Kabanata 11

557 22 0
                                    

AIDAN

Sa sobrang excited tingin ko ay lalabas na ang puso ko. Tinignan ko ang hawak kong singsing. Bagay sa kanya ito. A stunning white diamond ring. White that represents being pure and clean. A diamond because she's my gem. And a ring because I want to marry her as soon as I get to the Philippines. My Ava.

Na-realize ko sa mga panahong wala ako sa tabi niya ay mahirap pala at parang 'di ko kaya. Napagtanto ko na mahal ko siya, 'yung sinabi kong hindi ako magmamahal ay isang kasinungalingan. Si Ava nga 'yata ang babali sa lahat ng mga pinangako ko sa sarili ko tungkol sa pag-ibig.

Ngayon ko lang naisip na ang love ay masaya. It will give you multiple butterflies in your stomach. Corny, isn't it? But it's love. It's what I feel for Ava. Siya lang ang bukod tanging nakapagparamdam sa akin ng ganito.

Habang nasa eroplano ay iba-ibang proposal ang naiisip ko. Natawa ako nang maisip ang pinaka-corny na proposal na napanood ko sa isang youtube video. Naisip ko ang reaksyon ni Ava kung 'yun ang sasabihin ko.

"Can I have your heart, please?"

"Ha? 'Wag."

"W-Why? Y-You don't love me? Sa lahat ng panahon na kasama ako, kahit katiting wala kang naramdaman? "

"Ano? Ha? Syempre, meron! Ano kasi, mahal kita pero 'w-wag naman ang puso ko. L-Lahat naman may puso. Aha! Ang saging may puso. Tulungan kita kumuha. P-Pero bakit? H-hala! May sakit ka ba sa puso? Aidan hindi pwede 'yung puso ng saging dun. H-hindi ka m-mabubuhay."

I ended laughing so hard as I remembered that I'm inside a plane. I got shy that's why I pretended that I'm watching funny videos on my phone. But who am I kidding? I don't have my phone with me. The heck!

After a few hours, as the plane landed on the airport, I immediately ask my driver to go directly to the house. Dapat ay didiretso ako sa opisina pero uunahin ko muna si Ava dahil siya naman at ang baby namin ang priority ko.

Kahit kinakabahan ay mabilis akong pumasok sa bahay at hinanap si Ava. Wala ang mga mga maid dito dahil day-off nila. Nagkataong sabay-sabay, tinignan ko na ang lahat ng palapag at kwarto ng bahay pero ni isang bakas nila Ava ay wala akong makita. Kung sana si Tonio at Ader ang wala ay maiintindihan ko pero pati si Ava?

Kinalma ko ang sarili ko at nagsimulang tumawag sa security guard sa village namin para tignan kung saan pumunta sila Ava. Baka naman umalis lang at nagliwaliw. Umakyat ako sa kwarto na pinintahan namin ni Ava. Umupo ako sa sofa at habang kausap ko ang security guard ay may nahagip akong sulat sa mesa. Nilapitan ko ito at nakitang may kalakip na pera ang sulat.

Dear Aidan,

Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko. Hindi ko na kaya na maging baby maker lang. Napagtanto ko na hindi ko kayang mailayo sa anak ko. Sana maintindihan mo ang desisyon ko. Kung magagalit ka ay tatanggapin ko. Salamat sa lahat ng pagtulong mo sa akin. Ang perang nasa mesa ang lahat ng tinulong mo sa amin. 'Wag mo nang alamin kung saan ko nakuha ang pera. Muli sana patawarin mo ako, ina na ako na hindi kayang mawalay ang anak sa akin. Kalimutan mo na rin ang kasunduan natin. Sana ay hindi na kita makita kailan pa man.

                                                           Ava

"W-why?" B-Bakit, A-Ava? K-Kung kailan mahal na kita saka ganito? B-Bakit mo sinimulan kung hindi mo tatapusin. B-Bakit ganun?! Kung kelan naniwala na ako sa lintik na pag-ibig na ito, saka ka pa mawawala. Hindi ko namalayang binato ko na ang perang iniwan ni Ava.

"Pera?! Hindi ko kailangan 'to Ava! Hindi ko to kailangan. Ikaw ang kailangan ko at ang anak natin. Please! Umuwi kana. Tatanggapin ko kahit anong dahilan. Papatawarin kita basta bumalik ka na! Bumalik ka na!" Lumapit ako sa dingding na pinintahan naming dalawa.

Nanghihina akong napaupo habang hinahaplos 'yun. "Hindi pa 'to tapos Ava. Ang pangit nito kung hindi tapos. Kaya please, umuwi ka na. Tapusin na natin 'to. Please," kahit ang boses ko ay mahina na. Naubos na ang lakas ko dahil sa pag-iyak. Marahas kong pinunasan ang luha ko.

"Tangina naman! Bakit ba ako umiiyak?! Babalik siya! Umalis lang 'yun pero babalik siya," 'yun ang pilit kong tinatatak sa isip ko. Aalis 'yun pero babalik ulit. Aalagaan pa namin dalawa ang baby namin.

Pero umiiyak pa rin ako nang dumating sa bahay si Meko. Hindi ko naalala kung tinawagan ko ba siya pero wala na akong pakialam.

Sinigawan ko siya habang hawak ang kwelyo ng damit niya. Sa sobrang galit ay hindi na ako nakakapag-isip ng maayos.

"Tangina naman Meko! Ipapakilala mo na lang ako do'n pa sa taong iiwan ako! Bakit binigay mo sa akin 'yung walang kasiguraduhan? Sobrang duwag naman niya. Hindi ko naman na balak ilayo ang anak namin. Mahal ko siya eh! Mahal ko! Tangina naman!" Paulit-ulit akong nagmura sa kanya hanggang sa mapaupo ako hawak parin ang kwelyo ng damit niya. Naawa siyang tumingin sa akin. Tangina, bakit maaawa?!


Babalik naman si Ava, eh. Gusto niya lang akong makitang umiyak para masiguro na mahal ko siya. Pero babalik siya. Ano bang inaarte ko!? Babalik siya. Hindi pwedeng hindi dahil buntis siya. Anak ko nag dinadala niya.

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa dumating si Bliss at Mama. Tangina, tinawagan ko ba ang mga 'to?

"Bakit kayo nandito? Ano, masaya na kayo?! Kagagawan niyo ito?! Dahil sa inyo umalis si Ava! Ikaw, Ma! Ayaw mo sa kanya kaya tinakot mo siya 'diba?! Tangina naman, hanggang lovelife ko papakialaman mo?! Bakit hindi pagiging ina mo ang pagtuunan mo ng pansin. Ano, bakit hindi ka sumagot! Kasi do'n ka nagpapaka-ina sa hindi mo anak. Bakit? Dahil anak siya ng kalaguyo mo!"

"Don't shout at me, I'm still your mother! Can't you see, Aidan? That girl just leave because obviously she's just after your money. She's a coward Kung hindi ay bakit siya aalis? At hindi ko basta kalaguyo ang Tito Albert mo. Asawa ko siya. Galangin mo siya kasi kahit kailan, wala siyang ginawang masama sa'yo."

"Don't be like that Aidan. Tama si Tita eh! Iniwan ka niya dahil duwag siya! Ginamit ka lang niya at ang-"

"SHUT THE HELL UP BLISS!" Nakita kong nagulat siya sa sigaw. "'Wag kang pakialamera! Wala kang natutulong! Isa ka pa Ma! Tito?! Hindi ko siya kamag-anak! At hindi mo siya asawa! Kalaguyo dahil noong sumama ka sa kanya hindi pa kayo hiwalay ni Papa. Nagkaroon kalang ng pagkakataong pakasalan siya noong nawala si Papa. Siguro ay masaya ka noong mga panahong 'yun. Kung totoo ngang ginamit ni Ava ang pera ko, parehas lang kayo! Sumama ka sa Albert na 'yun dahil mas mayaman siya kay Papa 'diba? Hindi ka marunong makuntento, Ma!" Sinampal niya ako pagkatapos kong isigaw 'yun. Pero para akong manhid dahil sa mga nangyayari.

"You don't talk to me like that, Aidan! Hindi ako sumama kay Albert para sa pera, mahal ko siya. At hindi ako tulad niyang Ava na 'yan! Maling-mali na nagtiwala ka sa kanya."

Mahal? So ano 'yung sainyo ni Papa? Laro? Tanginang laro 'yan, nadamay pa ako! Bakit niyo pa ako pinaniwala na pamilya tayo kung parehas kayo na iiwan ako.

"Tama naman! Hindi ka katulad ni Ava dahil mas masahol ka pa sa kanya. Pare-parehas kayo! Mga mang-iiwan. Wala kayong karapatan na damayan ako sa nangyayari sa'kin kasi mas malala 'yung pinaramdam niyo sa'kin."

Pansamantala kong nakalimutan na iniwan ako ni Ava pero 'yung sakit nandito pa rin.

Pinaalis sila ni Meko at tingin ko'y dapat ko ipagpasalamat 'yun sa kanya. Habang umiiyak na inaalala si Ava, naisip ko, tama nga kaya na maling tao ang pinagkatiwalaan ko?

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now