CHAPTER 21: NO DISTANCE WHEN IT COMES TO LOVE

3.2K 87 27
                                    

TOK...TOK...TOK....

"Come in.." utos ni Gerald na hindi man lang nag-abalang sumulyap sa pinto. Busy siya sa mga binabasang dokumento. He has no spare time gawa ng biglang pag-alis ni Sarah. mayroon siyang bagong sekretarya ngunit hindi pa nito alam ang mga gagawin sapagkat itine-train pa lang ito ng isa sa mga empleyado.

"Bro! What the hell?!" kunot noong tanong ni Tyrone ng makapasok ito sa opisina ng pinsan. Awtomatikong napaangat ng tingin si Ge dito.

"Bro! May problema ba? napasugod ka?" tanong ng binata.

"Are you kidding me?! I was waiting for you at the jewellery store for two hours! Nakalimutan mo ba yung usapan natin?" inis na anang pinsan.

Saglit na napaisip si Gerald at pagkuwan ay napangiwi siya. He totally forgot na may usapan sila na Tyrone na magkikita sa isang jewellery shop upang magtingin ng engagement ring.

"Shit! Bro im sorry.. I really am sorry!" napatayo si Gerald at lumapit sa pinsan na napapailing na lang sa sobrang pagkadismaya.

"Tol ginagawa mo ng hobby ang pang-iinjan mo sa amin ah." nagtatampong saad ni Quintin.

"Bro im really sorry... sobrang pressured lang ako ngayon, hindi ako makaalis dahil sa dami ng trabaho."

"Pinapaalala ko lang sayo na meron kang mga tauhan.. Hindi ka nag-iisa sa kumpanyang ito. pwede kang mag-share ng trabaho.." sarkastikong anang pinsan na umupo sa mahabang sofa at nagdekwatro.

"Bro yun na nga ang problema ko eh.. hindi ako magkandaugaga kasi wala si Sarah. Yung bago kong secretary hindi pa alam ang gagawin." nakukunsuming umupo si Gerald sa kanyang swivel chair.

"What do you mean? Nasaan si Sarah?" kunot noong tanong ni Tyrone.

"Umuwi na sa kanila.." matamlay na sagot ng binata.

"Oh?! Hindi nga? Kelan pa? Bakit umuwi?" nagulat na tanong ng pinsan.

"Inatake sa puso yung Daddy niya.." tila wala sa sariling tugon ni Ge.

"Nako!" napapalatak na ani Tyrone. "So babalik pa ba siya dito?"

"I dont know Bro.. hindi ko pa nga siya natatawagan at na-stuck ako sa dami ng trabaho. I might call her later on.." naihilamos ng binata ang kanyang palad sa mukha dala ng kanyang pagod at pag-iisip kay Sarah.

"Bro papano kung ipakasal si Sarah doon sa lalaking pinagkakasundo sa kanya?" wala sa loob na naitanong ni Tyrone.

"Shut up! You're not helping!' singhal ni Gerald dito. Yun din ang isa pa niyang iniisip kahapon pa. What if buo pa rin ang loob ng mga magulang ng dalaga na ipakasal ito? Papano na siya? Papano na ang namumuong pagtitinginan nila?

"Just saying.." depensa ni Tyrone sa sarili.

Ahh!! He needs to do something! Hindi pwedeng tumunganga lamang siya sa Maynila at maghintay sa kung anuman ang maaaring mangyari. He needs an assurance!

"Im going to Cabanatuan.." buo ang loob na saad ni Gerald.

"What?! Ano naman ang gagawin mo doon? Mamaya magalit pa si Sarah sayo eh.. for sure pressured na yung tao tapos susundan mo pa doon." ani Tyrone.

"I need to see her... Kahit sandali lang.. I just need to talk to her." matatag na anang binata. Mamaya ay imi-meeting niya ang kanyang team. Mag-aasign siya ng pansamantalang magiging in charge sa opisina upang makaalis siya.

"bahala ka nga bro! So ano? hindi mo na talaga ako sasamahang bumili ng engagement ring? Labo mo talagang kausap." naiiling na wika ng pinsan.

"Bakit ba hindi ka kay Quintin magpasama?"

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon