Kabanata 19

547 19 0
                                    

AVA

I blush as I look at my face in the mirror. Why are you making my heart beat this fast Aidan? I really felt sad about his story. I don't know that his mother can do such thing but then remembered, she almost killed my Nanay. What far she can do?

Talikuran kaming nakahiga sa kama, namalayan ko nalang na nakayakap na siya sa akin at inaamoy ang buhok ko. Nakikiliti ako kaya humarap ako para pagsabihan siya nang bigla niya akong halikan.

His lip tastes like wine and I easily got addicted. Lumalim pa ang halikan namin hanggang namalayan ko nalang na hinuhubad na niya ang suot ko. And the rest is history.

Tanghali na nang magising kami sa tunog ng cellphone namin. Sabay namin sinagot ang tawag habang magkatabi. It was Exhe.

"Vava," kinakabahan ako sa tono niya. Umiiyak ba 'to? "Si S-Sixto k-kasi nawawala s-siya," nanginginig pa ang boses niya.

"Anong nawawala?" Sabay pa kaming sumigaw ni Aidan. Oh my god! Nasaan na ang anak ko?

"Kasi dumating ang Mama ni Aidan at hiniram si Sixto. Hinayaan namin kaysa magalit pa siya. Nang makita ko siya ay hindi na niya hawak si Sixto. Ang sabi niya ay hindi niya alam. Nagalit kaming lahat sa kanya dahil bata 'yun. T-Tapos hinanap na namin pero wala parin. Kinakabahan ako Vava," nabitawan ko nalang ang cellphone ko.

Paano kung may ginawa ang Mama ni Aidan sa anak ko? Umiiyak ako hanggang niyayakap ni Aidan. Pareho kaming may kaba sa mga mata. Nang makapagbihis ay agad naming inumpisahang maghanap.

Umuwi kami para magtanong sandali. Natigil ako ng sabihin ni Aidan na baka si Bliss ang may hawak sa anak ko. Nabanggit ko na baka kasama niya ang Mama niya. Akala ko magagalit siya ngunit sumang-ayon pa siya. Halang nga siguro ang kaluluwa ni Dolor Voux.

Hindi kami nagkakamali, tumawag si Bliss at hinanap na kapalit si Aidan kay Sixto. Pumunta kami dala ang mga kasamang pulis na nagtatago sa paligid.

Nang makapasok sa loob ay nakita ko ang anak ko na nakatali sa isang upuan. Behind him is Bliss who's now smirking as if telling me that she got me. Hawak niya na ako sa kamay niya. May mga sugat sa mukha ng anak ko…umiiyak siya. Awang-awa ako at gusto siyang lapitan.

"Pakawalan mo na ang anak ko Bliss, you'll get what you want," Aidan's voice thundered in the whole room. Akmang papakawalan na ni Bliss ang anak ko ng dumating si Dolor Voux, ang Mama ni Aidan. Tama ako…paano niya nagawa ito sa sarili niyang apo.

Tinignan ko si Aidan na punong-puno ng galit at hindi makapaniwalang kasabwat ang nanay niya. "W-Why? You two planned this? Fucking fuck! You're this h-heartless Ma? S-Sarili mong apo nagawa mong ganituhin? Para saan? Bakit mo 'to ginagawa sa amin? And Bliss? You are the reason that make Ava leave me! Why are you so damn pathetic!? Kahit anong gawin mo hinding-hindi kita mamahalin. Si Ava lang ang mamahalin ko kahit iniwan niya ako. At dahil 'yun sayo! Hindi ko nakasama ang anak ko sa matagal na panahon dahil sayo. And now you're doing this to what? Dinamay mo pa ang anak ko. What is it to you, huh? A fucking game!?"

Damang-dama ko ang galit sa boses ni Aidan. H-He loves me? Alam kong wala sa lugar pero gusto ko sanang makumpirma kung totoo 'yun kung hindi ko lang inaalala ang anak ko.


"Mama sakit na ng tiyan ko po," nanghihina ang boses ng anak ko. Umiiyak akong tumingin sa kanya. Nakikiusap ang mga mata at nag-aalala.

Gusto ko siyang lapitan kaya lang baka kung ano ang gawin nila kay Sixto. Umiigting na ang panga ni Aidan sa galit. Nakita kong kinakabahan si Bliss sa nangyayari pero pinapanatiling seryoso ang mukha.

"Sinuntok nila ako Ma! Ang sakit na po! Sakit na 'yung kamay ko nakatali po. Kala ko sabi Lola lalaro kami. Ayaw ko ganito laro po Mama!" Wala akong magawa kundi umiyak lalo na nang bumunot si Bliss ng baril at tinutok sa anak ko. Biglang umamo ang mukha ni Aidan.

"Bliss, put that thing down, now. I'm begging you please. 'Wag ang anak ko. You want me, right? In exchange of my son? 'Cmon Bliss?" Naguguluhan si Bliss kung susundin ba niya si Aidan pero sa huli ay tumingin lang siya kay Dolor.

"I want you and Bliss to get married in exchange of Sixto, my dear grandson," hayop talaga ang isang 'to.

Pati bata ay hindi pinapalagpas. "That girl should vanish from our lives. I don't want her to be connected to us. Kung gusto mo ay isama mo ang anak mo Aidan at hayaang si Bliss ang maging nanay nito," agad akong umalma.

Tinignan ako ni Aidan, kinakalma. Um-oo si Aidan dahilan para magtaka ako. Nagdiwang agad ang dalawa at pumalakpak sa tuwa. Nagagalit ako pero patuloy pa rin na nagtitiwala kay Aidan. Hindi naman niya ako ilalayo sa anak ko diba?

Lumapit siya ng dahan-dahan patungo sa anak ko. Malapit na at maabot na niya ang anak ko nang nakatunog ang dalawa. Kumikilos na ang mga kasama naming pulis. Dahil doon ay agad tinutok ni Bliss ang baril
kay Sixto at si Dolor naman sa akin. Nagsusumamo ang mga mata ni Aidan at parehas na kaming kinakabahan.

"Bakit may mga pulis!? We talked about this clearly Aidan!" Nagsisigaw si Bliss na parang isang baliw. Ako naman ay kinakabahan na baka maputok niya sa anak ko ang hawak na baril.

"Handa mong ipakulong ang sarili mong ina para sa babaeng 'yan Aidan!? Kasalanan mo ang lahat ng ito! Inagaw mo ang anak ko kay Bliss. Pati ang lecheng batang 'to," sumigaw ako ng sampalin niya ng malakas ang anak ko.

"Ma, you've gone too far!" Walang takot na lumapit si Aidan sa ina. Natatakot ang mukha ng dalawa panigurado'y dahil sa galit na boses ni Aidan. Madali niyang nakuha ang anak namin dahil nanatiling gulat ang dalawa. Dumating ang mga pulis ng hindi pa nakakalapit sila Aidan at Sixto sa akin.

Hindi ko na namalayan ang nangyari. Ang alam ko'y umiiyak na ako ng makita si Aidan na may tama sa tiyan. Binaril siya ng sarili niyang ina! Tatakas pa sana ang dalawa pero huli na.

Ako ay nanatiling gulat, gumalaw lamang para aluin ang anak na walang tigil sa pag-iyak. Nasa ospital na kami ng mabalik sa katinuan.

Hinarap ko si Exhe at Tonio, pinakiusapan iuwi muna ang anak ko. Paniguradong pagod siya at awang-awa ako sa anak ko. Sumunod naman sila kahit nag-aalinlangan. Ayaw nila akong iwan kung hindi lang dumating sila Meko at Cyprus. Please, save Aidan. Sasabihin ko pa na mahal na mahal ko siya kaya please, gisingin Niyo siya.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now