did I do something wrong?" Sunod-sunod kong tanong. Umismid lamang siya at tumawa. "Did you do something wrong? Tanong ba iyan, Miss Vergel? Kasi kung oo, dapat alam mo na ang sagot mo diyan." Nakangisi niyang sabi. "Eh, ma'am wala naman akong ginawa this past few weeks ha? Pero bakit niyo ko ie-expelled?!" Naiirita na ko ha! Kung di lang 'to matanda baka nasapak ko na 'to. "Seryoso ka ba, miss Vergel? Tska past few weeks ba kamo? Nakalimutan mo na bang kakaumpisa lang ng klase this school year?" Sabi niya na nakataas pa ang kilay. Ahitin ko kilay mo eh!

"Kung hindi mo nga alam ang ginawa mo, let me tell you this. Yuriko Yamamoto. Alam mo na siguro? Kung hindi pa din, pumunta dito yung parents ni Ms. Yuriko at sinabing si Lester Jane Vergel daw! It's you! Ay sinuntok ang ilong ng kanilang one and only daughter. At gusto nilang ma-expelled ka na agad. Didn't you know that Yuriko Yamamoto is one of our valuable student. Hindi lang dahil matalino at talented siya. Magulang lang naman niya ang tumulong sa gastusin sa pagpapatayo ng new building dito sa school. Kaya kasalan mo kapag nagback out sila." Hindi na ko nagulat. Eh, siya lang naman yung nabangasan ko last week. Pero grabe naman, ganon na ba talaga kasama yung ginawa ko?

Boba! Dumugo nga yung ilong diba?!

Eto pa isang problema dito sa eskwelahan na 'to eh! Basta may pera, VALUABLE agad tingin nila. Mga mukha kayong pera! Awit sainyo!

She's just a BoyishWhere stories live. Discover now