Kabanata 15

598 19 0
                                    

AVA

What's on your mind? Kanina pa ako nakatingin kay Aidan, kasalukuyan niyang buhat si Sixto. Tuwing titingin siya sa akin ay mag-iiwas ako ng tingin. Iniisip ko kasi na masyadong biglaan ang pakikipag-kita namin sa Lolo ni Aidan. I'm kind of nervous thinking that Aidan's mother might be there.

What if she talks bad to me in front of my son? In that case Aidan will knew that her mother is a bitch. Sorry for the word but that's the truth. After what she did to my mother.

'Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako ng tapikin ako ni Aidan, marahan sa takot na masaktan ako. Parang bata naman 'to. Tumayo ako ng tuwid para sana ipakita na kaya ko pero nauntog lang ako sa sasakyan. Napaupo ako ulit, hiyang-hiya. Namataan ko siyang nagpipigil ng tawa. "Ituloy mo na. Kakahiya naman sayo."

"Sorry, are you okay?" Tumatawa pa rin siya ng tanungin 'yun. Sixto?

"Where's my son?"

"Our son. Pumasok na sila sa loob. Halika na," pag-aaya niya.

Isang malaking mansyon ang nakita ko. Parang palasyo na nga ang isang 'to. Marahil kaya nga desperado si Aidan magkaanak. Nakita ko ang isang matanda na siguro ay Lolo niya hawak ang anak kong nakangiti. I'm happy to see Sixto, fine with Aidan's grandfather.

"Lo, this is Ava. Sixto's mother and my soon to be wife," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero hindi ako makatanggi sa hiya. Baka sabihin ng matanda ang choosy ko para tanggihan ang apo niya.

"Oh really? That's great! Hi hija! I'm Aidan Sparrow Castuera the third. Call me Lolo Dan," sabay bungisngis ng matanda. Sobrang napaka-jolly nang Lolo ni Aidan, sobrang layo sa kanya. Mukha niya palang kasi ay masungit na. Siguro nagmana sa nanay niyang kampon ni satanas.

"Ava Nashea Madrid po."

"Napakagandang bata. Halika, maupo kayo. Magkwentuhan tayo rito. Napaka-gwapo ng aking apo. 'Di hamak na mas gwapo kay Aidan ito. Napakatalino mong mag-isip ng nickname ng batang ito," tumawa na naman ang matanda.

Nakita kong sumimangot si Aidan nang sabihin na mas gwapo si Sixto sa kanya. Ayaw patalo?

"Ikaw ba ang nakaisip nun iha?" Napailing ako ng makita ang anak kong kumakain ng cake na inilapag ng tingin ko'y mayordoma nila. Tinulungan siya ng isang katulong dahil nagsimula na siyang mag-dungis. Simple kong sinagot ang Lolo ni Aidan ng oo. "So, naisip mo 'yun because?"

Nagulantang ako sa sinabi niya. Parang nabasa ko ata ang sikat na salitang 'yan. Usong-uso 'yan dahil kay Kris Aquino at Kim Chiu. Natawa lang ang matanda sa reaksyon ko.

Napatingin ako kay Aidan na nagtataka sa sinabi ng Lolo niya. Daig pa siya ng Lolo niya sa pagiging uso. Humarap ang anak ko sa Lolo niya na sobrang dungis ang mukha. Napangiwi ako ng makitang kinalabit niya ang Lolo niya.

"Teka wait naiiyak po ako," umarte pang naiiyak ng tunay ang anak ko. Sabay silang tumawa ng Lolo sa ginawa.

Lumapit si Aidan sa anak namin sa pag-aakalang umiiyak nga ito. Natawa lalo ang mag-lolo sa ginawa ni Aidan. Napasapo nalang ako sa noo habang natatawa. Nagmumukhang mas matanda si Aidan kaysa sa Lolo niya.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa hapag-kainan. Nang matapos kaming mananghalian ay nabanggit ko ang nalalapit na kaarawan ni Sixto. Pinaakyat ko na muna ang anak sa kwartong tutuluyan para makatulog.

"Iha mas mabuting isabay ang birthday ng mag-ama. Natutuwa akong kinosidera mo ang pagcelebrate ng birthday ni Sixto dito sa amin."

"Wala po 'yun. Ako naman po ang may kasalanan, inilayo ko si Sixto," napangiti lang ang matanda.

Nagkatinginan kami ni Aidan. "Sang-ayon po ako na isabay nalang ang kaarawan nila. Pwede naman po akong mag-imbita hindi ba?" Gusto ko sanang imbitahin si Exhe nang maalala kong hindi pa pala kami nakakapag-usap.

"Aba, syempre! Si Aidan na ang bahala sa lahat apo. Magandang kasabay ng kaarawan nila ay ang announcement ng kasal niyo. I'm excited!" Halos pumalakpak sa tuwa ang matanda.

Umalis siya at sinabing tutulong sa paghahanda. Sa susunod na linggo na kasi ang kaarawan ng mag-ama. Napatingin ako kay Aidan nang maalala ang tungkol sa sinasabi niyang kasal.

"Why do you have to lie about that damn wedding? Walang kasal na mangyayari sa atin Aidan. You know that. I'm here only for Sixto."

"No matter what you say, we are going to get married," for what? For Sixto? We don't need that. I'm sure my son would understand. Hindi ko naman siya ulit ilalayo. Ngayon nagkita na sila, there's no use na ilayo ang anak ko. Lalo pa't kahit saan kami magpunta, mahahanap niya kami.

"Aidan please! Let's just focus on Sixto. And why are you still pursuing that? Hindi ba't galit ka sa akin? Tapos ngayon aalukin mo ako ng kasal? What is this, a prank?"

"No, Ava! Walang makakapagpabago ng isip ko. Ikakasal ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Galit? Of course I'm mad at you-"

"That's why you're doing this, huh? A revenge? Papakasalan mo ako kahit hindi mo ako mahal basta makapaghiganti kalang? That's too mu-"

"Who said I don't love you?" Natigalgal ako sa tanong niya. "This isn't for revenge, Ava," lumapit siya sa akin at isinuot ang isang singsing. A stunning white diamond ring.

AIDAN

"Who said I don't love you?" There! I said it! Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.


Well, I was more than shocked 'cause I have no plan of telling her that unless she agree on marrying me…but I have no choice. Kinuha ko ang isang black box na naglalaman noong singsing na binili ko dati. Isinuot ko 'yun sa kanya saka iniwan siya. I'm embarrased, okay? Did I really admit that I love her? Not that it's a secret but fuck… in a middle of an argument, really?

I was planning a candlelit dinner but I burst out of anger and pressure. I want her to say yes. I can't bear more years not being her husband. Dumiretso ako sa silid ni Lolo. Nang makita ako ay agad niya akong pinapasok.

He was talking to someone over the phone. It's about the party, I bet he's inviting a thousands of guests. OA, isn't he? Mukhang namana pa nga ng anak ko. What's with that 'because because' and 'teka, wait naiiyak ako?' spiel.

"Lo, nabanggit sa akin ni Manang Mely ang nangyari sayo. Bakit ho ba ayaw niyo magpadala sa ospital?"

Nabanggit kasi ni Manang na hindi makahinga ng maayos ang Lolo. Nag-aalala ako at baka maulit ang atake niya noong mga nakaraan. Madalas kasi ay sumasakit ang ulo at nagsisikip daw ang dibdib niya. Ayaw niya kaming gambalain kaya hindi siya nagsasabi.

"Ano ka ba apo. Parang 'yun lang. Malakas pa ang Lolo mo. Excited lang kasi ako makita ang apo ko. 'Wag kang mag-alala, narito pa ako hanggang makasal kayo ni Ava," what?

"Don't say that Lo. You'll be here with us forever. Makikita mo pa si Sixto na lumaki," hindi niya kami pwedeng iwan. Kakakita palang nila ng anak ko.

Kailangan ko pa siya. Nilapitan ko siya at niyakap. Bukod sa mag-ina ko ay si Lolo nalang ang kasama ko sa buhay. Lumaki akong halos siya na ang kasama. Sa lahat ng pangyayari sa buhay ko ay narito siya. Kung hindi niya ako binantaan sa pagkuha ng mana ay hindi ko makikilala si Ava. Hindi magkakaroon ng Sixto, kaya sobrang thankful ako sa Lolo ko.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now