CHAPTER 16: I WANT HIM BACK

5K 117 28
                                    

"Ge! Huy Ge gising na..." Bahagyang napakislot si Gerald ng maramdaman niya ang pagugyog sa kanya ni Sarah. Naalimpungatan siya kaya't dali dali siyang napabangon.

"Uwi na tayo baka hindi natin maabutan sina Mamang sa bahay.. baka makaalis na yung mga yun." wika ni Sarah sa kanya.

"Oo nga pala!' tugon ng binata habang kinukusot kusot ang kanyang mata.

Kahit inaantok pa ay tumayo na siya at inumpisahan ng baklasin ang tent. Si Sarah naman ay itinupi na ang mga jacket at kumot nila.

"Hindi ko namalayang nakatulog na pala tayo kagabi..."

"Oo nga eh.. nag-enjoy ka ba?" tanong ng binata.

"Oo naman.. the best!" nakangiting tugon ni Sarah.

Napapangiting nilapitan siya ni Gerald.

"Im glad nag-enjoy ka..." inilapit nito ang mukha sa kanya.

Ang buong akala ni Sarah ay hahalikan na naman siya nito kung kaya't marahan siyang napapikit, ngunit laking dismayaniya ng kinuha lang pala nito sa kanya ang hawak hawak niyang kumot. Nang magmulat siya ng mata ay nakangisi ang binata sa kanya. Awtomatikong nagkulay kamatis tuloy ang mukha niya, tumalikod siya dito upang maikubli ang kanyang pagkahiya.

Sasakay na sana si Sarah sa pickup ngunit naramdaman niya ang kamay ni Gerald sa kanyang braso. 

"Not so fast young lady..." pigil nito sa kanya.

"Ha? Ba----'

Hindi na siya nakapagsalita ng bigla siya nitong halikan sa labi. It was a 3 second kiss... 3 seconds ngunit napakaraming emosyon ang binigay kay Sarah. Nagdulot iyon sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Parang biglang nanghina ang kanyang katawan at napunta lahat ang kanyang lakas sa kanyang dibdib. Bigla kasing bumilis ang tibok ng kanyang puso while her stomach felt like there were butterflies in it. 

"Good morning.." nakangiting bati nito sa kanya ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"I-ikaw naman Gerald... palagi mo na lang akong ginugulat eh..." namumulang anang dalaga dito.

"Im sorry... diko lang talaga mapigilan... you're so beautiful...' sagot ni Gerald habang hinahawi ang buhok na tumatabing sa mukha ng dalaga.

"Shut up!" namumula at natatawang saway ni Sarah dito.

"What?! Totoo naman yung sinasabi ko.. you are so beautiful to me..." kinanta pa ng binata ang huling katagang sinabi nito kaya't lalong natawa si Sarah.

"Kasi naman eh!! Tama na!" hiyang hiyang hampas ng dalaga kay Gerald.

"Bakit ba ayaw mong maniwala na maganda ka?" pangungulit ng binata.

"Wala akong naririnig.. lalalalalala..." nagbibingi-bingihan na anas ni Sarah habang hindi tumitingin kay Ge.

"Hay nako.. ikaw talaga... halika na nga Ms.Beautiful.. uwi na tayo." pumwesto ang binata sa likuran ni Sarah. Inilagay niyya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bewang ng dalaga at iginiya na ito patungo sa sasakyan. Ngingiti ngiti lamang si Sarah habang naglalakad sila.

Pagdating nila sa bahay ay nadatnan nilang nagkakarga na ng mga gamit sa sasakyan ang mga kasambahay. Magkahawak kamay silang pumasok sa loob.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon