Kabanata 14

593 17 0
                                    


AIDAN

"You don't talk to me like that! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. Sumama ako sa Nanay ko na inakala kong patay na. Hindi lang dahil takot akong mawala ang anak ko sakin. Gusto kong makasama ang Nanay ko. And you're asking me how did I get the money I used to pay you back? Some people help, the same people that help my mother. She helps me to study and build my own restaurant where I get money to build this house. I'm not some cheap whores, Aidan! At ikaw? Ikaw dapat ang hindi pagkatiwalaan!"

Paulit-ulit na parang sirang plaka ang mga sinabi ni Ava sa akin kanina. Habang bumabyahe hanggang makarating sa tutuluyan namin ni Meko ay 'yun ang nasa isip ko. Bakit ako hindi pagkakatiwalaan? Siya ang nang-iwan! And her Mom's alive? How the hell did that happen?

Alam kong wala akong alam sa nangyari sa nanay niya pero nabanggit niya na patay na 'yon.

Naabutan ako ni Meko na nakatulala sa kawalan.

"Ano 'yan? Muni-muni? Kamusta? Gwaping talaga ng anak mo pre. Mana sa akin," sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya 'yun napansin.

"Sayang lang at nasira niyo ang birthday ni Cyp. Gago, si Ava pala 'yung sinasabi niya. Tuwang-tuwa pa naman ako! Akala ko may love of my life na siya. Kaya lang sayo na 'yun kaya ekis na," tumawa siya habang kinikiliti ako.

"Ano ba? Tanga ka?"

"Asus, kinilig ka lang eh. Kamusta naman pag-uusap niyo?"

"Her house is big so I questioned her where did she get money for that. She got mad, slap me and said that her mother is alive. Like how the hell? Sinabi niya sa akin noon na patay na ang Nanay niya. And I ask her hand for marriage."

Napaawang ang bibig niya at pumalakpak. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Parang bata talaga ang isang 'to. "Tol, anong sagot? Ano? Ay teka, sinampal ka? Basted? Putsa kawawa ka naman."

Sinamaan ko siya ng tingin bago sumagot. Tumawa lang naman siya. "Instead of getting a custody I asked her to come back to me. With our son this time and no more leaving."

"Yiee ang rupok," was his only response. Nainis na ako kaya iniwan ko siya at humiga nalang sa kama. Patuloy kong iniisip kung paano nangyaring buhay ang Nanay niya at kung paano ko sila makukuha ng anak ko hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iisip.

Maaga palang ay nasa bahay na ako nila Ava. Isang babae ang nagbukas ng gate para sa akin. Tingin ko ay nasa mid 50s palang. Bago niya ako papasukin at tinanong niya muna ako.

"I'm Aidan Sparrow Castuera, father of Ava's son," ngumiti siya sa akin pero tingin ko'y pilit 'yon. Ni hindi kasi umabot sa mata niya ang ngiti.

"I'm Ava's mother, Marissa Madrid. Pasok ka. Tulog pa si Ava at Sixto. Maya maya lang ay gising na 'yun." Ilang saglit lang ang hinintay ko dahil nakita ko na ang anak kong bumababa ng hagdan. Halos magmadali pa ng makita ako. Niyakap niya agad ako at pinag-hahalikan sa pisngi. Ang sarap ng ganto ang sasalubong sayo. Sana lang ay makumbinsi ko na si Ava sa alok ko.

"Papa, ang early mo po. Miss niyo po ba ako?" Sumagot naman ako ng oo. Ipinagluto kami ng lola niya, kahit alam kong hindi niya naman ako gusto na nandito. Wari ko'y galit ang Nanay ni Ava sakin sa hindi ko malamang dahilan. Nalaman ba niya ang nangyari kagabi?

Nag-kwentuhan at naglaro lang kami ng anak ko pagtapos namin kumain. Nalaman kong parehas kaming Agosto ang kapanganakan at Kinder na siya sa susunod na pasukan. May negosyo daw ang mama niya na isang restaurant.

Naisip ko kung ano nga kayang naging buhay nila Ava pagtapos nilang umalis? Ganun pa man nagpapasalamat akong mabuti niyang napalaki ang anak ko. Doon nalaman kong hindi ako nagkamali na piliin siyang maging ina ng anak ko.

Ilang saglit lang ay bumaba na si Ava at kumain. Nang makita niya ako ay parang wala lang. Nasa isip niya siguro ay nandito lang ako para sa anak namin gayung aalukin ko uli siyang magpakasal at sumama na sa akin.

Umalis saglit ang anak namin para maligo kasama ang yaya nito. Right, now they have their own housemaids. Like how rich they were? Kakausapin ko palang si Ava sa alok ko ay dumating na si Cyp. Kaibigan ko siya pero hindi ko hahayaang agawin niya sakin ang mag-ina ko.

"C-Cyp, I'm sorry for what happened yesterday. I promise to explain and make it up to you," you won't. Trust me Ava, you won't.

"It's fine. Kasalanan ko din, hindi ko tinanong kung sino ang ama ni Sixto," sabay tingin sa akin.

"You don't have to explain and thanks for telling that you want to make it up to me. I really want that, Ava. Can we have our date tomorrow? Since I guess Aidan's here just for Sixto?"

"Ah sure pero-"

"I'm here for the both of you Ava. Actually I'm here to inform you that my Lolo wants to meet Sixto. Of course, including you. So, Cyp, my man sorry if you can't have that little friendly date of yours."

I did not really plan this but I can't let them have their time together. Just the two of them, a date? No fucking way! Nandito ako para alukin si Ava ng kasal tapos epal siya? Annoying ass!

"It's not a friendly date, man. I'm officialy courting Ava." Oh, you are?

"Do you really think I'll let you?"

"You don't have a word here, Aidan."

"Teka! Unang-una 'wag kayong mag-away. Second, bakit ngayon mo lang sinabi na pupuntahan natin ang Lolo mo? At liligawan?" Lumambot ang boses niya nang kausapin si Cyp. Napakunot ang noo ko. "Cyp, we're friends and I thought you and Exhelia?"

"We're just friends. She knew about that Ava. It's you that I like."

"But Cyp, Exhe will be hurt. I don't want her hurting. You know that."

"Wala ka pa dito Ava ay alam niya nang magkaibigan lang kami."

"Kahit na! Hayaan mo nalang muna akong pag-isipan ito Cyp. At siguro nga mas makabubuting puntahan muna ni Sixto ang Lolo niya. Gusto ko silang magkakilala." That put a smile on my face. She's mine, Cyp. Just back off.

Bumaba ang anak ko at nang nakita niya si Cyp ay yumakap siya dito. "Tito Beer sorry kasi umalis kami nung birthday mo po. Miss ko lang kasi Papa ko. Ngayon lang ako may Papa eh."

Nanghihinayang talaga ako sa mga taon na hindi ko sila nakasama pero wala na akong magagawa sa mga panahong tapos na. Walang machine ang makakapag-balik sa akin sa panahong dapat hindi ako umalis para hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na iwan ako.

"It's okay, I understand kid. Spend your time with your Papa. Be happy, okay? Tito will always be here for you and your Mama."

"I love you po Tito Beer, thank you po," that made me jealous. Sa lahat ng panahon kasama ng anak ko si Cyp. Kung tutuusin kaya lang sumasama ang anak ko sa akin dahil ako ang Papa niya. Siguro ay mas gugustuhin niyang samahan si Cyp dahil matagal na silang magkakilala. Darn, Aidan!


Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now