CHAPTER 12: THE OTHER ONE

4.7K 94 23
                                    

NAIA...

Magkahawak kamay na lumabas sa arrival area sina Sarah at Gerald. Agad nilang natanaw si Tofee na noon ay hindi magkanda-aligaga sa pagkaway sa kanila.

"Sir ayun na si Tofee oh!" excited na wika ni Sarah kay Gerald.

Lalakad na sana siya papunta sa direksiyon ng kaibigan ng maramdaman niyang bahagyang humigpit ang paghawak ng binata sa kanyang kamay. Awtomatikong napatingin siya dito, mataman itong nakatingin sa kanya.

"Bakit?" takang tanong ng dalaga.

"Really? Sir?" tanong sa kanya ni Gerald na hindi bumubitaw sa pagkakahawak sa kanya. Hindi tuloy napaigilan ni Sarah ang mapangiti.

'Joke lang.. eh di sige na, Gerald na..." natatawang anang dalaga.

Nagmake-face lamang ang binata at iginiya na siya patungo kay Tofee.

"Sister! Namiss kita! Kaloka ka!" masayang yakap ni Tofee kay Sarah.

"Talaga namiss mo ako?" tumatawang tanong ng dalaga.

"Oo gaga ka! Wala akong kasampalan sa bahay!" nakangiting irap nito. "Ay, hello Sir! Kamusta? lalo kang gumwapo ah..." malanding bati nito kay Gerald.

"Niloloko mo na naman ako Tofee ha..." kaswal na tugon ng binata.

"Hindi naman Sir, eh talaga namang gwapo ka ah! Diba sis?" baling nito kay Sarah.

"Asus! Huwag mo ngang masyadong palakihin yang ulo ni Sir." tumatawang sagot ni Sa.

"Hay nako.." iling ni Gerald. "Akin na nga yang mga gamit mo." kinuha nito ang hand carry ni Sarah. "Tofee, where's the car?" tanong nito.

"Sir ayun oh.. kayo na nga po ang mag-drive, jusko! sobra ang nerbyos ko habang minamaneho ko yang sasakyan mo Sir! Wala akong ibabayad diyan kapag naibangga ko yan.. Wala akong 3 million!" ani Tofee habang maarteng hinahawi ang bangs nito.

"Sige ako na ang magmamaneho." tango nito. Kapagkuwan ay bumaling ulit ito kay Sarah. "Akin na pa yang isang bag mo ako na ang magdadala."

"Naku hindi na.. ang gaan gaan nito eh, saka ang dami dami mo na ngang dala." tanggi ng dalaga. "Huy Tofee, tulungan mo kaya si Sir noh?" tapik niya sa braso ng kaibigan.

"Akin na ito Sir.." kinuha ni Tofee sa balikat ni Gerald ang isang bag ni Sarah.

"Cmon let's go..." nagpatiuna ng maglakad si Gerald habang magkakapit braso namang nakasunod si Sarah at Tofee dito.

"Bruha ka! Nakita ko kayong magkaholding hands kanina!! Anong nangyari?!" pigil ang kilig na bulong ni Tofee.

"Gaga walang nangyari!" nakangiting tugon ni Sarah.

"Hay nako! Huwag mo nga akong maechos echos diyan ha! Walang nangyari eh, parang mag-jowa lang ang peg ninyo, tignan mo, taga keribels pa ng bagahe mo!" hampas sa kanya ni Tofee.

"Ikaw naman.. nagpapakagentle man lang yung tao, Lalo at walang mapalang tulong sayo." hagikgik ni Sarah.

"Magtigil ka nga jan Sashing! Feeling ko talaga may namamagitan na sa inyo ni Sir pogi! Humanda ka sa bahay hindi kita titigilan.."

"Ay ewan ko sayo.. ang kulit mo!" tumatawang sagot ni Sarah.

Wala naman talagang namamagitan sa kanila ni Gerald ngunit hindi niya itatangging masaya siya ngayon.

Nang makarating sila sa sasakyan ay inalalayan pa siya ng binata na sumakay sa front seat sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang balakang, bagay na hindi nakaligtas sa paningin ni Tofee kaya't lalo na itong naghinala.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon