CHAPTER 6: WHAT'S THIS WEIRD SIGNS & FEELINGS?

4.4K 90 26
                                    

Kinabukasan... Maaga pa lamang ay nasa opsina na si Sarah. Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit ni Gerald nang biglang pumasok ang binata.

"Ay goodmorning Sir!" masayang bati niya dito. Kinuha niya din ang kape nito na binili pa niya sa coffee shop sa tapat ng building nila. "Coffee Sir..." inabot niya dito ang plastic cup.

Takang inabot iyon ni Gerald at nakakunot ang noong umupo sa tapat ng desk nito.

"Where did you get this coffee?" tanong ng binata habang hinihigop ang umuusok na kape.

"Diyan lang Sir sa katapat na coffee shop... naisip ko lang baka nagsasawa na kayo sa timpla ko kaya ibinili ko naman kayo ng iba." nakangiting tugon ni Sarah habang inaayos ang mga folder na nakakalat.

Inilapag ni Gerald ang plastic cup at humarap na sa kanyang laptop.

"I still prefer your coffee..." kaswal na tugon nito.

Ikinagulat iyon ni Sarah kaya't napatingin siya dito. Lihim siyang napangiti at kinilig dahil sa sinabi nito. Lalo tuloy gumaan ang kanyang mood.

"Si Sir naman... nangbobola pa!" kinikilig na wika ng dalaga. Kunot noong napatingin lamang si Gerald sa kanya.

Kapagkuwan ay tumayo na ulit ito.

"Are you ready?" tanong nito sa kanya.

"S-saan po Sir?" takang tanong ni Sarah.

"Oh i must've forgotten to tell you... Pupunta tayo sa factory ngayon." seryosong anito.

"Ahhh.. o-o sige po Sir.. ok ok.." tarantang dinampot ni Sarah ang kanyang mga gamit at dali dali ng sumunod sa amo.

Sa elevator... napansin ni Sarah na panay ang hilot ni Gerald sa sentido nito. Hindi na siya nakatiis.

"Hangover?" tanong niya dito. Hindi naman ito sumagot, sa halip ay tumingin lamang ito sa kanya at mabilis ding nag-iwas ng tingin.

Naiiling na dinukot ng dalaga ang kanyang paracetamol sa kanyang bag, pati na din ang kanyang bottled mineral water.

"Inumin mo ito Sir.. dalawa para mawala yang kirot ng ulo niyo... eto po ang tubig." iniabot niya ito dito ngunit hindi naman iyon kinuha ng binata. "Sige na Sir, inumin mo na yan.. sige ka ikaw din!"

Kinuha ni Gerald ang dalawang tablet pati na ang tubig at ininom na iyon.

"Salamat..." anito.

"Walang anuman Sir..." nakangiting sagot ng dalaga.

Pagbukas ng elevator ay nasa basement na sila ng building. Nagpatiuna nang naglakad si Gerald patungo sa sasakyan nito habang nakasunod lamang sa kanya si Sarah. 

"Wow! Bongga!"  lihim na napahanga si Sarah ng makita ang sasakyan ng binata. He was driving a white Dodge RT.

Nagulat pa siya ng pagbuksan siya ni Gerald ng pinto. "Hmm... a gentleman deep inside.." sigaw ng kanyang isip.

Tahimik lamang sila habang nagbibiyahe. Kapagkuwan ay hindi na nakatiis si Sarah.

"Masakit pa ulo mo Sir?" tanong niya dito.

"Hindi na masyado. Salamat sa paracetamol." kaswal na tugon nito habang nakatutok ang mata nito sa daan.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon