CHAPTER 3: THE BOSS

4.7K 72 23
                                    

It was Monday, the most stressful day for Gerald. Siguradong pagpasok niya sa opisina ay  tambak na ang paper works at sunod sunod ang phone calls. Kapag minalas malas pa ay sunod sunod din ang client meetings.

Paglabas niya sa elevator agad na napatingin sa kanya ang ilang empleyado. Dali daling nagsipagkubli ang mga ito. Narinig pa niya ang dalawang babae na nagbulungan.

"Naku nandiyan na si Sir..." anang mga ito sabay tago sa kani-kanilang desk.


Hindi niya na pinansin iyon. He got used to it a long time ago. Hindi niya alam kung bakit parang ilang na ilang at takot na takot sa kanya ang kanyang mga empleyado. Oo palagi siyang seryoso pero kahit kailan naman ay hindi siya namahiya o nagsungit sa mga ito lalo na kung wala namang ginawang mali o masama. Pinagkibit balikat niya na lamang iyon. Mas mabuti nga siguro ang ganun na may takot sa kanya ang kanyang mga empleyado. Atleast may disiplina ang mga ito.

"Good morning Sir..." bati sa kanya ng kanyang sekretarya sabay abot ng kape.

"Morning... any phone calls?" tanong niya dito.

"Sir ang Daddy niyo lang po... ni-reremind lang po kayo tungkol sa family dinner ninyo mamaya." tugon nito.

Hindi naman sumagot ang binata. Sa halip ay kunot noo itong humigop ng kape at tumutok na sa laptop.

"Ahm sir... siya nga pala nakapag-file na din po ako ng maternity leave... one week na lang po ako." wika ng pitong  buwang buntis na sekretarya. Awtomatikong napaangat ng tingin ang binata.

"What?! Eh sinong papalit sa posisyon mo habang wala ka?" kunot noong tanong nito.

"Eh s-sir... diba po matagal naman na po akong nagpaalam na magmamaternity leave po ako.." kinakabahang sagot ng babae. Kilala niya na kasi ang amo. Once na nakunsumi ito maghapon ng sira ang mood nito.

"well you should've remind me earlier... this is a very short notice Lorena... Saan ako kukuha ngayon ng ipapalit sayo?!"

"S-sir im sorry... akala ko naman po  kasi ok na... pasensya na po kayo Sir..." nanginginig ang labing tugon nito.

Napabuntong hininga na lamang si Gerald sabay lapag ng kanyang dalawang palad sa kanyang desk.

"Fine... don't worry about it ako na ang bahala doon... sige na you may go."

"Salamat Sir Gerald..." tango ni Lorena at dali dali ng lumabas sa opisina ng binata.

Hindi pa lang nakakahuma si gerald ay may kumatok na naman. Inis na napasandal siya sa kanyang swivel chair.

"Come in!" bugnot na utos niya dito.

Sir goodmorning... Dala ko na ho yung anual report..." bungad ni Tofee dito.

"Good." maikling tugon ni Ge.

 Lumapit sa kanya si Tofee upang iabot ang folder.

'How was your meeting with Mr.Estur yesterday?" kaswal na tanong ni Gerald habang abalang nagta-type sa laptop nito.

"It went well Sir... although I haven't convinced him to buy it yet pumayag naman po siya sa 30 days trial nung oven, and he told me na 80% ang chance na bihin niya yun because he liked it."

Gerald Pereira is the only son of Amante and Lolita Pereira. When he graduated college ay agad agad na siyang tinraining ng kanyang ama na patakbuhin ang kanilang negosyo.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon