CHAPTER 9: LET'S GIVE THEM WHAT THEY WANT, BABE!

4.7K 84 28
                                    

"Are you ok?" tanong ni Gerald kay Sarah nang mapansin niyang tahimik lamang itong nakatayo sa isang sulok ng kwarto.

Kalalabas lamang ni Mommy Vangie at Mamang Minda kaya't dalawa na lamang sila doon.

"Anong gagawin natin ngayon?' nakasimangot na tanong ng dalaga.

"Wh-what do you mean?"

"I mean paano to ngayon? Hindi ba pwedeng mag-hotel na lang ako o kaya doon na lang ako makitulog sa mga pinsan mo kasama ng mga girlfriends nila?" napapakamot sa ulong wika ng dalaga.

"C'mon Sarah, gusto mo bang magtaka sila? Saka di ka papayagan nila Mommy na aalis ka dito sa bahay. Huwag kang mag-alala... You're safe with me, diyan ka na sa kama dito ako sa sahig." sagot ni Gerald habang ina-unpack ang laman ng kanyang suitcase.

"Siguraduhin mo lang Sir Gerald ha!" babala ni Sarah.

Tumingin naman sa kanya ang binata at nginitian siya.

"Sigurado ako Ms.Sarah Santillan kaya pwede ba? relax ka na... Magpahinga ka diyan at mamaya na ang party."

"Saan ba gaganapin ang party? Bakit wala naman akong napansin na nag-aayos sa baba?" tanong ng dalaga na umupo sa kama at nagumpisa na ding mag-unload ng mga gamit niya.

"Hindi dito gaganapin ang bday ni Papang. Doon sa villa..." anito.

"Saan yun?"

"Doon sa resort, pupunta nga ako mamaya eh, sama ka?"

"Oo sige..."

"Ok.sige... unpack your things then we'll go..' utos ng binata.

Inayos muna nila ang kanilang mga gamit. Nagbihis din si Sarah sapagkat naiinitan na siya sa kanyang pantalon. Dali dali siyang nagshower.

Paglabas niya sa banyo ay natigilan si Gerald ng makita siya. She was wearing a pink and turqouise above the knee length summer dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian. Her hair was tied up too. She looked simple, fresh and sexy.

"Ang init pala dito sa GenSan..." ani Sarah habang pinapaypayan ang sarili.

"Mas mainit kaya sa Maynila.. teka gusto mo ba buksan ko yung aircon?" tanong ni Gerald habang hindi makatingin sa dalaga.

"Huwag na aalis naman na tayo diba?"

"Oo nga pala..." tugon nito. Kapagkuwan ay humarap sa kanya ang binata. namaywang ito at bumuntong hininga. "Anyway Sarah... you look beautiful..."

He meant what he said. Paglabas pa lamang ng dalaga sa banyo ay yun na ang gusto niyang sabihin ngunit pinangunahan siya ng hiya, pero hindi rin siya nakatiis kaya't eto.. nasabi din niya.

Napangiti naman si Sarah nang marinig ang tinuran ng binata. Aminin man niya o hindi ay kinilig siya. Dinaan niya na lang sa biro ang pagsagot dito.

"Siyempre... girlfriend yata ako ng hindi basta bastang si Mr.Gerald Pereira!" nakangiting wika ni Sarah.

"Ha? sino yun? gwapo ba yun?" painosenteng tanong ng binata na ikinatawa ng dalaga.

"Asus... nagpapapuri..." humahalakhak na ani Sarah. 'Oo gwapo yun... marami ngang nagkakagusto dun eh." 

"Talaga? Hindi naman yata eh..." nangingiting wika nito.

"Oo kaya! Naku... halika na nga niloloko mo naman ako eh!" umiirap ngunit tumatawa ding yaya ng dalaga sa kanya.

Lumakad na papalapit sa kanya si Gerald, inilahad nito ang palad sa kanya.

"C'mon Babe... let's show them what they want to see..." nakangiting saad ni Ge.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon