CHAPTER 8

121 14 6
                                    

*Expect the Typos and grammar:)*

Prank.

Lester's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, at kasalukuyang gumagawa ng homework. Ako lang mag-isa dito sa Bahay dahil may aasikasuhin daw sila tita sa company nila at si Basti naman ay pumunta sa classmate niya, may project daw silang gagawin.

Nakatutok ako sa mga notes ko nang biglang may kumalabog. "Anak! Tumakbo ka na! Nandiyan na sila, baka mapahamak ka! Tumakas ka na!" Teka? Boses ni dad yon ah? Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Pag labas ko, wala akong makita kundi puro itim, nababalot ng kadiliman ang paligid. Binalot ako bigla ng takot kaya naman sinubukan kong tawagin si dad. "Dad! Asan po kayo? Nandito po ako!" Sigaw ko pero wala na akong narinig mula sa kanya. Kaya naman naglakad na lang ako kahit wala akong makita. "Anak! Takbo!" Sigaw ni dad. "Asan po kayo?! Dad!" Sigaw ko.

Bang! Bang! Bang!

Napaiktad ako sa kinahihigaan ko ng mapagtantong panaginip lang pala yon.

Panaginip nanaman!

Nang makabawi sa kabang nararamdaman ko, tinignan ko ang orasan ko at sakto namang nag alarm 'to. Alas 5 na pala. Kailangan ko na maghilamos at bumaba. Nag-inat ako sandali at tuluyan nang tumayo sa kama. Dumiretso ako sa cr at ginawa ang morning routine ko.

Natapos ako sa paghihilamos at lumakad na palapit ng pinto. Napatigil ako ng maalala ko yung panaginip ko. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya bumalik ako sa kama at naupo. Hihintayin ko na lang sigurong mag 5:30 at maliligo na.

Ganon nga ang ginawa ko at hinintay mag 5:30. Nagce-cellphone ako nang may mag pop-up na notification sakin. Tinignan ko iyon at messenger ko pala.

Bullet Dwayne Williams sent you a message request.

Good Morning! Nakapag-paalam na ako kanila tita Olivia na susunduin kita diyan. I think mga 5:45 nandiyan na ako sainyo.

Ps. Pa-accept naman ng friend request ko sayo. Thankyou!

Si Bullet pala yon kaya naman agad akong nag-reply.

Me: Good Morning din Kamatis! Oksi! wait kita here. Ingat sa biyahe! Sige ia-accept kita.

Bullet: Thankyou Kamote!😍🥰

Di na ako nag-reply pa at natawa na lang dahil sa emoji niya. Para kasing tanga! Tinignan ko ang facebook ko dahil ia-accept ko siya. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko na agad ito.

Bullet Dwayne Williams, sent you a friend request. Accept     Decline

In-accept ko ito gaya ng sinabi niya.

Pipindutin ko na sana yung home button sa cellphone ko nang bigla akong may nakitang video. Kaya naman pinanood ko 'to.

Merong batang niloloko ng mga kapatid at magulang niya na hindi Siya nakikita, hanggang sa umiyak na lang yung bata dahil natatakot na siya. Hanggang sa napag-desisyunan nila na itaklob ulit yung kumot sa bata at Pag tanggal nito, nag panggap silang namangha nang makita nilang muli ang bata.

Ang galing! Ma-try nga 'to!

Nag-isip muna ako kung paano at kanino ko gagawin ang prank na iyon. At naisipan kong sa mga kaklase ko na lang, ikukuntiyaba ko si Bullet! For sure papayag yon. Mwuhahahahaha!

Natapos na ako sa pag-iisip ng plano at napagpasiyahang maligo na. Habang naliligo ako kumakanta ako. Nagbihis na ako Pag tapos maligo. Pag-labas ko ng banyo nagulat nanaman ako. "Ay million dreams! Nubayarn Basti! Lagi mo na lang akong ginugulat! Bakit ka ba nandito? Ano need mo?" Sabi ko pero nakakunot lang yung noo niya. "Ang sakit kasi sa tenga ng boses mo! Feel na feel mo pa! Nasa baba na yung sundo mo! Bilisan mo na, hinihintay ka na niya. Million dreams, million dreams ka pa diyang nalalaman!" Sabi niya at umirap. Loh? Bakla lang? Pero bigla akong nainis nang pumasok sa isip ko yung sinabi niyang masakit sa tenga yung boses ko. "Hoy! Anong masakit sa tenga yung boses ko?! Ang ganda kaya ng boses ko! Wag mo minamaliit 'to!" Sigaw ko sa kanya pero lumabas na Siya sa kwarto ko at di na ko nilingon. Kaya dineadma ko na lang, may tamang oras pa naman para makaganti sa kanya.

She's just a BoyishWhere stories live. Discover now