Kabanata 5

765 23 1
                                    

AIDAN

I guided Ava towards the big venue of my cousin's birthday. I spotted different businessmans and doctors, probably my cousin's workmates. I look at Ava, who's now in awe. She's beautiful, like an angel. I'm aware that people are staring at us right now, wondering if who's the girl beside me.

"Kinakabahan ako Aidan, sabi naman ni Tonio sa akin ay just be yourself daw," napansin kong nanginginig ang kamay niya kaya hinawakan ko 'yon. Napakaganda niya talaga kahit anong gawin niya.

"Oh, that's right though. But forget how to be you," agad siyang napatingin sa akin. Pilyo akong napangiti.

"The question is how to be yours?"

Namumula ang mukha niya ng mag-iwas siya ng tingin sa akin. Doon lang ako natauhan at napailing. What the fuck did I said?

"Ah, Ava," tawag ko sa kanya. Dali-dali siyang napatingin sa akin gamit ang nagtatanong na mata. May hiya pa rin sa mga mata niya. Inayos ko ang sarili at giniya siya paharap.

"Let's go greet my cousin," napatango siya sa sinabi ko.

Lumapit kami sa pinsan kong kausap ang ilang kaibigan niya. Napatingin siya sa akin pati na rin kay Ava na mukhang nahihiya.

"Happy birthday Wren. This is Ava, the one I've been telling you about, " sabay turo ko kay Ava. Umalis naman ang ibang kausap ni Wren, mga kaibigan niya. Maghahanap lang ng mga babae 'yang mga yan.

They're are my friends, too. Ipapakilala ko sana sila pero umalis eh. Nevermind. Hindi naman sila importante. Isa pa, baka matipuhan nila si Ava na hindi naman imposible dahil sa ganda niya kaya 'wag nalang.

"Oh Ava. You look path," matalim ang mga matang pinukol ko sa kanya. Ngingisi-ngisi lang naman siya at walang pakialam. Akala ko ba seryoso sa buhay ang isang 'to? Fake news. Mukhang pinaglalaruan ako nito. 

"Mataba ho? Hala?" Mukha siyang bothered sa nalaman. Natawa kami ng sabay ni Wren kay Ava. She didn't know that? Fuck, so innocent. Damn!

"Path means attractive Ava. P-a-t-h, that's how it should spell." Napatango siya at mukhang nahihiya. Napapikit din na parang nagsisi sa binanggit. Wala naman akong pakialam do'n, ang cute nga niya.

"Anyway, you two should eat. We'll talk about your brother's case after the party," si Wren at umalis na dahil magsisimula na yata ang party.

Nagsimula ang party sa pagbati at pasasalamat ni Wren sa mga dumalo. Naisingit pa ng loko ang tungkol sa mga business niya. Seryosong-seryoso ang mukha nito, malayo kapag kaming mga kaibigan lang ang kasama niya.

Habang kumakain kami ni Ava ay may biglang lumapit sa amin. Napatingin kami ni Ava dito at nagulat ako ng makilala kung sino 'yun. Elegante siyang tignan sa suot na pulang evening gown, sopistikada at masungit ang tingin nito sa babaeng katabi ko.

"Bliss?"

AVA

Napatingin ako kay Aidan ng may binanggit siya. 'Yun yata ang pangalan ng magandang babae sa harap namin. Oo, maganda. Sobrang ganda niya at mukhang masungit. Kung nakakamatay lang ang mata niya, kanina pa ako pinaglalamayan nila Tonio. 

"Yes, my dear? It's me the one and only, Bliss Rosell," sabi niya at umirap sa'kin. Pangit pala 'to, mataray kasi. Saka arabo? Dear? Send money, more money. Napailing ako. Nako, dahil ito kay Tonio. Kung ano-ano ang sinasabi ko.

"What are you doing here, Bliss?" tanong ni Aidan kay dear este Bliss. Mabilis na ngumiti naman ang babae, kumikinang ang mata nito nang tanungin ni Aidan.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now