Kabanata 10

605 24 0
                                    

AVA

Nakaupo ako sa isang mamahaling restaurant. Hindi pa dumadating ang bibili sa painting ko.

Pero hindi 'yun ang inaalala ko. Nakita ko si Aidan kasama ang isa sa mga babaeng buntis na pinakita sakin ni Bliss. Alam kong hindi ko dapat paniwalaan si Bliss pero nakita na ng dalawang mata ko. Malinaw na totoo ang sinabi niya.

Pero mahal ko si Aidan. Mahal ko na ang lalaking ama ng anak ko. Nagulat pa ako sa presensya ng taong umupo sa harap ko. Siguro ay siya ang bibili ng painting ko. Si Ma'am Rissa, napapansin kong marami siyang kasamang bodyguard. Siguro nga ay mayaman siya.

Pero hindi lang 'yun. Nang tanggaling niya ang suot niyang salamin ay agad ko siyang nakilala. Napaluha ako at hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.

"Nay? Ikaw ba 'yan?" Hindi ako sigurado pero kilala ko ang Nanay ko. Pero bakit? Ang alam ko'y wala na siya. Siya ba talaga 'to?

"Ako nga 'to. Ava, anak, miss na miss na kita. Kayo ni Ader, miss na miss ko na kayo," lumuluha na siya ngayon habang hawak ang kamay ko. Hindi ko pa rin maintindihan.

"Pero paanong buhay ka? Anong nangyari sayo? Si Tatay, wala na siya. Iniwan na niya kami Nay. Iniwan niya t-tayo. "

Inakay niya ako papunta sa sasakyan niya. Doon daw namin pag-uusapan ang mga nangyari. Paano nagkaroon ng ganito ang Nanay? At marami din siyang kasamang bodyguard. Ano ba talagang nangyayari?

"Ganito 'yun anak. Minsang papunta ako sa bayan ay nadisgrasya ang sinasakyan namin. Nabangga ito sa isang truck. Akala ko katapusan ko na pero hindi. Kinuha ako nang mga malalaking tao at dinala sa isang abandonadong isla. Pagkagising ko pinahirapan nila ako ng pinahirapan. Si Albert Voux ang may kagagawan ng lahat. Isa siyang sindikato na kinautangan namin ng Tatay mo nang magkasakit si Ader. Ang bago niyang asawa ang ina ng kinakasama mo anak. Ang ama ng anak mo. Si Dolores Castuera na ngayon ay Dolores Voux. Isa siya sa mga nagsulsol kay Albert na patayin ako. Ang buong akala nila ay patay na ako kaya hinagis ako ng mga tauhan niya sa dagat. Nagpatangay nalang ako sa alon sa bawat araw na dumaan. At nang hindi ko na nakayanan ang gutom at pagod ay nawalan na ako ng malay. Doon, akala ko tapos na ang buhay ko. Akala ko hindi ko na kayo makakapiling pero mabait ang Diyos. Mabait siya sa buhay ko, anak."

"Nagising ako sa isang ospital, doon ko nakilala si Eden Fyrr, siya ang taong tumulong sa akin anak. Isa siyang mayamang business woman na nakatira doon sa isla kung saan ako hinagis ng mga tauhan ni Albert. Mahigit isang taon akong na-comatose at hindi niya ako kilala pero tinulungan niya ako. May dalawa siyang anak na tumulong din sa akin. Isang lalaki na mas matanda sayo ng ilang taon at babae na kasing-edad mo. Nang sabihin ko ang nangyari sa akin ay dali-dali siyang nag-alok ng tulong. Tutulungan niya daw akong maging successful sa buhay para makaganti sa mga Voux. Matagal ko 'yung pinag-isipan anak. Ang gusto ko lang ay makauwi sa inyo pero naisip ko na hindi ako titigilan ng mga Voux. Lalo na ni Dolores dahil alam niyang nagkagusto sa akin si Albert noon. Kaya pumayag ako sa gusto niya pero hindi ako maghihiganti. Gagawin ko ang lahat para mabayaran si Albert kasi gusto ko na ligtas kayo. Pasensya na dahil hindi ako umuwi. Noong nabalitaan ko ang nangyari sa Tatay mo ay wala akong nagawa. Nang palayasin kayo ng Tiyang mo dahilan para mapunta ka sa anak ni Dolores ay wala akong nagawa. Kasi malalaman nilang buhay ako. At baka idamay niya pa kayo."

"Pasensya na kung inabandona ko kayo. Mahal na mahal ko kayo, anak. Para sa inyo ang lahat ng ginawa ko."

Halos hindi pumapasok sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Nanay. Masaya ako na buhay siya pero sobrang sakit isipin na baka ginamit lang ako ni Aidan dahil sa Mama niya.

Paano kung kasama ito sa plano nila? At bakit nga ba sa akin inalok ni Aidan ang pagiging baby maker? Nanlulumo ako sa naisip, kanina lang ay nakita ko siya kasama ang isa sa mga babae sa picture kaya tama si Bliss. Hindi ko pa kilala si Aidan pero nagtiwala ako. Bakit nga ba tinulungan niya kami noong nawala si Tatay? Para makuha ang loob ko at maloko ako?

At ang tanga-tanga ko para magpaloko. Wala na nga akong napag-aralan, pati ba naman sa pagtitiwala palpak ako? Napahagulgol ako habang yakap si Nanay.

"Nay, ang tanga-tanga ko! Nagpaniwala ako sa mga simpleng bola niya at pagtulong niya na may malaking kapalit. Malaking pagkakamali na nagtiwala ako sa kanya. Mahal ko siya! Mahal ko siya kahit baby maker lang ako. Alam kong hanggang doon lang ako pero minahal ko siya eh. Sa maikling panahong pagsasama namin, minahal ko siya. Talaga ngang walang pinipiling oras ang pagmamahal. At nagpabuntis pa ako! Ang tanga tanga ko. Sobrang sakit, Nay. Ang sakit sakit!"

"Tahan na anak. Hindi maganda para sa baby mo 'yan. Wala na tayong magagawa anak, nandyan na 'yan. At blessing sa atin ang baby na 'yan. Siguro nga ay mali na nagtiwala ka sa kanya pero lahat ng bagay ay may positibong pananaw. Kailan mo lang hanapin at magfocus doon. Kalimutan mo ang nangyari pero hindi 'yung natutunan mo. 'Yun ang mahalaga anak," mahinahon ang boses ng Nanay.

Namiss ko ang Nanay. Sobrang tagal na panahon na ng marinig ko ang boses niya. Sobrang sakit sa amin ng malaman noon na pumanaw na siya lalo na kay Ader. Kaya masaya ako na hindi pero hindi ko makakalimutan na isa ang Mama ni Aidan sa salarin kung bakit nalayo sa amin si Nanay ng matagal na panahon. Hindi ka nga dapat basta magtiwala sa mga tao sa paligid mo. Kasi kung sino pa ang pinakamalapit sayo at tumulong sayo sila pa 'yung may masamang balak pala kaya tumulong. May hidden agenda sa mga bagay.

"Nakapag-desisyon na ako Nay. Dadalhin ko ang bata sa akin tutal ay hindi naman niya talaga kailangan ng baby maker. Doon palang Nay ay nagsinungaling na siya. Nakita ko siya kasama ang isa sa mga babae niya. Nay, buntis 'yung babae. Kaya sigurado ako na hindi niya kailangan ang anak ko. Hindi ko kakayanin na papalakihin ang anak ko sa kuta ng mga demonyo. Baka kapag nalaman ito ng Mama ni Aidan ay kunin niya ang bata sa akin. Nasa sinapupunan ko palang ang bata ay mahal ko na ito Nay. Hindi ko yata kakayanin na malayo siya sa akin. Maari ba kaming sumama sayo Nay? Namimiss ka na namin ni Ader. Kasama din namin si Tonio, Nay. Pinili niyang samahan kami kaysa kay Tiyang," ito ang dahilan kaya binenta ko ang painting.

Para makaalis sa puder ni Aidan. Tawagin na niya akong duwag pero umaatras na ako. Hindi ko kaya. Sa akin dapat ang baby ko. Niloko na nga niya ako ay hindi pa siya makuntento at balak ilayo ang anak ko. Salamat nalang at dahil dito ay nakita ko ang Nanay kong inakala kong patay na. Lahat nga ng pangyayari ay may dahilan. May positibong bagay na mangyayari kahit gaano kasama mo itong makita. Kailangan mo lang itong pagtuunan ng pansin.

"Hindi mo na kailangang magtanong anak. Ayun ang balak ko. Kailangan ko kayong ilayo kay Dolores at sa anak niya. Hindi ko kilala ang anak niya at hindi ko alam kung makakabuti ba siya sayo. Lalo na sa magiging anak niyo."

Sinamahan ako ni Nanay na umuwi. Mabuti nalang at wala ang mga kasambahay ni Aidan. Aalis kami ng walang makakakita. Habang kumukuha ng damit ay napaliwanag ko kay Tonio ang nangyari.

"Korek na gawin mo 'to sisteret. Naka-receive ako ng sulat kanina. Tignan mo," sabay abot ng isang puting papel at itim na bulaklak. Umalis siya para ilagay ang mga gamit namin sa sasakyan.

"Kung ang tagalog ng box ay kahon
pwede ka ng humiga sa aming kabaong."
- ST. PETER

Iyun ang nakalagay sa sulat, kung normal na araw ito ay matatawa ako pero hindi. May nilalaman ang sulat na 'to. Hindi ko pa tinatanong ay alam ko nang si Bliss ang nagpadala nito. Sinisigurado niya na aalis ako sa buhay ni Aidan. Kahit na siya ang nagsabi ng mga tinatago ni Aidan ay hindi ko parin gusto ang tarsier na 'yun. Malamang na ginagawa niya ang lahat ng 'yon para sa sarili niya.

Dali-dali ako lumabas ng bahay at nag-iwan ng sulat para kay Aidan. Pasensya na, mahal kita pero hindi ko na kaya. Mamahalin pa rin naman kita kahit pinaglaruan mo lang ako. Hindi ka mawawala sa isipan ko.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now