Kabanata 7

650 19 0
                                    

AIDAN

Ilang linggo na ang lumipas, maraming beses nang may nangyari sa amin ni Ava kaya hindi na kataka-takang kung buntis na siya. Nandito ako nga at inaalalayan siya. Kakatapos niya lang sumuka pero puro tubig lang naman ang isinuka niya. Nabasa kong isa itong sign ng pagbubuntis. Inaabangan ko 'to matapos ang ilang ulit na pangyayari sa aming dalawa.

"We need to go to the hospital Ava. You need to get check. I think your pregnant," nanlalaki ang mga matang napatingin siya sakin. Oh dang cute! Hindi ako magsasawa sa gulat niyang mukha.

"'Paano mo naman nasabi?"

"Hala! Baka nga juntis ka na 'te. Nagsusuka ka kanina at always ka najijirita sa akin. Pinaglilihian mo ba ang beauty ko?" See? Even Tania thinks she's pregnant. I'm damn nervous. But at the same time, I'n excited, too.

Napilit naman namin na magpunta ng hospital si Ava. Mukha pa nga siyang kinakabahan eh.

Hindi nakasama sila Tania dahil babantayan niya daw si Ader. Nakausap na namin si Wren tungkol sa kay Ader. Kasalukuyan na nag-dialysis si Ader habang humahanap pa kami ng possible na kidney donor.

Bukod sa mahal ay  mahirap kasing humanap ng mag-ma-match na donor. After our talk with our Doctor ay inaya ko si Ava sa mall para bumili ng mga gamit.

I'm right. Ava's three weeks pregnant. I'm damn nervous and excited at the same time. I'm now a father. Shit, this feeling is like heaven. I think I'm on cloud nine at this moment.  Kasalukuyan kaming nasa isang botique at nagtitingin ng maternity dresses and other stuff for the baby.

"Aidan, ano ba ang gagawin mo sa mga 'yan? Matagal pa bago lumabas ang baby." Sa sinabi niyang 'yun ay tinapos ko na ang pamimili.

"Come here, where do you want to eat?" She chose MCDO and I have no choice but to obey her. It's not healthy for the baby to eat fastfood. Pero mahirap na at baka mainis ang buntis. Pagtapos naming umorder ay iniwan ko siya saglit para bumili. Nagreklamo pa siya pero sabi ko saglit lang. Nagagawa na niyang mag-reklamo. Ibang-iba sa dating Ava na mahiyain. Pregnancy hormones are showing.

AVA

Hindi ako makapaniwala na buntis ako. May baby na sa tiyan ko. Kinakabahan din ako dahil hindi ako marunong mag-alaga ng bata. Pero nang maalala kong hindi ko naman pala siya makakasama ay bigla akong nalungkot. Malungkot akong nagpatuloy sa pagkain habang iniisip ang baby ko. Hindi ko namalayan na nandito na sa harap ko si Aidan.

May hawak siyang gamit sa pangpinta. Para saan naman kaya ang mga 'yan?

"Tania told me it's your bithday so O decided to give you a gift." Oo nga pala, kaarawan ko na. Muntik ko nang makalimutan kung hindi lang niya pinaalala. Para sakin ang mga 'yan? Matagal ko nang pangarap magkaroon ng gamit pangpinta.

"Pero hindi mo naman kailangang bigyan ako ng regalo. Marami ka nang naitulong sakin A-aidan."

Kahit pa naluluha na ako dahil gusto ko talaga 'yun.

"Hindi kailangan pero gusto ko. Isa pa pasasalamat ko 'to kasi binigyan mo ako ng anak. You made me the happiest man alive, Ava. At para na rin may pagkaabalahan ka sa bahay. Sometimes you need to pamper yourself," muli akong nalungkot sa sinabi niyang binigyan ko siya ng anak pero hindi ko pinakita. Masaya siya, 'yon ang importante.

"Sabagay madalas kasi ay nakakainip sa bahay mo. Salamat ng marami Aidan. 'Saka 'diba baby lang ang nagpapamper?" Napasapo siya sa noo niya saka umiling. Hala, bakit kaya?

Si Tonio kasi ay nagtatrabaho na sa hotel ni Aidan. 'Yung Castuera Shines Hotel. Hindi ko nga natanong kung anong trabaho pero mukhang masaya naman siya. Minsan pa ay umuuwi siyang may dalang pagkain. Binili daw niya sa sweldo niya. Sinabi kong huwag na siyang mag-abala at mag-ipon para sa sarili niya. Hindi naman daw niya kinakalimutan ang sarili. Lalo nga daw siyang gumaganda sa mga binibili niyang make-up. Isa 'yon sa pinagkaka-abalahan at pinag-kakagastusan niya sa pera niya. Suportado ko naman siya at natutuwa ako sa tuwing masaya siya.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now