CHAPTER 1: ISTOKWA

6.2K 68 19
                                    

"Sarah jusko anak... natatakot ako sa gagawin nating ito... baka mahuli tayo ng Mommy mo..." kinakabahang saad ni Yaya Merced.

"Yaya... huwag po kayong magalala, hindi tayo mahuhuli ok? At kung mahuli man po ako huwag kang matakot Yaya, hindi ka madadamay. Promise!" pabulong ngunit confident na tugon ni Sarah.

Kasalukuyan silang nasa kwarto ng dalaga at nagiimpake na ng ilang gamit niya. Nakatakda siyang tumakas mamayang gabi. Labag sa kalooban ni Sarah ang kanyang gagawin ngunit hindi naman yata niya maaatim ang gustong mangyari ng kanyang ama at ina.

Si Sarah Santillan ay nagmula sa isang mayaman at sikat na pamilya sa Nueva Ecija. Bukod sa negosyo nilang pamimili ng palay ay pamilya rin ng politiko ang kanyang angkan. Her grandfather Emilio Santillan was the former governor of Nueva Ecija. Ilang taon at ilang terms din itong nanilbihan sa kanilang probinsya. 

Sinundan din ng ama ni Sarah ang yapak ng kanyang Lolo. Ang ama niya ngayon na si Ernesto Santillan ang kasalukuyang Congresman sa kanilang distrikto. He is aiming to run for the Governor position for the next election. Doon na pumasok ang problema ni Sarah.

Ang gustong mangyari ng kanyang magulang ay ipakasal siya sa anak ng isa pang makapangyarihan sa kanilang lugar na si Lucas Villamadrid. 

Ang anak nitong si Leo VillaMadrid ay malaki ang pagkakagusto kay Sarah noon pa man. Matagal na itong nangliligaw sa dalaga ngunit kahit kailan ay hindi niya ito pinansin, kung kaya naman ang ama nito ay kinausap ang ama ni Sarah. 

Nagkasundo ang mga ito na susuportahan ni Lucas si Emilio sa darating na halalan basta pakakasalan ni Sarah si Leo. Sarah's parents agreed to it. Kapag kasi sinuportahan ng Villamadrid  si Emilio ay siguradong panalo na ito. Hawak nito ang halos kalahati ng populasyon ng Nueva Ecija kaya't malakas ang loob nitong makipagkasundo.

Labis na nagalit si Sarah ng malaman niya ang ginawang kasunduan ng kanyang mga magulang, nakipagtalo siya sa mga ito ngunit hindi rin siya nanalo. Buo ang loob ng mga ito na maipakasal siya sa lalaking hindi niya naman mahal. 

Katwiran ng mga ito ay si Leo na daw ang pinaka perpekto para kay Sarah. Bukod sa mayaman ay gwapo rin ito, at siyempre mahal nito ang dalaga. So bakit nga naman daw kailangan pang maghanap ng iba ni Sarah? Unbelievable!!!!! sigaw ng dalaga.

"Sarah ano ka ba.. hindi ko naman iniisip kung mananagot ako o hindi eh... nag-aalala lang ako sayo. Baka kung mapano ka pa doon sa Maynila." anang kanyang Yaya.

"Dont worry Yaya, i can take care of myself... i need to get out of this place bago pa nila ako tuluyang maipakasal sa Leo na yun. Mamamatay ako kapag ginawa nila sa akin yun." anang dalaga.

"Eh saan ka naman tutuloy doon?"

"Basta Yaya.. ako na po bahala doon. Marami akong kilalang kaibigan doon. I'll be fine."

"Hay... sige sabi mo yan ha..."

Kinagabihan, hinintay muna ni Sarah na makaalis ang kanyang mga magulang. May dadaluhan kasi ang mga ito na party kaya't naisip niyang iyon na talaga ang tamang pagkakataon upang makatakas siya. 

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon