CHAPTER 15: BACK TO SUMMER PARADISE

4.7K 128 37
                                    

GENSAN....

Pababa pa lamang sa sasakyan ay masaya ng nakasalubong si Mamang Minda at Papang Lando kina Sarah at Gerald.

"Naku ang mga apo ko! Mabuti naman at naririto kayo ulit!!" buong higpit na yumakap si Mamang kay Gerald at kapagkuwan ay kay Sarah naman.

"Hay naku Mamang... ayan yung apo ninyo, sa wakas napagod din po sa kakatrabaho, siya na mismo ang nagkusang magbakasyon..." nakangiting saad ni Sarah habang nakaakbay kay Mamang Minda. Nauuna silang maglakad papasok sa bahay habang nakasunod naman sa kanila si Papang lando at Gerald.

"Ay ang tuwa ko nga nung tumawag siya sa akin at sabihing darating kayo...  madalang na lang kasi kami dalawin niyan eh... ngayon na lang ulit nagka-oras na pumunta dito simula ng magka-nobya." 

Hindi naman nakaimik si Sarah sa sinabi ng matanda. Kung alam lang nito ang totoo sa pagitan nila ni Gerald... maski nga siya ay nalilito na din sa kung ano talaga ang real score sa kanila ng binata. Hindi naman nila napaguusapan ang nangyari sa kanila noon isang linggo, kumbaga ay wala talaga silang label... Nag-eenjoy lang sila sa presensiya ng isa't isa. Ok naman iyon kay Sarah, mas mabuti nga siguro na huwag muna nilang biglain ang lahat. Mas maganda na yung walang pressure.... sa ngayon.

"Babe.. ok ka lang?" naramdaman ni Sarah ang kamay ni Gerald sa kanyang balakang kaya't napapitlag siya. Nagulat din siya ng tawagin siya nitong babe, ngunit naalala niya... nasa Gensan nga pala sila, fiancee niya nga pala ito.

"Uuhm.. ok lang... lika dito." hinawakan niya sa kamay ang binata at magkapanabay silang naglakad papasok sa bahay.

"Gerald, ilang araw ba kayo mag-iistay dito?" tanong ni Papang Lando habang umuupo sila sa tapat ng hapag kainan.

"Mga three to four days lang po Papang.. bakit po?" nakangiting tugon ng binata habang inaalalayang umupo si Sarah. Naupo siya sa tabi nito at mula sa ilalim ng lamesa ay lihim niyang ginagap ang kamay ng dalaga. Napatingin tuloy ito sa kanya ngunit hindi naman nito binawi ang kamay.

"Hindi ba nabanggit ng Mamang mo na aalis kami?" takang tanong nito.

"Ha? Saan po kayo pupunta?" kunot noong ani Ge.

"Ay sus ginoo! Oo nga pala apo, nakalimutan kong banggitin sa iyo kagabi. Pupunta kami ng Ilo-ilo kasi yung bestfriend ko 50th wedding anniversary nila.. Hindi ko naman narealize na bukas na pala kami aalis ng Papang mo." saad ni Mamang Minda.

"Ayayay.. sign of aging!" tumatawang biro ni Gerald.

"Oh shutup..." saway sa kanya ng abuela.

Tatawa-tawang ipinagpatuloy nila ang pagkain.

"Are you okay?" nilapitan ni Gerald si Sarah nang makapasok na sila sa kanilang silid. Kanina pa kasi medyo tahimik ang dalaga kaya't nagaalala ang binata.

"Oo, ok lang ako.. napagod lang siguro.." kiming tugon ni Sarah habang inilalapag ang kanyang mga gamit sa kama.

"Gusto mong pumunta sa Villa mamaya? Swimming tayo?"

"Swimming ka diyan.. bakit? magaling ka na ba? Baka mamaya mabinat ka pa diyan." tugon ng dalaga.

"Magaling na ako noh! Strong yata to!" ipinakita pa nito sa kanya ang mga muscles nito sa braso.

"Weh? talaga lang ha? Eh nung isang araw lang halos nagdedeliryo ka na sa taas ng lagnat mo." tumatawang wika ni Sarah.

Napaatras siya ng ilapit ni Gerald ang mukha nito sa kanya.

"Ikaw kasi hinawahan mo ako eh..." anito na labis ikinapula ng mukha ni Sarah.

"Tse! kasalanan mo yun noh!" ingos niya dito. Dali dali niya itong tinalikuran dahil baka kung saan pa mapunta ang kanilang usapan.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon