Chapter 5

24 4 0
                                    

Dedicated to: kittyclairy

~•~

Hindi ko na maalala ang huling araw na nakapunta ako dito sa akademya. Gaya pa rin ng dati, iilang mga gusali lamang ang nasa loob kung saan ginaganap ang kaunting mga talakayan, at isang malawak na espasyo sa gitna ng mga gusali na sa tantya ko'y nasa  kalahating hektarya ang lawak.

Nasa isang isla ang akademya, at ito na mismo ang nagsisilbing lugar ng pag-eensayo, ang buong isla mismo. May mga toldang para sa tulogan ng mga estudyante at may mga toldang para sa mga opisyal at mga guro sa bawat grupo: Commodore, Archers, Lochos, at Hoplites.

Kung tutuusin ay tila isang nayon lang ito sa unang tingin. Ngunit kapag ginaganap na ang ensayo, tila isa na itong lugar na may gyera. Maririnig ang kalansingan ng mga espada, ang pagbubuno ng mga estudyanteng Adalean, at ang sigawan nilang makapigtas-litid. Nagkalat rin ang mga patibong sa kagubatan na talaga namang hindi biro, na kung susubukan mong maglakad-lakad nang walang pag-iingat ay paniguradong ikakamatay mo.

Bitbit ang aking mga gamit, sumabay ako sa alon ng mga estudyanteng papasok sa kakahuyan kung saan ang daan patungo sa sentro ng akademya. Ang opisyal na aming kasama ay may kung anong sinasabi habang kami'y naglalakad. Ngunit nang dahil sa distansya sa pagitan namin, wala akong ibang narinig kundi ang tinig nitong hindi ko na maintindihan.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa pagkamanghang nasisilayan ko sa bawat mukha ng mga batang Adalean na walang kamalay-malay sa haharaping paghihirap sa akademya. Nalulungkot ako na sa murang edad nila'y kinakailangan nilang maranasan ang ganitong kalupit na batas ng Adalea. Pinagkaitan sila ng kalayaang mangarap ng gusto nilang maging paglaki.

Parang lahat ng narito sa aming bansa, ipinanganak lamang para sa iisang tadhana— ang maging mandirigma. Hinuhulma ang aming pagkatao ng batas na hindi namin lubos na maintindihan. Mga batas na pinagkakait ang pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan.

Kung hindi ako pumayag na pumalit kay Hatheros, baka iisa rin ang kapatid ko sa mga batang mawawalan ng layang mangarap. Ang alam ko'y pangarap niyang maglingkod sa palasyo ng Suprema bilang isang kusinero. Nasaksihan ko ang pagkasabik sa mga mata ng aking kapatid sa tuwing nababanggit nito ang kanyang mithiing maging isang mahusay na tagapagluto. At batid kong sa mga nakain ko nang niluto niya, may tinataglay siyang potensyal. Ngunit dahil sa batas, kinakailangan niyang matutong humawak ng sandata imbes na kutsilyong panluto.

"Tatlong daan at limampu't isa at iisang babae. Ikaw yata ang pang-anim ngayong taon."

Napaayos ako ng tayo nang may biglang magsalita sa likod ko. Sa dinami-rami ng estudyanteng nakakasabay ko, hindi ko malaman kung para kanino ang mga salitang iyon. Hindi ko na lamang iyon pinagtuonan ng pansin dahil baka hindi naman ako ang tinutukoy nito.

"Kinakausap kita," muling ani nito. Sa pagkakataong ito'y itinuon ko na ang paningin sa anghel na nagsalita na kasalukuyan ko na palang kasabay sa paglalakad.

Unang bagay na napansin ko sa kanya ay ang maputla nitong kutis. Nahahati rin ang kulay ng pakpak nito sa puti at pula, isang nakakapagtakang katangiang tinataglay ng isang Adalean, o duda akong isang purong Adalean.

Base sa suot nitong baluting kulay tanso at may itim na krus sa likuran, isa siyang kawal na may mababang rango. Kadalasan ay mga tagabantay lang ng mga hangganan ng akademya na kung tawagin ay mga "Imus".

Nahahati sa tatlong rango ang mga kawal dito sa akademya, sa pagkakaalala ko. Ang mga may suot na baluti nang gaya ng sa katabi ko ay ang pinakamababa. Ang sumunod ay ang mga nakasuot ng baluting kulay pilak at may itim na krus din sa likuran. Tinatawag silang "Chordus". Madalas nakikita silang pagala-gala sa akademya at minsan ay nakakasama sa ensayo bilang kalaban ng mga estudyante.

ADALEA ACADEMY: School For Warrior AngelsWhere stories live. Discover now